Chapter 002 | Elisha's POV
Kakatapos lang ng klase namin at ngayo'y papunta na akong locker ko dahil iiwan ko na yung mga libro kong hindi ko kinakailangang review-han, nagulat nalang ako ng pagkabukas ko ng locker ko ay may isang note na nahulog sa sahig, dinampot ko iyon at binasa.
Sorry for what happened
-DM
Huh? Sino to? Tsaka anong sorry, para sa ano? Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng pasilyo para makita kung may tao bang nang iwan nito, kung nandito pa ba siya o wala na, babae ba siya o lalaki? Saktong biglang may lumabas sa banyo ng mga lalaki, tatlo sila at parehong hindi ko kilala, mukhang mula sila sa ibang building.
Hindi ko na sila pinansin pa't inipit nalang sa notebook ko ang note na'yon at umalis na. Pumunta ako sa gymnasium para hintayin si Lake, magpapasama rin sana ako kay Jullienne kaso mukhang hindi siya makaksunod kaya walang ibang choice kundi lumapit kay Lake.
Hindi lang naman sila yung mga kaibigan ko, marami sila pero hindi dito nag-aaral. Pagpasok ng gymnasium ay medjo rumami ang mga tao kesa sa kaninang pumunta ako, hindi ko nga alam kung bakit kaya tinext ko nalang si Lake, sinabing sa canteen ako maghihintay sa kaniya.
Sakto namang papalabas na ako ng bigla siyang tumawag, "Bakit?" Napabuntong hininga siya kaya bigla akong napaisip na baka ay hindi niya na ako masasamahan. Pano na ako neto.
"Nothing. Get inside, andito kami sa bleachers namamahinga." Kaagad akong nagtaka sa sinabi niya, kung nagpapahinga naman pala siya, bakit kinakailangan niya pa akong tawagin?
"Hindi na. Hintayin nalang kita, tsaka nagpapahinga ka na rin naman eh." Hindi pa ako nakakaalis ng gymanasium pero nandito ako sa labas nakaupo sa bench, napapansin ko ngang mas dumadami na ang mga pumapasok na tao eh. May ano ba?
"This will take an hour, pumasok ka na nga, tinatamad akong mag explain sa tawag." Iritang sabi nito at binabaan ako ng tawag, napailing nalang ako dahil sa pagiging bossy at arogante niya. Kahit talaga sakin lumalabas parin pagiging ma-attitude niya. No choice kaya sinunod ko ang gusto niya.
Kung minsan nga'y nabubunggo pa ako kasi may mga nagsisitakbuhan at yung iba naman mas malaki lang talaga sa'kin, pasalamat sila't wala akong dala. Dahil kapag yung mga gamit ko'y nagkandahulog, ihahampas ko talaga sa kanila yung bag ko. Ang oa ko na.
"Hi Isha!" Masiglang bati sa'kin ni Dax, alam ko namang inaasar na naman niya kami ni Lake, kumaway nalang ako't tumingin kay Lake. "Come here." Sabi niya pero umiling lang ako. Aagad niya akong inirapan at tiningnan ng masama, kaya no choice na naman tayo, edi pinuntahan ko siya sa pwesto niya.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Sinubukan kong palabasin na naiirita ako sa kaniya pero inarkohan niya lang ako ng isang kilay. "Next time kasi, kapag umaarte ka, galingan mo ha, hindi yung nahahalata ka." Sabi niya kaya hinampas ko siya at natawa nalang ako, bakit ba kasi ang sungit niya?
"Hindi ah, sadyang kilala mo na talaga siya Lake kaya ganon." Singit ni Dax sa usapan namin kaya hinarap namin siya, "Kayo kasi, ang totorpe niyo, hindi pa umamin sa isa't isa eh wala namang bumabawal sa inyo." Sabi pa nito.
"Hi Elisha." Sabi ni Kai at inakbayan ako, mukhang kakadating niya lang dito. "Hello Kai, sa'n ka galing?" Nangulangot pa muna siya kaya tinulak ko siya at tinawanan ako ng mga ka teammates nila. Mga bwesit.
"Relax. Ayaw mo ba ng kulangot ko? Blessing kaya 'to, gusto mo?" Sabi pa niya't inilapit sa'kin yung daliri niya kaya ay umatras ako ng umatras, tiningnan ko si Lake para humingi ng tulong pero yung magaling na lalaki aba nakangiti lang at mukhang ine-enjoy kaming panoorin.