Chapter 003 | Elisha's POV
Linggo na ngayon at madaling araw palang ay gising na ako, magsisimba kasi kami nila Mama. Ready na ako at hinihintay ko nalang na umilaw na labas ng kwarto ko dahil inaamin ko, takot talaga ako sa dilim. May trauma na kasi ako dyan.
Kaya nung nagkailaw na lumabas na ako at kaagad kong nakasalubong si Chastity, kapatid ko. Naka dress siya at kaagad niya akong binati ng good morning kaya ginawa ko rin yun, nag usap lang kami at ang dami niyang naikwento sa akin.
Nagulat nalang ako ng makita ko si Mama at si Ender na nasa kusina na, "Good morning mga binibini. Ganda niyo ah, pero ate Isha, try mo rin kaya minsan mag dress para kang tomboy." Sabi nito kaya ginulo ko ang buhok niya.
Sabay kaming kumain ng agahan at maya maya lang ay may tumunog na sasakyan, bumusina ito kaya nataranta kaming tatlong magkakapatid at nag-unahan sa pagbukas ng gate, bumungad sa'min ang Montero na maroon ni Papa.
Tinawanan niya kami ng makalabas siya at isa isa niya kaming ginawaran ng halik at yakap, sobrang na-miss ko ang papa namin, palagi kasi siyang absent kasi umaalis para sa business namin. Maging si Mama nga rin ay may business rin pero mas priority niya kami at mas pinipili niya kasing malapit parati ang location niya sa amin.
"Let's get inside, ang dami ko nang utang sa inyo." Sabi ni Papa at sabay sabay kaming pumasok, bumungad sa'min si Mama na natatawa ang mukha.
Kumain kami ng sabay at kaniya kaniya kaming prepare para sa sarili namin at saktong pagpatak ng 5:45 ay umalis na kami at tumungo sa simbahan, ang saya saya ko talaga sa tuwing sasapit ang Linggo, maliban kasi sa kompleto kami, sabay sabay pa kaming nagdadasal sa bahay ng Panginoon.
Natapos ang misa ng 7:30, ang haba kasi ng homily ni Father, pumunta kami sa isang Charity home at nag donate sila Mama at Papa ng iilang gamit at pera para sa mga nangangailangan duon, ilang oras din ang itinagal namin doon.
"Ate..." tawag sakin ni Chastity, hinarap ko siya at tinanong kung may kailangan ba siya, bigla niya akong yinakap kaya nag-alala ako. "Bakit? May nangyari ba?" Wala namn kasi akong nabalitaan na may karelasyon siya.
"Wala, na miss lang kita kasama, isa pa namomroblema na ako kung saan ako papasok ng college, gusto ko sana sa campus mo kasi may nursing dun pero, ayaw ko namang iwanan nalang si Ender baka mas lalo siyang maging pabaya dun." Ginulo ko ang buhok niya at pinaharap siya sakin.
"Huwag mo nang alalahanin pa si Ender, matututo rin naman siya tsaka isa pa, kung gusto mo dun sa amin edi mas ayos nga yun para palagi kong malaman yung kalagayan mo." Seniors na kasi si Chas at mula talaga noong bata pa kami, pangarap niya nang mag Meds.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at ngumiti ng pilit, "Okay na ate, kung kasing talino mo sana ako at mabuti sana kung pareho tayo, eh kaso hindi eh. Ikaw kasi magmula nung mag high school ka, nandyan ka na agad at Dean's Lister ka pa. Tsaka okay na ako dun sa amin ni Ender, may Meds naman dun. Isa pa, mababantayan ko pa yung lalaking yun." Sabi niya kaya napangiti nalang ako kahit na nasasaktan ako.
"Wag mo ngang ikukumpara yung sarili mo sa akin, matalino ka rin kagaya ko, syempre pamilya tayo diba? Tsaka kung yun naman yung gusto mo, okay lang. H'wag mo nalang muna sigurong isipin yun ng mabuti, may dalawang taon ka pa naman para pag-isipan yun." Hinalikan niya ako sa pisnge at nagpaalam siyang babalik sa loob ng Charity Home.
Ang tahimik dito sa lugar na pinagpwestuhan ng Charity Home, exclusive subdivision siya at tanging ang mga may appointment lang sa mga nakatira dito ang maaaring makapasok. Kapag naman sinubukan mong mangahas na pumasok kahit hindi ka pwede maaaring sa presinto na agad ang bagsak mo. Naglakad nalang ako para malibot ko yung subdivision.