Chapter 14

340 15 0
                                    

"MAARI po ba iwan mo muna kami, Ma? Kailangan naming mag-usap ng masinsinan." Pakiusap nito sa ina, alam niya na naiilang ang dalaga dito.

Matiim na tinignan ng Ginang ang Anak, " sa opisina lang ako ni Micko!" Kalaunan ay umalis din ang Ginang.

"Bakit mo sinabi sa kanya ang nangyari sa atin?" Nakasimangot na sikmat ni Sasha sa binata.

"Hindi ako marunong maglihim sa aking ina." Umiwas siya ng tingin sa dalaga at umupo, sumunod si Sasha na umupo din sa bakanting silya.

"Tungkol nga pala sa iyong ina," tumigil saglit ito sa pagsalita at tinignan si Sasha. "Pinahahanap kayo sa akin ng iyong Lola.

Biglang naging matalim ang tingin ng dalaga at nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.

"Sinong Lola?" Ramdam ni Dexter na napilitan lamang itong bigkasin ang salitang Lola.

"Ang ina ng iyong Ama." Mataman na pinag-aaralan niya ang reaksiyon ni Sasha.

Tumawa ng bahaw ang dalaga at napaismid. "May Lola pa pala ako, ano kailangan niya at pinahahanap niya kami?" Pakiramdam ng dalaga ay nakalulon siya ng hilaw na ampalaya dahil sa pait ng kanyang kalooban ngayon. "Bakit siya ang naghahanap sa akin at hindi ang walang bahag niyang anak?" Mapang-uyam na dugtong pa nito.

"Patay na siya, three years ago!"

Tumawa ulit ng pagak si Sasha sa narinig. Sa halip na masaktan dahil wala na ito ay lalo lamang siya nakaramdam ng panibugho para sa ama.

"Three years ago? All those time, alam niyang may anak siya sa aking ina pero hindi niya kami nagawang hanapin?" Puno ng puot ang mabanaag ngayon sa mga mata ng dalaga.

"Wala ako sa lugar upang ipagtanggol siya, hindi ko rin alam paano maibsan ang sama ng loob mo sa kanilang pamilya. Pero sana makinig ka sa paliwanag ng iyong Lola kapag nagkaharap na kayo." Maalumanay na paliwanag ni Dexter.

"Malaki ang mana na iniwan sa iyo ng iyong Ama at maging sa iyong Abuela ay may pamana din siya sa iyo." Dugtong pa ni Dexter.

"Kaya ba may gustong pumatay sa akin dahil sa lintik na kayamanan na iyan?" Nakakuyom ang kamao ng dalaga at pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha. "Kung buhay pa ang aking ina, marahil ay magtatalon ako sa tuwa sa yaman na iyan at naipagamot ko siya. Kung hindi lang sila maramot at nagbingi-bingihan sa pagmamakaawa ng aking ina sa pamilya nila!"

"I'm sorry!" Niyakap ni Dexter ang dalaga na ngayon ay humihikbi na. Kung pagbasihan niya ang nasa panaginip ng dalaga ay hindi niya ito masisi kung bakit ganoon na lang ang galit sa pamilya ng hindi nakilalang ama.

"Kung ayaw mo siya makausap ay ipa-cancel ko ang meeting?" Masuyong hinagod nito ang likod ng dalaga. Natawagan na niya kanina ang Lola nito at pinaalam ang pgakatagpo sa nawawalang apo.

Kumalas sa pagkayakap sa binata si Sasha, " anong oras ang dating niya?"

"Are you sure?" Paninigurado ng binata, ayaw niyang biglain ang pagkikita ng mag Lola lalo na at galit si Sasha. Ngunit nag-aalala siya na baka mapahamak ang dalaga kung hindi mabigyan ng sapat na proteksiyon na tanging Lola lang nito ang makapagbigay.. Kailangan niya muna alamin kung sino nag-utos kay Dino. Napabuntong hininga siya ng tumango ang dalaga ang nasa mukha ang determinasyon.

Iyak ng iyak si Seliste nang makita si Sasha. Hindi mapagkaila na apo nga niya ito dahil kamukhang-kamukha ito ni Marcus.

"Patawarin mo ako Apo, sa akin ka dapat magalit at hindi sa iyong Ama!" Garalgal ang boses ng matanda. Si Sasha ay nakatingin lang dito at hindi alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Hindi pa man tuluyang napalapit ang loob sa matanda ay sumama na rin dito si Sasha. Gusto na rin niya makaharap ang madrasta na sinungaling at nang-api sa kanyang ina noon. Sina Jeydon at Ashton ang naging personal bodyguard pansamantala ng dalaga upang masiguro ang kaligtasan.

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon