"YOU!" Nanggi-gigil na duro ni Dexter kay Sasha, "may anaconda ka ba na alaga diyan sa tiyan mo at halos maubos mo ang laman ng ref?"
Nanununlis ang nguso na umirap sa binata ang huli. Kanina pa siya umaga sa condo nito at idinaan sa pagkain ang pagka bagot. Wala naman dapat siya doon pero mas gusto niya tumambay sa magandang bahay ng binata kaysa doon sa criminal na binabantayan.
"Wala ka ba ibang trabaho kundi ang bumuntot sa akin?"
"Bayad na ako sa nakain ko kung kaya huwag ka na magreklamo pa!" Tinalikuran nito ang kausap at hinagilap ang bag kung saan naroon ang kanyang cellphone.
"Hoy hindi sapat na kabayaran sa naubos mong pagkain ang paglaba sa tatlo kung-- " hindi na itinuloy ng binata ang huling kataga nang makita ang nakakalokong ngiti ng dalaga ng humarap sa kanya.
"Uuwi ka na?" Tanong nito ng makitang hawak na nito ang bag. Tumahimik siya ng suminyas ito na tumahimik bago sinagot ang tawag sa cellphone nito.
"Nasaan ka!" Tanong agad ni James ng sagutin ni Sasha ang tawag.
"Kanina pa ako tumatawag sa iyo at pati si Kailani ay hindi na mapakali dahil hindi mo rin sinasagot ang tawag niya!" Napangiwi si Sasha na bahagyang inilayo sa taenga ang hawak na cellphone. Sunod-sunod ang tanong ng maton niyang kaibigan at ni hindi siya makasingit upang sumagot. Sinadya niya na e-silent mode ang kanyang cellphone kung kaya hindi narinig ang tawag ng mga ito.
"May problema ba?" May pag-alala na tanong ni Dexter dito nang makalapit ngunit senyas lang na tumahimik ang sagot nito sa kanya.
"Sabi na nga ba at nariyan ka na naman sa bahay ng lalaki na iyan!" Umarangkada na naman ang kaibigan dahil narinig ang boses ni Dexter.
"Sinabi ko ba na pumunta ka riyan at bantayan siya?" Galit na si James.
Tinignan ng masama ni Sasha si Dexter na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya bago sumagot sa kausap ng nakangiti na akala mo ay nakikita siya ng kausap. "Sorry po, napasarap ang tulog ko dito eh!"
"Umuwi ka na may kailangan tayo pag uusapan!"
"Opo!"
"Sino ba iyan?" Inis na rin na tanong ni Dexter dahil dinig niya na boses lalaki ang kausap ng huli.
"Tatay ko," pabulong na sagot ni Sasha.
"Salome narinig ko iyan!"
Agad na pinatay ni Sasha ang cellphone nang narinig ang sigaw ni James sa kabilang linya.
"Aalis na ako, salamat sa food!" Nagkukumahog sa pagsuot ng sapatos ang dalaga at patakbong lumabas ng pintuan.
Napailing na lamang si Dexter and pumalatan habang sinundan ng tingin ang nagkukumahog sa pag-alis na dalaga.
"Kaawa naman ang Tatay niya, kalbo na siguro dahil sa kunsumisyon sa babaing iyon!" Kausap ni Dexter sa sarili at niligpit ang kalat sa kusina na naiwan ng kanyang pasaway na Guardian Angel.
Sumisipol na pumasok sa maliit na bahay si Sasha upang mabawasan ang kabang nadarama. Bitbit ang pinamiling grocery ay taas noo na pumasok diritso ng kusina. Hindi pinansin ang matalas na tingin no James at nagtatanong na tingin naman ni Kailani.
"Kanina pa kami gutom!" Reklamo ni Lando na nakatali pa rin sa isang tabi.
"Kasalanan ko kung gutom kayo? Nasa akin ba ang kaldero, ha?" Pinandilatan niya ng mata ang apat upang sindakin.
"Oo!" Panabay na sagot ng apat at mas malaki ang mga mata na nakatingin sa kanya.
Unti unti-unting lumiit ang mga mata ni Sasha at ngumiti ng matamis sa apat, nang maalala na inutusan siya kanina ni Kailani na mamili ng pagkain dahil ubos na ang stock.
BINABASA MO ANG
LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)
Aksi"Walang forever" a new motto for her. Sasha Monuz, a naughty girl. Walang siniseryoso maliban sa baril na laging nakasukbit sa kanyang tagiliran at mahilig lumusob sa bakbakan ng walang pasintabi. Dexter Alarcon, sa batang edad ay kilala na sa laran...