Tres

278 5 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"sigurado ka bang pwede ako dito?" tanong ko kay brent na binuksan na yung pinto ng dorm nila.

Inaya ko kasi itong lumabas, ang kaso may tinatapos itong school works kaya sinundo niya ko para daw tulungan na lang siya. Atleast daw magkasama pa rin kami, dami talagang alam.

" oo pwede ka dito, masama pumunta ka dito ng walang paalam" sabi nito once nakapasok na kami.

Lininga linga ko ang paligid, simple lang naman ang ayos nito. May kusina, may sala parang maliit lang na apartment.

"dapat kasi sa apartment ko nalang e" reklamo ko dito ng makaupo ako sa sofa nito.

"dami mong reklamo, andito na tayo oh. Teka, kunin ko lang gamit ko" sabi nito atsaka umakyat.

"jorji?" napatingin ako sa pinto ng may tumawag sakin.

"h-hi" i awkwardly smiled sa tatlong kateam ni brent na kapapasok lang.

"andito si brent?" tanong ni cj, nameet ko na sila nung first time kong puntahan si brent non, pinakilala niya sakin sila.

Tumango ako, nahihiya pa din ako sa kanila, hindi naman kasi kami mga close.

"si bordy pala at si mark" pakilala niya sa dalawang pumunta sa kusina. Tumango lang ako at nakitang pumasok na siya sa isa sa mga kwarto na nasa baba.

"anong ginagawa niyo dito?" tanong ni brent na pababa na at dala dala yung mga gamit niya.

"dorm din namin to sir" sabi naman nung kalalabas lang ng kusina, di ko matukoy kung sino si bordy o mark dito eh.

(this happened when ricci started ignoring her na)

"hoy, tulungan mo kaya ako" sabi nito at nilagay yung yellow pad sa sa lap ko. Umalis yung dalawa, pero si cj nasa kwarto, matutulog daw.

Imbis na awayin at magreklamo, bigla ko itong niyakap atsaka umiyak. Gustong gusto ko na sabihin sa kanya pinag gagawa ng kaibigan niya since last last week na nanlalamig ito.

"huy, pinagsusulat lang kita, bakit ka umiiyak?" natatawang tanong nito pero hinahagod naman niya yung likod ko para kumalma.

Kumalas ako sa pagkakayakap atsaka siya tiningnan "yung kaibigan mo kasi, nanlalamig na sakin eh"

"si ricci?" tanong nito, tumango ako.

Pinunasan ko yung luha ko "bakit sakin ka nagsusumbong?" tanong ulit nito.

"eh ikaw pinakamalapit sa kanya eh. Di ko alam kung anong nangyayari don" sumbong ko pa.

"hayaan mo, kakausapin ko"

-

"nag usap na kayo?" tanong ko as soon as makaupo ako sa kaharap nitong upuan.

"oo" maikli niyang sagot kaya na curious ako.

"ano sabi?" kasi mukang mas lalong nanlamig si ricci sakin nung mga nakaraang araw. Di ko nga alam kung kami pa eh.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita "it didn't end well. Nagkasagutan lang kami" sabi nito ng di ako tinitingnan sa mata.

"h-ha? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"he told me na wala daw akong karapatan na mangielam sa relasyon niyo" he sarcastically laughed which made me frown.

"kakaiba pagbabago ng boyfriend mo jorjiya, naging mahangin eh"

-

Simula nung nag usap sila, di na daw sila masyadong nagpapansinan, iyan ang sinabi sakin ni brent pero nagkaayos naman daw sila pero awkward nga lang. Di daw sila magbabati kung di sila pinagbati nila kuya prince. Isang buwan na nung mangyari yon pero imbis na pag usapan namin yung problema, mas lalong lumalaki dahil hindi nasosolusyonan.

------

MERRY CHRISTMAS

Choose Me // Brent ParaisoWhere stories live. Discover now