"HELLO Honey!" Masayang bungad na bati ni Roxanne mula sa pintuan ng opisina ni Dexter. "I miss you!" Patakbo siyang lumapit dito upang mayakap.Hindi na nakahuma si Dexter sa biglaang pagsulpot ng babae at pagsunggap sa kanya ng mapusok na halik. Walang pinagbago ang babae, mapusok pa rin at kahit wala na silang relasyon ay walang kimi na dinama ang kanyang katawan.
"Roxanne, wait!" Hinihingal na inawat ang babae na parang sawang nakalambitin sa kanya ngayon. Ganitong nabitin siya kanina kay Sasha ay baka mapatulan niya ito. Pero nang maalala ang dalaga na nasa kanyang bahay ngayon ay pinigilan niya ang init ng katawan na unti-unting binubuhay ni Roxanne.
"Hindi ka ba masaya na makita akong muli?" Nakalabi na tanong ng kaharap. Maganda ito at at sexy na kinahumalingan niya noon. Limang buwan na rin sila hiwalay dahil pinili nito ang pagmomodelo sa ibang bansa na inayawan niya.
"Ano ang kailangan mo?" Kulang sa buhay na tanong nito sa dalaga at pinakakatitigan ang mukha. Kinakapa ang dating damdamin para dito noon ngunit ramdam niya na hindi na tulad sa dati.
"I miss you!" Sa halip ay sagot nito at muli siya hinalikan sa labi. Pinabayaan niya muna ito at dinama ang halik ng huli. He respond on her kiss and massage her one breast. Napangiti siya nang umungol ang kaulyawan tanda na malaki pa rin ang pagnanasa sa kanya.
Itinulak siya ni Roxanne paupo sa kanyang nag-iisang upuan at kumandong, he enjoy the pleasure and just let her drive on his lap. Ang mga kamay ng babae nakapaloob na ngayon sa kanyang suot pang-itaas, at ang sa kanya ay nasa pang upo nito pumipisil. Huhubarin na sana ni Roxanne ang kanyang pangtaas na suot nang biglang bumukas ang pinto.
"Shit!" Tanging salitang namutawi sa labi ni Dexter nang makita ang gulat na mukha ni Sasha. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanila.
"Hindi ka ba marunong kumato" Galit na tanong ni Roxanne sa istorbo at dahan-dahan na bumaba mula sa kandungan ng binata.
"Kailan pa naging Hotel itong opisina mo?" Itinago ni Sasha ang tunay na saloobin ng mga oras na iyon. "Pumunta lang ako dito upang ibigay sa iyo itong envelope na naiwan mo sa bahay." Ibinato nito ang hawak sa harapan ng binata na tila na bato na sa kinauupuan.
"Nakatira ka sa bahay niya?" Naningkit ang mga mata ng babae na hindi kilala ni Sasha kung sino ito sa buhay ng binata.
"Bakit may problema ba kung sa bahay niya ako nakatira? Kung gusto mo doon ka rin tumira para tatlo tayo sa kama." Mapang asar na kumento ni Sasha.
"You Bitch!" Galit na sinugod ito ni Roxanne ngunit maagap na nahila ito ng binata palayo kay Sasha. Mahirap na baka mabunot ng huli ang baril nito at makasuhan pa ito kung sakali nang dahil sa kanya.
"Enough Roxanne!" Saway nito sa patuloy na nagwawalang babae.
Napaismid si Sasha na pinagmasdam ang dalawa.
"Sha, mag usap tayo mamaya." May kasamang panunuyo na turan ng binata.
"Kausapin mo ulo mong panot!" Mataray na sagot ng dalaga at inirapan ang dalawa bago lumabas na nakataas ang noo. Sa totoo lang ay parang may punyal na tumusok sa kanyang dibdib kanina nang makita ang dalawa na naghahalikan. "Wala talagang forever!" Malungkot na naibulong sa sarili at agad pinunasan ang pisngi na hindi namalayang basa ng sariling luha. Hindi siya umuwi sa bahay ng binata, gusto niya makapag solo. Binisita niya muna ang kaibigang si Kailani bago naghanap ng maliit na apartel na tutuluyan pangsamantala.
"Ok ka lang?" Tanong ni Kailani nang mapansin ang kaibigan na malungkot.
"Ang ilap nang masayang buhay para sa akin, kahit isang araw lang hindi maibigay." Pilit na ngumiti si Sasha sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)
Action"Walang forever" a new motto for her. Sasha Monuz, a naughty girl. Walang siniseryoso maliban sa baril na laging nakasukbit sa kanyang tagiliran at mahilig lumusob sa bakbakan ng walang pasintabi. Dexter Alarcon, sa batang edad ay kilala na sa laran...