Chapter 009| Elisha's POV
Andito na ako sa labas ng cafe, kasama ko na si Kaia na may dala dala ding gamit niya, hinihintay nalang namin ang pagdating nila Fawn at Em-Em. Mula sa kinatatayuan namin ay natanaw ko na silang dalawa na kakalabas sa parking area ng building, itinuro ko sila kay Kaia at nagpasalamat naman si Kaia at dumating na sila.Nung magkaharap na kaming apat ay humihingal pa silang dalawa, mataas pa kasi ang sikat ng araw at papunta na rin sa rush hour at ilang saglit nalang ay sasapit na ang gabi. "Kanina pa ba kayo? Pasensya na, nahirapan kaming makalabas sa route 15 eh, ang traffic din kasi doon." Paliwanag ni Fawn, inabutan ko siya ng mineral water, at dahil sa ginawa ko ay biglang nag flashback sa isipan ko yung nangyari sa'min ni Kyle noong nakaraang gabi.
"Uy, papainumin mo ba talaga sa'kin to?" Sita sa'kin ni Fawn ng hindi ko parin binibitawan ang inialok kong tubig, ibingay ko nalang ito at humingi nalang ako ng pasensya, bakit ba nagiging apektado na ako sa mga bagay bagay? Ngayon lang ba ako tinamaan ng 'growth'?
"Hindi na kami magtatagal nito, kailangan pa naming ayusin yung office." Sabi ni Em at bumuga ng hangin, "May nagawa na rin ako dito sa laptop ko, natapos ko rin siya kaagad kanina lang pero hindi ako sure kung ito talaga ang gustong makita sa article. Stay online for us to keep on connecting with the both of you." Paalala ni Em.
Kinuha ko muna sa wallet ko ang flashdrive ni Fawn at ibinigay ito sa kaniya, "Here, thank you sa lead. Ginawan ko na rin ng copy yung article kong nagawa dyan sa flashdrive mo para hindi ka na mahirapan sa pag receive ng files ko, in set na rin naman yan, kayo na bahalang mag critic." Sabi ko lang at maging si Kaia ay ibinigay na rin ang flashdrive niya.
"Wag mong gagalawin yung ibang files dyan ah, kay Mommy kasi yung iba dyan. Ingatan mo yan, mas mahal ko pa yung flashdrive kesa sa'yo." Sabi niya habang inaayos na ulit ang gamit niya, "Echos ka talaga, sige na nga, mauuna na kami. Stay online ah." Sabi ni Fawn at bumalik na sila sa building.
Pumasok na rin kami ni Kaia sa cafe at pinahanap ko na muna siya ng mauupuan namin, ako na muna ang mago-order tutal nabanggit naman niya sa'kin kung ano yung paborito niyang pagkain dito sa Retro Cafe, umorder ako ng dalawang box ng Vegan Pizza at isang Hawaiian Pizza. Dalawang Mexi Mocha at dalawa ding Café Latte.
Bumili na rin ako ng snacks namin at ng ibang drinks bago bumalik sa table, tinawanan ako ni Kaia dahil daw ang dami kong binili, "Mukhang gusto mo yatang mag chill ah, ang dami mong binili." Napangiwi nalang ako at naupo na sa tapat niya, "Papadalhan natin yung dalawa sa loob para atleast naman may makain sila." Sabi ko at tinawanan niya lang ulit ako.
Nung nai-serve na lahat ay sinabihan muna ako ni Kaia, "They don't like Hawaiin unlike us, gusto ni Fawn ng Mexi Mocha at bigyan mo lang ng isang canned drinks si Em-Em kasi hindi niya nakakayanang uminom ng mga coffee." Tumango lang ako at sinunod ang bilin ni Kaia.
"Ihahatid ko nalang muna to sa kanila, hinta--"
"No no." Sabi niya at tumaas ng isang kamay, may isang crew na lumapit sa'min at tinanong kami, kinausap siya ni Kaia at sinabi niyang ipa-deliver yung mga inihanda naming pagkain kanila Fawn.
"Deliver this at the 12th floor of that building, find Fawn Murphy's office. Thank you, here's your tip." Sabi niya at kaagad namang umalis ang kinausap niya. Napatingin siya sa'kin at ngumisi, "Oh, hindi mo alam na may ganun dito sa RC no?" Tinawanan na naman niya ako kaya't napailing nalang ako.
Kumain muna kami ni Kaia since quarter to 4 palang din naman at bukas naman ay parehong 9:30 magsisimula ang pasok namin kaya no hustle kung magpupuyat kami ngayon, 2 days nalang kasi, presentation na namin sa conference room about our articles, "Kamusta naman dyan sa Northwood? Hindi ba mahirap makahanap ng kaibigan dyan?" Kahit punong puno ang bunganga niya ay nagagawa niya paring magsalita.