"WATER please!" Sigaw ni Sasha mula sa loob ng kusina."Tubig na lang hindi mo pa makuha eh nasa tabi mo lang naman?" Nakasimangot na tinuro ni Dexter ang water dispenser. Unang araw palang ng dalaga ay hirap na siya dahil bawat kilos nito ay siya ang tinatawag. Hindi pa siya tapos magligpit ng higaan nito nang sumigaw for water.
"Hindi ako makatayo, nangalay ang mga paa ko kasi ayaw mo ako pakilosin hindi ba?" Napakaamo ng mukha ng dalaga na tumingala sa binata at ngumiti.
"Ayst! Oo na, " napilitan ito na ikuha ng tubig ang huli. "Bakit hindi mo inubos iyang pagkain mo?" Tanong ni Dexter nang mapansin ang platong nasa harapan ni Sasha.
"Hindi masarap," nakalabi na tugon ng dalaga.
Inorder pa niya ang pagkain na iyon sa restaurant na nasa ibaba lamang ng building dahil wala siyang time magluto. Kinuha ni Dexter ang kutsara at tinikman, "masarap naman ah!" Nangunot ang noo nang malasahan ang pagkain. "Nganga!" Sumandok muli ito ng sinangag na kanin at sinubuan ang dalaga.
Napatanga si Sasha sa inasta ng kaharap, wala manlang pag alinlangan ito na ginamit ang kanyang kutsara nang tikman ang pagkain then ngayon naman ay gusto siyang subuan.
"Nguyain mo na iyan!" Tinapik pa nito ang noo ng dalaga.
Naitukom naman ni Sasha ng wala sa oras ang kanyang bibig, na hindi namalayan na may laman na dahil tila na engkanto siya sa kaharap.
"Ako na! " Inagaw niya ang kutsara nang tangkang susubuan siya nito muli.
"Good! Ubusin mo iyan nang gumaling ka agad at nang makauwi ka na."
Biglang nalaglag ang balikat ni Sasha sa narinig, akala pa naman niya ay concern sa kalusugan niya ang binata, kung kaya pilit pinauubos sa kanya ang pagkain.
Kinakabihan ay hindi makatulog si Sasha dahil wala pa ang binata. Malalim na ang gabi kung kaya nagtataka siya kung bakit wala pa ito. Pumasok sa isipan na baka may nagtatangka na naman sa buhay nito nang hindi niya alam.
Agad siyang tumayo nang bumukas ang pinto, ganoon na lang ang inis niya nang pumasok ito na may kasamang babae na halos luwa na ang dibdib sa suot nitong damit.
"Bakit gising ka pa?" Bahagyang binaklas ni Dexter ang nakapulupot na kamay ni Elsa sa kanyang leeg, nang mapansin ang nakasimangot na mukha ni sasha. Naisipan niya na isama doon ang kanyang flavor of the month na babae, dahil hindi siya mapakali sa kaalamang nasa kabilang silid lamang si Sasha.
"Kasi hindi pa tulog!" Pabulyaw na sagot nito at nagdadabog na pumasok sa kanyang silid.
Akmang papasok na si Dexter kasama si Elsa sa kanyang silid nang bumukas muli ang pintuan ni Sasha.
"Nagugutom ako!" Naka pameywang ang walang saklay na kamay nito na nakatingin sa kanila.
"Sino ba siya?" Inis na tanong ni Elsa, kanina pa siya nagpipigil na tarayan ang babae.
"Kaibigan ko," maiksing sagot ng binata.
"Bakit ganyan siya kung umasta parang utusan ka ah?" Wika muli ni Elsa.
"May problema ka ba sa akin?" Matapang na tanong ni Sasha at nilapitan ang mga ito.
"Oorder ako ng pagkain, hintayin mo na lang sa Kusina." Agad na pumagitna si Dexter.
"Ayaw ko ng galing sa labas na pagkain at hindi ako ginaganahan." Reklamo ni Sasha.
"Edi magluto ka!" Mataray na sabat Elsa.
"Ikaw ba ang kausap ko?" Naningkit ang mga mata ni Sasha na tumingin sa babaeng kasama ni Dexter.
"Stop being childish Sasha!" Saway ni Dexter dito.
BINABASA MO ANG
LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)
Acción"Walang forever" a new motto for her. Sasha Monuz, a naughty girl. Walang siniseryoso maliban sa baril na laging nakasukbit sa kanyang tagiliran at mahilig lumusob sa bakbakan ng walang pasintabi. Dexter Alarcon, sa batang edad ay kilala na sa laran...