Chapter 008| Elisha's POV
Kasama ko si Jullienne sa first three subjects ko kaya naman kahit papaano ay hindi ako nabahala, palagi niya kasi kong kinukulit kung kamusta na daw ako sa pinapasukan ko, pinakilala ko rin sa kaniya sila Fawn, Kaia at Embry para atleast mapanatag ang loob niyang napunta ako sa mga mabubuting tao.
"Kung nabiyayaan lang din siguro ako ng talent kagaya mo, gugustuhin ko ring makatrabaho ang mga kagaya nila. Pero teh, wag mo akong ipagpapalit sa kanila ah, sasapakin talaga kita. Kita mo yung talent ko sa karate? Gagawin ko sa'yo yun." Tinulak ko siya ng bahagya bago tiningnan ng masama. "Tigilan mo nga ako."
"Nga pala, nalaman ko kanila Steff kanina na naipaskil na raw sa bulletin board yung mga nakapasok sa basketball team, samaham mo'ko mamaya. Titingnan ko lang kung nakuha si Kyle." Sabi niya at umaktong kinikilig, "Makaarte ka, anong akala mo sa edad mo, pang teenager parin?" Hinampas niya ako kaya hindi ko napigilang matawa.
"Palibhasa kasi ikaw napaka loyal kay Lake, tsaka NBSB kasi kaya wala kang alam sa nararamdaman ko." Inirapan ko nalang siya, "Hindi ka pa nga siguro nakaka move on kay Cyan eh, hindi mo nga siya maka-usap." Kinurot niya ako, "Past is past. Tsaka natural hindi ko na siya kakausapin dahil isa si Cyan sa mga dating kaibigan ni Lake."
"Speaking of that, close ko si Dyson sa kanila hanggang ngayon, I badly want to help them. Gusto ko silang maibalik na magto-tropa, sayang naman yung 4 years of friendship nila. Ano, tutulungan mo ba ako?" Napatitig ako kay Yen at napaisip sa sinabi niya, kahit ako nga rin nasasayangan.
"Gusto ko, pero baka kasi magalit si Lake kapag nangialam pa tayo, tsaka sabi naman niya susubukan na niyang lumapit sa kanila." Tinarayan ako ni Yen, "Para naman to sa kasiyahan ni Lake, tsaka alam naman natin na deep inside of him, gusto niya ring maibalik yung squad nila. Don't worry kakausapin ko mamaya si Dyson, wag mong sabihin kay Lake ah."
Maya maya lang ay nagsimula na ang ikalawang subject namin, mabuti nga nakapag review pa ako kagabi kahit na sobrang lalim na ng gabi, nagkaroon kasi kami ng graded recitation at kapag hindi ka nakasagot automatic absent ka, lumipas ang oras at tapos na ang morning classes namin, kaagad akong hinila ni Yen palabas at pinuntahan ang pinakamalapit na bulletin board.
Hindi na ako lumapit at hinayaan na siyang makipagsiksikan sa ibang estudyante, tumingin ako sa likuran ko at nakita ko yung sila Dentrix at ang mga kaibigan niya, kung hindi ako nagkakamali sa pagbibilang, pito silang magkakaibigan, umiingay ang hallway dahil sa kanila.
Napabalik ako sa pagtingin kay Yen hanggang sa lumapit siya sa'kin, "Omg teh! Nakuha si Kyle!" Sabi niya at ngumiti ng napakalapad, "Proud talaga ako sa kaniya, puntahan na natin si Lake sa gymnasium." Sabi niya at hinila ako, hindi niya siguro nakita sa likuran ko kanina na papalapit sa'min sila Kyle, which is a good thing though.
Nalaman namin na nasa gymnasium si Lake, nakasabay namin sa pagpasok sila Dax at Kai, inakbayan ako ni Dax at tinanong kung bakit ang tagal ko raw bago bumalik sa gymnasium, na-miss daw nilang asarin si Lake, "Alam mo na, marami ring ginagawa eh. Kamusta na ba kayo?"
"Eto, todo training. Nakakapagod na nga eh, hindi pa ako natutuwa sa mga nakuha nila Coach." Sabi ni Dax at inakay kami papalapit kay Lake, bakit nga ba ulit kami pumumta dito? Hindi ko dun alam, basta nalang ako hinila ni Yen papunta dito.
"What are you doing here?" Tanong niya kaya nginuso ko si Yen, napangiwi si Lake at sinabihan akong maupo nalang muna kasi maghihintay pa raw sila ng kaunting oras bago i-announce ang mga official member ng basketball team.
Tumabi sa'kin si Yen at bumuga ng hangin, "Parang ang tagal naman yatang makarating nila Kyle teh, nakita mo ba siya?" Tanong niya sa'kin pero nasa ibang direksyon ang mata, malamang ay hinahanap niya si Kyle, "Hindi, wala naman akong pake sa Kyle nayan." Hinampas niya ako at inilingan.