Chapter 007| Elisha's POV
10:30 ako nag alarm pero 11:25 na ako nakabangon, mukhang napagod talaga ako kahapon, mabuti nga lang at yung pasok ko ay mamayang hapon sa tuwing Wednesday, naligo nalang ako't inihanda na ang gamit. Wala naman kasi akong magagawa kung mananatili lang ako dito sa bahay, wala naman si Mama kasi nasa trabaho na siya sa mga oras nato. Matapos kong kumain ay nakapag decide akong gamitin na yung sasakyan ko.
Pupunta nalang siguro ako sa pinakamalapit na cafe sa campus para mas madali lang sa pagpasok, at yun nga ang ginawa ko. Nag order ako ng isang blueberry cheesecake at isang frappe. Habang kumakain ay binuksan ko ang laptop at naghanap ng mga articles, biglang umingay ang coffee shop kaya napatingin ako sa pumasok.
Apat sila at pamilyar sila sa'kin, pero si Dentrix lang ang kilala ko. Napatingin siya sa'kin kaya napaiwas ako at nag-focus nalang sa ginagawa ko. Ilang sandali lang ay may naupo sa 4 seaters na nasa tabi ko, umingay ang paligid kaya napangiwi ako. Hindi ako makakapag focus nito.
"Uy diba Foster, siya yung nakatapon ng juice mo?" Napatingin ako sa kanila at ngumisi sa'kin ang isa, "Yes it's her, and so?" Ang galing lang nila, kaya nila akong pag-usapan kahit magkatabi lang kami. "Kyle is still absent? Pinainom niyo na naman ba kagabi?" Biglang naupo si Dentrix sa kanila.
"Wala, I mean yes. Pero. Let me explain man, kagabi kasi nagka ayaan lang magkarera pero kaagad na nag-aya si Kyle na uminom, you know, Sed and Raize tries to stop him but what can they do, Kyle is unstoppable." Hindi ko alam pero unti unti na akong nadi-distract.
"And you did nothing? Ako yung kinakabahan kay Kyle eh, imbis na magtino na siya, mas lumalala pa siya." Napabuga ako ng hangin at napasandal sa upuan, nakatulala ako sa article na binabasa ko, wala akong maintindihan. "Hindi na ako magugulat kung isa sa mga araw na'to may tutor na siya, shit I really hate those." Nasundan nila ito ng tawa, "Oh please shut up Marcuz, matalino naman sana si Kylie boy. Gunggung nga lang."
Tinapos ko na ang pagkain ko at kaagad lumabas ng cafe, hindi ko talaga kayang mag concentrate kapag maingay yung paligid ko. Pagpasok ko ng school grounds ay nakita ko si Jullienne kasama sila Steff. Kumaway siya sa'kin pero sumenyas nalang akong kailangan ko ng pumasok.
Buong hapon ay hindi ako nakapag focus, ang hirap pala talagang i-balance kapag may part-time job ka tapos mag-aaral ka kinaumagahan, hindi ko kasi alam kung ano yung uunahin kong iisipin, malapit na ang examinations namin pero wala pa akong nahabol sa lessons. Bandang 4:30 ay nakatanggap ako ng text kay Fawn.
Fawn: Anong oras punta mo sa building? Hindi kasi ako makakapunta, may research kami. But I have the lead already, kaya mo bang daanan?
Nagpa-oo nalang ako, no choice na. Kinakailangan kong makagawa kahit lang ng isang sample para kahit papaano ay may mairepresent naman ako, palabas na ako ng campus ng nakatanggap na naman ako ng text, akala ko nga si Fawn ulit pero kay Lake na ito nanggaling.
Speaking of him, hindi pa nga pala kami nagkikita, inopen ko ang message niya
Lake: Where are you? I haven't seen you the whole day. Andito ako sa gymnasium incase na hanapin moko, nagkaroon ng meeting yung team. Reply ASAP.
Napangiwi nalang ako at nag reply na pupunta ako sa school nila Fawn, hindi na siya nakareply kaya umalis na ako sa campus at pumunta na sa school nila Fawn, hinintay ko nalang siya sa labas ng gate nila, bawal daw kasi pumasok kung oras ng klase kaya kahit dismayado ay nagtiis ako makita lang si Fawn.
Maya maya ay namataan ko na siya at mukhang pagod siya, "I'm sorry Elisha, kanina ka pa ba? Ngayon ko lang nakita yung message mo eh, pero nandito na sa flashdrive ko yung mga nahanap kong lead, wala kami ni Kaia ngayon eh. Pasensya na ah?" Tumango lang ako at nag-usap muna ng saglit bago nagpaalam sa isa't isa.