TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD
"babe?" sigaw ko.
Tinext ko kasi si ricci na pupunta ako sa condo nito, di ito nagreply. Pero kahit naman di siya magreply, pupunta pa din ako. I want to fix this relationship, nahihirapan na ko.
Nandito ba siya? Ang sabi ni kobe dumiretso daw ito ng uwi. Nang makapunta ako sa sala nito, nakita ko sa coffee table yung cellphone niya. Kaya tiyak na nandito siya.
Nilinga linga ko yung paligid, wala namang pinagbago, relasyon lang namin. Napangiti ako ng malungkot. I miss us.
My train of thoughts were interrupted when ricci's phone rang. Agad ko itong nilapitan para tingnan kung sino ang tumatawag.
Sana pala hindi ko na lang tiningnan. Napangiti ako ng mapait. Ang sakit na nga ng pinaparamdam ni ricci, dumagdag pa to. Natawa ako ng mahina sa sarili atsaka pinunasan yung luha ko.
Napadesisyonan kong sagutin ang tawag pero di ako nag salita, gusto kong malaman kung ano ang kailangan niya.
'ricci, where are you? Kala ko susunduin mo ko so we can have dinner together?' masayang sabi nito sa kabilang linya.
Is she the reason kung bakit ganito kami ngayon? Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan yung hikbi.
'hey rivero? You still there?' tanong pa muli nito sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim bago sya sagutin.
'hi mich, its Jorjiya pala'
'oh, im sorry' sabi nito atsaka pinatay.
"what are you doing here? And why are holding my phone?" napatingin ako sa likod ko kung san nakatayo si ricci na nakabasketball shorts at ang tuwalya ay nakasabit sa bakikat. Galing pala siyang banyo kaya wala dito sa labas.
"i texted you na pupunta ko" sabi ko atsaka inabot sa kanya yung phone.
Tiningnan niya yung phone at nakita kong umarko yung kilay niya.
"you answered the call?" kalmado niyang tanong.
Tumango ako dahil totoo naman at nakita niya kong hawak ang phone niya.
"ano bang ginagawa mo dito?" hindi ba siya masaya na nandito ako? Ilang araw kaming di nagkita.
"ricci, gusto kong makipag ayos" di ko alam kung ano yung pinag awayan namin. Wala akong maalala na nag away kami basta bigla na lang siya nagbago.
"ayos naman tayo ah" sabi nito at dumiretso sa kusina.
Sinundan ko siya "muka ba tayong ayos?" naiiyak na tanong ko.
Binalingan niya ko "jiya tigilan mo yang drama mo ah" inis na sabi nito.
"anong meron sa inyo ni mich?" matapang na tanong ko pero natatakot ako sa sagot na maririnig ko.
"eh anong meron sa inyo ni brent?" matapang din na tanong niya.
"magkaibigan lang kami ricci at isa pa kaibigan mo din yon" bakit parang ako pa yung may kasalanan?
"magkaibigan? E lagi nga kayong magkasama" sigaw nito kaya napatalon ako.
"eh kasi wala ka namang time sakin, ayaw mo kong kausapin kahit ako na yung gumagawa ng paraan" iyak ko.
"pasumbong sumbong ka pa kay brent no? At isa pa yang si brent, nangingielam at tinotolerate yang kaartehan mo" dinuro niya ko.
"bakit ba tayo nagkakaganto?" tanong ko ng medyo kumalma na ko.
Natahimik kami sandali, nakasandal siya sa counter at nakatukod ang magkabilang braso dito habang masamang nakatingin sakin, habang ako ay nakatayo lang sa pinto ng kusina.
"Jorjiya, maghiwalay na tayo"