Finale

529 22 19
                                    


"ITO na ang result sa imbistigasyon about the car accident of Mr. Marcus De Leon." Inabot ni Cloud ang isang envelope kay Dexter. Tinutukan ng husto nilang magkaibigan ang kaso na hawak at marami silang natuklasan.

Malaking ebedinsya na ito at ang D.N.A test!" Tumatango na kumento ni Dexter. Wala pa ibang nakakaalam tungkol sa nalaman nila kundi sila lang na magkaibigan. Ginagawa ito lahat ni Dexter para kay Sasha na mahal na niya.

"Kailan ang unang pagdinig ng kaso?" Tanong ni Cloud sa kaibigan.

"This coming of Monday, sila ang may gusto na madaliin ang pagdinig ng isinampa nilang kaso laban kina Sasha at sa Lola nito."

"Mga nagmumukha na talaga silang pera!" palatak na ani Cloud.

"Mabuti na rin ito at ng matuldokan agad ang kaso na ito." Nainip na rin si Dexter. Gusto na niyang makasama muli ang dalaga ngunit dahil sa kaso na ito ay naging abala siya at hindi rin basta pinalalabas ng bahay ang dalaga, dahil lagi ng nanganganib ang buhay kapag nasa labas.

"Atat ka lang na masolo muli ang Guardian Angel mo." Nakangisi na tukso ni Cloud dito.

"Ganiyan talaga 'Pre kapag nasapol ng pana ni Kupido." Sabat ni Micko na kapapasok lang ng opisina. Inutusan niya ito kanina na kunin ang katulong na tatayong witness sa kaso laban kay Amanda.

"Ok na ba ang lahat?" Sa halip ay tanong ni Dexter upang mabaling sa iba ang paksa.

"Aye-aye Captain!" Magkapanay na sagot ng dalawa at sumaludo pa sa kanya. Napailing na lamang si Dexter at tinaboy na ang mga ito sa kanyang opisina.

Pinalipat na ni Sasha ang Ina sa tabi mismo ng puntod ng kanyang Ama. Kasama niya ngayon ang matanda at sabay sila nag-alay ng taimtim na dasal.

"Ma, sa wakas po nagkasama na kayo ni Papa diyan sa kabilang buhay." Pikit ang mga mata at nakangiti na bulong ni Sasha sa hangin. "Pinapatawad ko na po kayo, Pa!"

Ramdam ni Sasha ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang pisngi. Nakangiti na nilingon ang Abuela na malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Salamat Apo at tuluyan mo na kaming napatawad ng iyong Ama."

"Kalimutan na po natin ang nakaraan Lola!" Niyakap nito ang matanda.

"Salamat at natagpuan kita at naitama ang lahat ng mali na nagawa ko bago pa man ako sumunod sa iyong Ama." Lumuluha na wika ni Seliste at gumanti ng mas mahigpit na yakap dito.

"Huwag po kayo magsalita ng ganiyan, hahaba pa ang buhay niyo dahil aalagaan ko kayo!"

"Nasabi ko nga pala sa kamag-anak ng iyong ina na natagpuan na kita."

"Hindi pa po ako handa na makaharap sila, mas malalim ang sugat na itinanim nila sa puso ko noong panahon na humihingi ng tulong sa kanila si Mama!" Malungkot na saad ni Sasha, hindi na siya galit sa mga ito pero masama pa rin ang loob.

Nakaintindi ang matanda sa saloobin ng dalaga kung kaya hindi na niya ito pinilit pa.

Sa loob ng hukuman ay biglang nag-ingay ng basahin ni Dexter ang kaso laban kay Amanda. Hindi ito napaghandaan ng ginang kung kaya walang masabing depensa ang kanyang abogado.

"Hindi totoo ang mg paratang mo sa akin!" Nanlilisik ang mga mata ni Amanda sa galit kay Dexter. Si Roxanne ay hindi alam kung ano ang gagawin dahil wala rin siyang alam sa nangyari sa mga magulang.

Pumokpok ng tatlong beses ang manghuhukom upang patahimikin ang ginang. "May ebedinsya ka ba upang patunayan iyang paratang mo sa nasasakdal?"

"Mayroon po your Honor!" Lumapit si Dexter upang ibigay ang tape recorder dito. "Sa kalkula ko kung bakit nangyari ang matindi nilang away bago ang aksidente ni Mr. Marcus ay marahil nalaman ng asawa niya na hindi niya tunay na anak si Roxanne." Patuloy na paglalahad ni Dexter sa harap ng Judge at ilan pang naroon.

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon