HINDI mapakali si Dexter sa isang tabi, panay ang silip sa nakasarang pinto kung nasaan sina Kailani at Sasha. Ginagamot ni Kailani ang sugat sa braso ng kaibigan nito, dahil natamaan ito ng bala kanina sa bakbakan para iligtas ang kanyang buhay muli."Nag aalala ka ba sa kanya dahil nasaktan siya ng dahil sa iyo?" Makahulugang tanong ni James kay Dexter nang tumayo muli ito upang alamin ang kalagayan ni Sasha lalo na nang mapahiyaw ito sa sakit.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ni Dexter dito, ayaw mag-function ng kanyang utak sa ngayon dahil naiinis siya sa kanyang sarili. Wala manlang siyang magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalaga.
"Tsk tsk!" Palatak ni James sabay iling, "inumin mo muna iyang kape mo bago pa lumamig. Huwag ka mag alala dahil malayo sa bituka ang sugat noon."
"Sino ba talaga kayo?" Tumayo si Dexter dala ang kape at nilapitan ang apat na taong nakatali sa isang tabi.
"Mga kidnaper sila kung kaya mag ingat ka baka matulad ka sa amin!" Sumabat si Lando sa kanilang pag uusap.
"Gago!" Binatokan ng malakas ito ni James, " ano ka mayaman upang kidnapin namin?" Nakangisi na dugtong ni James.
Nagtawanan ang tatlo pa nakatali rin na umani ng masamang tingin mula kay Lando.
"Dexter, iho!" Tawag ni Amber sa kaibigan ng anak.
"Tita!" Agad na dinaluhan ito ni Dexter ng makitang hirap pa maglakad ito gamit ang tungkod.
"Salamat sa diyos at ligtas kayong lahat sa kapahamakan!" Naluluha ang ginang na yumakap kay Dexter.
"Ikaw din Tita, salamat at magaling ka na!"
"Malaki ang naitulong ni Jenny sa akin, utang ko ang lahat ng ito sa kanya!" Tuluyan ng pumatak ang luha ng ginang na kanina pa niya pinipigilan.
"Jenny?" Na ngangapa sa kawalan na tanong ni Dexter.
"Si Kailani, siya ang tunay na Jenny!"
"Shit!" Napamura ang huli ng marinig ang katotohanan. Muntik na rin siya malinlang ng mga tunay na kriminal at ng impostora.
"Nakausap ko na ang kaibigan kong may katungkulan, na siyang magsagawa ng warrant of arest sa paghuli sa tiyahin ni Kailani at sa iyong asawa Mrs," ani James nang makalapit sa dalawa.
"Mabuti kung ganoon, hawak ko na rin ang mga katibayan sa ilegal niyang gawain sa kompanya upang magpadiin sa kanyag kaso." Segunda na tugon ng seryosong Abogado.
Napalingon ang lahat nang bumukas ang pinto ng silid at niluwa si Kailani.
"Kamusta na siya?" Nangunguna si Dexter na lumapit sa huli.
"Pumasok ka upang malaman mo," minuwestra ng dalaga ang silid.
Naabutan ni Dexter ang pasaway na Guardian Angel na naka upo pasandal sa headboard ng kama. Medyo namumutla ito at may nakatali na tela sa palad patungong balikat upang hindi magalaw ang braso.
"Bakit ganyang ka kung makatingin?" Nakasimangot na puna ni Sasha sa kaharap. Mukha kasi itong namamalikmata na nakatingin sa kanya.
"Hindi ba dapat umiiyak ka?" Biro ni Dexter sa dalaga.
"Joke ba iyan?" Nakatikwas ang kaliwang kilay ng dalaga.
"Tssss, kahit kailan talaga eh pasaway ka! Salamat nga pala sa pagligtas muli sa aking buhay." Sinsirong wika ng binata, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpasalamat siya dito.
"Aba himala, alam mo pala ang salitang iyan!" Nakakaloko na puna ng dalaga. "Pero sorry dahil hindi ako tumatanggap ng ganyang bilang kabayaran, ang sakit kaya tamaan ng bala!" Nakalabi na ngayon ang dalaga at may naisip na naman na kalokohan upang ang abogado naman ang pahirapan ngayon.
BINABASA MO ANG
LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)
Azione"Walang forever" a new motto for her. Sasha Monuz, a naughty girl. Walang siniseryoso maliban sa baril na laging nakasukbit sa kanyang tagiliran at mahilig lumusob sa bakbakan ng walang pasintabi. Dexter Alarcon, sa batang edad ay kilala na sa laran...