Chapter 016| Elisha's POV
Time check, 3:15 pm. Nandito na kami ni Kyle pero si Dean Cortez wala parin, hindi rin kami nag-uusap ni Kyle kahit pa na kanina pa niya ako tinititigan at sinusubukang kausapin, hindi naman ako galit sa kaniya or kung ano paman. Nagtataka lang talaga ako kung bakit ako pa ang piniling magturo sa kaniya gayong hindi ako ang nasa una ng Dean's List.
"Chavez... bakit ba ikaw ang napiling magtuturo sa'kin?" Tiningnan ko siya at nakita kong nakangisi siya sa'kin, inirapan ko siya at umiwas ng tingin, "Bakit, sa tingin mo ba natutuwa rin akong ikaw yung tuturuan ko?" Bumuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kaniya, he is now leaning his back to the chair while intently looking at me, pinantayan ko ang titig niya at natapos lang nung bumitaw siya.
"So, does that mean you're actually accepting the offer?" Tumango nalang ako at bago ko paman maiwas ang tingin sa kaniya ay nakita kong may maliiti na ngiting naipinta sa kaniyang labi, hindi ko alam pero nakaramdam ako na parang nay humaplos sa puso ko kaya bumuga ako ng hangin. Weird.
"Bakit nga ba napunta ka sa ganitong sitwasyon? Your other friends are successful and besides, you all do the same thing... so bakit ikaw lang?" Tiningnan ko siya kaya ay nakita ko siyang umiwas ng tingin at napayuko, hindi ko alam kung tama ba ang naitanong ko kaya't napakagat ako sa labi at nagsalita ulit.
"I-I'm sorry, hindi mo naman kailangang--"
"Remember the night you stayed with me while I was drunk? Nasabi ko na diba, it's just that, it's really hard to make my mother proud." Napatikom ako ng bibig at hindi ko alam ang sasagutin ko, hindi ko kasi kailan man nakaranas ng ganyan kaya wala akong masabi.
"Why? Does my name already makes you curious?" Ngumisi siya ulit kaya napailing nalang ako at sumandal rin, "Hindi, wala nga akong pakialam sa'yo eh." Lumapit siya sa'kin habang dala dala ang chair, pumwesto siya sa harapan ko't tiningnan ako, umiwas ako. At dahil sa pag-iwas ko ay naisipan kong baka mag assume na naman siya.
"Ah hindi. Kaya pala tinanong mo'ko kung bakit ako lang yung kinakailangan mong turuan." Tiningnan ko siya at nakita kong nakangisi siya, mas inilapit niya pa ang mukha niya kaya napaatras ako, "H-Hindi nga... sino bang nagsabing na-curious ako. Hindi ba pwedeng ayaw lang talaga kitang turuan?"
"Ayaw mo? Pero bat mo tatanggapin? Well you know Elisha, my dear, matalino naman ako, tamad lang talaga. So whatever you do in trying to deny it, i'll always know everything. Go on, keep on explaining, I would exactly love to hear your voice." Mas lumapit pa siya at pinindot ang tungki nh ilong ko.
"Matalino ka na rin naman pala, so what's the purpose of having a tutor? All you need to do is put your attention in your studies." Umiling siyat sumandal na pabalik kaya napanatag na ang loob ko, kanina pa kasi ako kinakabahan. "Nah, that's your duty already remember? Ikaw ang naka assign na magturo sa'kin so gawain mo na yun magsimula ngayon. You're gonna take care of ME."
"Tuturuan lang kita, pero hindi kita aalagaan." He chuckled softly na nagpatalon sa puso ko kaya kaagad akong napaiwas, "Exactly! Iyon naman ang ibig sabihin ko ah? Ikaw lang yata tong iba ang pagkakaintindi. Or you really want to take care of me? Because I'll be really happy if you do." Pinitik ko siya sa noo that made him smile, hindi ko alam pero nahawa ako at napangiti rin ako.
"You're really pretty when you smile." Nagkatitigan kaming dalawa at tahimik ang masunod na namayapa sa pagitan namin,
"I'm sorry, I'm late-- oh, did I enter on a wrong time?" Kaagad kaming napabitiw sa tingin ng isa't isa at lumayo, nahihiya akong napatingin kay Dean Cortez at siya nama'y nakangisi sa'min ni Kyle ng nakakaloko, napayuko nalang ako at napatingin kaagad kay Kyle.