Chapter 1

780 23 2
                                    


"TAPOS na?"

Napahinto si Dexter sa pagkabit ng sinturon sa kanyang suot na pantalon nang may magsalita sa kanyang likuran. Alerto at marahas niyang nilingon ang nagsalita. Gayun na lang ang pagkagitla niyan nang mamukhaan ang babaeng laging bumubuntot sa kanya nitong mga nakaraang araw. Automatic niyang naitakip ang mga kamay sa kanyang harapan nang makita na doon nakatitig ang babae. Pilya itong ngumiti sa kanya at kumindat pa na ikinakunot ng kanyang noo.

"Bakit ba sinusundan mo ako kahit saan magpunta?" Iritabling tanong niya dito at itinuloy ang pag ayos sa sinturon.

"May Guardian Angel ba na nakahiwalay sa kanyang binabantayan?" Nakalabi na balik tanong ni Sasha sa guwapong abogado.

Napabuntong hininga na tinignan ni Dexter ang kaharap. Naiirita na siya dito dahil bigla na lang ito sumusulpot kahit saan man siya naroon. Nagpasalamat na lamang siya at hindi din ito tumuloy hanggang loob ng banyo tulad ng madalas gawin nito sa kanyang condominium. Nilingon niya ang babaing natutulog sa kama at balot ng puting kumot, bago isinara ang pinto at nilampasan si Sasha.

"Sino na naman iyong Chix mo?" Kalabit ni Sasha sa binata habang naglalakad sila sa hallway.

"Its none of your business!" Masungit na sagot ng huli, ni hindi manlang siya nilingon.

Mabilis ang mga hakbang nito kung kaya naging lakad takbo ang hakbang ng dalaga upang masabayan ang binata.

"Hintayin mo ako!" Maktol ni Sasha nang napatigil siya sa paghakbang at inayos ang sintas ng sapatos.

Dexter chuckle, binalikan ang nagkukumahog na dalaga sa pag aayos ng sintas nito.

"Ay!" Hawak ni Sasha ang noo ng mauntog sa binti ng kaharap. Pag tunghay ay ang naka pamulsa na abogado ang nasa harapan at naka kunot ang noo.

"Ang tigas naman ng hita mo, nabukolan yata ako." Nakasimangot na reklamo niya bago tumayo ng tuwid.

"Paano ka nakapasa bilang Guardian Angel ko kay San Pedro?"

Napahagikhik ng tawa si Sasha sa tanong ng kaharap. Mukhang hindi nito alam ang salitang biro dahil napaka seryoso ng mukha nito ng magtanong.

"Napatawa na kita, maari mo na akong iwan at maghanap ng bago mong alagaan." Seryoso pa rin ang mukha ni Dexter.

Tumikhim si Sasha at sumimangot upang pigilan ang sarili na tumawa ulit. Nakalimutan niya na nagbitaw siya ng salita dito, na lulubayan lamang niya ito kung magawa nitong patawanin siya sa biro nito.

"Joke lang iyong tawa ko noh! Hindi naman nakakatawa ang joke mo dahil walang effect iyang mukha mo." Pinagsalubong pa ng dalaga ang mga kilay upang maniwala ito.

"Tsss! Bahala ka nga sa buhay mo, nag aaksaya ka lang ng oras sa akin," ani Dexter at nagpatuloy sa paglakad palabas ng hotel. Ngunit agad din kumambiyo pabalik nang may mamataan na isang armadong lalaki, sa gilid ng kanyang kotseng naka park sa parking lot.

"Ano ba naman iyan, lagi na akong na uumpog sa bakal!" Reklamo ni Sasha na sapo ang mukha nang bumangga sa dibdib ng binata. Dahil sa bilis ng kanyang lakad upang makahabol dito, hindi agad siya naka preno nang bigla itong tumigil at humarap sa kanya.

"Shhh!" Senyas ni Dexter habang nakalagay ang hintuturo sa kanyang tikom na labi.

Agad na binunot ni Sasha ang baril nang hinila siya ng huli upang magkubli sa poste. Pinagala ang tingin sa paligid at nakita ang kahina-hinalang lalaki na naka upo sa isang motor na malapit lang din sa kinaparadahan ng kanyang motorcycle.

"Sino sila?" Tanong ni Dexter ng pabulong. Hindi pa rin buo ang paniniwala na siya talaga ang target ng mga sindikato mula noong may nag tangkang bumaril sa kanya sa labas ng kanyang bahay.

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon