Chapter 6

11 0 0
                                    

Chapter 006| Elisha's POV

Matapos ang training nila Lake ay dumiretso na kami sa bahay nila Jullienne, may party sila na inihanda dahil yung ate ni Jullienne ay napromote, nasa isang sasakyan kami at gamit namin ang kotse ni Lake. Pareho kaming nasa likuran nakapwesto ni Yen dahil alam kong tutuksuhin na naman niya ako kapag tumabi ako kay Lake.

"Grabe, ang galing talaga ni Kyle, sayang nga lang natalo parin sila. Pero diba Lake, kahit naman ganun may chance namang makuha parin siya diba? Sabihin mo oo." Pangnungulit ni Jullienne kaya napatawa si Lake, "Yes, you really like him that much?" Tanong niya't umiling, namula naman ang mukha ni Yen at umiwas ng tingin.

"H-ha? Hindi ah, crush ko lang siya." Tumingin sakin si Lake at kaagad niya akong tinarayan, "Bakit ka nandyan? Anong akala niyo sa'kin, driver niyo?" Hindi ko siya sinagot at tinarayan nalang din, "Ayan na naman silang dalawa, mamaya mababalitaan ko nalang LQ na naman sila." Pagpaparinig ni Yen at sumandal.

Habang umaandar ang sasakyan ni Lake ay nakita ko yung Fulker kanina na naglalakad at nakayuko, hindi ko alam pero napahanga ako sa galing niya kanina habang nasa laban siya, bawat galaw niya ay sinusundan ko ng tingin, hindi ko alam pero dahil sa kaniya nagkainteres ako sa panonood kanina.

Siya rin yung kuya ng Klyd nayun na nakasama ni Ender sa Disciplinary Office, pero akala ko ba Dela Cruz siya? Bakit naging Fulker na ang apelyido niya? Ipinilig ko nalang ang ulo ko at sumandal nung maramdaman kong unti unti nang umaandar ang sasakyan ni Lake. Tahimik lang kami hanggang sa nagbunganga na naman si Yen.

"Hoy Lake, wala na ba kayong communication nila Flint? Sayang naman, hindi ba awkward na nasa isang campus kayong mag ex-bestfriends?" Napatingin ako kay Lake, napabuga siya ng hangin bago sinagot ang tanong ni Yen.

"Wala. And besides I'm okay with my teammates at sa inyo. Why'd you suddenly ask that?" Narinig ko ang pagpilantik ng dila ni Yen at alam ko kung anong ipinapahiwatig niya, hindi siya naniniwala kay Lake at malamang hindi siya nakuntento sa sinagot ni Lake, maging ako nga rin naman.

"Isha, ikaw nga mag tanong, malay natin sagutin ka ng maayos." Bulong sa'kin ni Yen at ngumisi ng napakalapad bago ako binigyan ng thumbs up, magsasalita palang sana ako ng biglang sumagot muli si Lake.

"As much as I wanted to be friends with them again, I knew for myself it won't be the same as before. Pinili kong lumayo sa kanila, so it's my time to accept my consequences. Ginusto ko to eh." Napabuga ako ng hangin at napailing.

"Bakit, nasubukan mo na ba silang kausapin? As far as I can remember, kahit kailan hindi ka na ulit lumapit sa kanila." Sabi ko at sumandal muli, tiningnan niya ako sa salamin at inirapan. Aba bastos to ah.

"Why? Do you think if I tried to come near thme they will still talk to me? Kung sa inyo kaya mangyari ni Jullienne yun?" Kaagad siyang tiningnan ng masama ni Yen, "At bakit naman mangyayari sa'min yun? Tsaka tsong, hindi mo pa pala sila nilapitan. Malay naman natin kung mabigyan pa kayo ng pangalawang pagkakataon para mabuo ulit diba?"

"I'm fine. H'wag na kayong mag-alala about dun, tsaka starting next week try ko nang makausap kahit isa manlang sa kanila." Tinapik ni Yen ang balikat niya at may sinabi siyang ikinawindang ko, "Hm, good. Pero alam mo bang hindi na virgin si Elisha Zariah?" Kaagad niya itong sinundan ng malakas na tawa kaya sinapak ko siya.

"What?" Yun lang ang naiusal ni Lake kaya ay marahan akong huminga ng malalim at tiningnan ng masama si Lake, "Kapag talaga ikaw maniwala sa sinasabi ni Yen, babatukan kita." Pangbabanta ko pero inarkohan niya lang ako ng kilay at kinausap si Yen.

"Ay hala, hindi mo alam na nag date sila nung Dentrix Trench noong linggo?" Kinurot ko si Yen kaya mas lalo siyang natawa, "Oh ano, nakita mo yung ginawa niya sa'kin? Halatang gulity siya Intsik oh." Kaagad ngumiwi si Lake, "Would you please stop me calling that? Ang ganda ng pangalan ko." Sabi niya at maya maya lang ay natatanaw ko na ang subdivision gate nila Jullienne.

Playing The Fate's CrueltyWhere stories live. Discover now