Chapter 13

285 15 0
                                    


Chapter 13

MALALIM ang iniisip niya tungkol sa kaso na hawak, napabuga siya ng hangin dahil marami ng sangkot sa kaso ngayon. Muling pinindot ang play button ng maliit na recorder upang pakinggan muli ang salaysay ng katulong nang makausap niya ito ng sarilinan kanina.

"Gabi po iyon nang marinig ko na nagtatalo sila mag-asawa tungkol sa nangangalang Joan."

"Ipagpatuloy mo lang ang pagkuwento tungkol sa alam at narinig mo." Mahinahong utos ni Dexter sa katulong.

"Galit na galit po si Mam Amanda at nagbanta na hindi niya patatahimikin ang buhay nila Sir kapag itinuloy ang pakipaghiwalay sa kanya."

"Ano ang dahilan at gusto makipaghiwalay ng amo mong lalaki sa kanya?"

"Hindi ko po alam kasi kakalabas lang nila ng kuwarto noon at pilit na pinipigilan ni Mam Amanda na umalis si Sir. Nakita ko ang galit sa mukha ni Sir at sinampal pa niya si Mam Amanda. Ang sabi pa ni Sir, isa daw mapanlinlang si Mam Amanda at sinira nito ang buhay niya dahil sa pagiging makasarili. Nakalmot po ni Mam Amanda ang mukha ni Sir kung kaya napabalik sa loob ng silid nila si Sir. Nakita ko si Mam na umiiyak at galit na lumabas ng bahay, sinundan ko siya ng palihim. Binuksan niya ang sasakyan ni Sir, hindi ko po alam kung ano ang ginawa niya roon. Nagkubli pa siya sa isang tabi nang makitang palabas ng bahay si Sir Marcus at sumakay ng kotse. kasunod niyon ay naaksidinte si Sir at nalumpo dahil sa lakas ng impact na pagkabangga ng sasakyan sa malaking poste."

Ini-off ni Dexter ang mini recorder nang makarinig ng katok sa pintuan. "Pasok!"

"Dala ko na ang result ng record ni Marcus sa Hospital." Inilapag ni Cloud ang envelope sa lamesa ni Dexter. "Tama ka, hindi normal ang pagkamatay ni Marcus pero nakapagtaka dahil hindi alam ito ni Mrs. Seliste."

"Kailangan din natin imbistigahan ang nangyaring pagka-aksidinte niya." Tumayo si Dexter at pinamulsa ang isang kamay sa kanyang pantalon.

"Tumawag nga pala si Micko, kailangan niya ng kapalit sa pagmatyag doon sa punton dahil may importante siyang lalakarin."

"Ako na ang papalit sa kanya, asikasuhin mo na lang ang tungkol sa car accident," ani Dexter at sinuot ang coat na may baril nakatago sa loob niyon.

Kumuha na rin si Dino ng isang tao na mapagkatiwalaan niya upang mahanap ang taong pinahahanap sa kanya.

"Tatlong araw na tayo pabalik-balik dito at halos dito na matulog eh hindi naman magpapakita iyong tao na hinahanap mo. Sigurado ka ba na sa lugar ng mga patay na ito mo siya matagpuan?" Naiinip na tanong ng kasama ni Dino.

"Mas marunong ka pa sa akin! Matalim ang tinging pinukol niya sa kasama. Magsasalita pa sana siya nang may mamataang tao palapit sa puntod.

Sa kabilang panig ay napakunot ang noo ni Dexter nang makita ang babae na nakatalikod palapit sa puntod. "Siya na kaya ang anak ni Joan?" Naitanong nito sa sarili, pamilyar sa kanya ang pigura ng babae at bigla siyang nakaramdam ng kaba kung kaya may pagmamadali na nilapitan ito.

"Ma! Bukas po ipapalipat na kita sa magandang lugar at maging-permanent adress mo."

Dinig ni Dexter na wika ng babaing nakatalikod at tumawa pa ito ng bahaw sa sariling joke sa ina. Parang may tambol na bumabayo ngayon sa kanyang dibdib nang makilala ang boses nito. Nataranta siya nang may mamataang dalawang lalaking palapit sa kinaruunan nila at nakilala niya si Dino.

"Kailangan na nating umalis!"

"Ay Santong Kabayo!" Napatalon si Sasha sa gulat nang may nagsalita sa likuran niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Ano ba ang ginagawa mo at bakit ka narito!" Galit na iwinaksi ng dalaga ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

"Huwag na maraming tanong at nandiyan na ang kalaban!" Pakaladkad na ang paghila ni Dexter sa dalaga.

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon