Chapter 012| Elisha's POV
Tinatamad talaga akong pumasok ngayong Sabado dahil sa lintek na celebration nayun kagabi, 7:30 yung pasok ko pero alas otso na, alam kong malilintikan na naman ako nito kay Mrs. Vie, twice a week lang nga kami magkita tapos hindi pa ako nakapasok ngayon, tumayo nalang ako kahit na ang bigat parin ng pakiramdam ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang text sa'kin ni Lake,
Lake: Hangover? Get some rest, don't worry I'll teach you later.
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Lake, napatulala pa nga ako dito ng ilang minuto bago napadesisyonan na humiga nalang ulit, hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako, nagising nalang ako ng may kumatok sa pintuan ko.
"Ate Isha, kuya Lake is down there, he's looking for you. Wake up!" Paulit ulit ko itong naririnig kaya ay kaagad akong nataranta, hindi pa nga ako nakapag-ayos pero kaagad na akong bumaba, ayos lang, sanay na rin naman sa'kin si Lake.
Nung naabutan ko siya sa sala ay kausap niya si Chastity at nagpapaturo si Chas sa kaniya, ang ganda rin ng ngiti niya kay Chas kaya nakaramdam ako na parang may humaplos sa puso ko, ang cute nila tingnan, para silang mag kuya, napatingin sa gawi ko si Lake at kaagad akong binigyan ng malawak na ngiti. Hindi ko alam kung inaasar ba niya ako sa mukha at ayos ko o kaya nama'y good mood lang talaga siya.
"So, how's the feeling being drunk? Have you eaten?" Tanong niya at lumapit sa'kin, umubo ubo si Chas na alam ko namang nanunukso lang, maging si Ender ay sumisipol, "I'm sorry for letting you get drunk last night, hindi ka pa tuloy nakapasok." Sabi niya at kumamot sa batok niya kaya napailing nalang ako at natawa.
"Sira. Wala 'yun, nag-enjoy rin naman ako tsaka sabi mo naman diba, tuturuan mo naman ako." Tumango siya't tinanong ulit ako kung nakakain na ako pero umiling lang ako, "Simula kanina hindi ka pa nakakakain? It's already quarter to 1, you should eat already. Wala ka nang pasok sa hapon diba?" Tumango lang ako at inaya ako ni Lake sa kusina namin.
"I'll cook for you, pwede ko namang pakialaman yung kusina niyo diba?" Tumango lang ako ng nag-umpisa na siyang manghalungkat sa fridge namin, masarap siyang magluto, I know because he done this to me a lot of times already.
"Kuya, anong niluluto mo? Bigyan mo rin kami ni Ender mamaya ah?" Tumngin si Lake kay Chas bago ngumiti, kakaiba talaga yung mga ngiti ni Lake pagdating kay Chas, "Of course, kapatid ko na rin kayo eh, how about I'll teach you how to cook this?" Pag-aaya ni Lake kaya ay hindi natanggihan ni Chas ang alok ni Lake.
Hinayaan ko nalang silang dalawa at napag-isipan ko nang maligo at mag-ayos ng gamit, saktong paakyat ako ng makasalubong ko si Ender na nagmamadali, hinarangan ko siya kaya ay agad niya akong pinaikutan ng mata, "Why are you in a hurry? Where are you going again this time?"
"Ate, we have a training, so please... let me go." Sinimangutan ko siya kaya naman ay napabuga nalang siya ng hangin bago ako yinakap at binigyan ng halik sa tuktok ng ulo. "Fine, makikipagkita nalang ako sa inyo mamaya, besides its youre fault cause you woke up late, ayan inom pa." Hinampas ko siya kaya ay natatawa siyang bumaba at pumuntang kusina.
Umakyat na ako at napagdesisyunang ligpitin nalang muna ang kama ko at inihanda ang mga damit na susuotin ko, hinawi ko rin ang kurtina at itinali ito at pumunta sa pintuan ng balcony, saktong paglabas ko ay ang pagtama ng sikat ng araw sa balat ko, tatalikod na sana ako ng makitang lumabas si Ender sa gate, sa kabilang daanan ay may isang pamilyar na sasakyan ang naka parking.
Lumabas si Klyd at sinalubong si Ender, sabay silang pumasok sa likurang bahagi ng sasakyan kaya ay nagtaka ako, kung hindi si Klyd ang nagmamaneho, edi sino? Ipinagsawalang bahala ko nalang yun at pinagpatuloy na ang dapat kong gawin. Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ako at naabutan kong nagtururo si Lake kay Chas.