Chapter 7

255 14 0
                                    


Chapter 7

"TAPOS na po ang palabas, maari na kayong bumalik sa dance floor at sa inyong mga tables! Jeydon claps his hands sa harap ng mga costumer ng Bar.

"Sir, paano ang bill ng babaeng iyon?" Tanong ng bartender kay cloud na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot.

"Leave it to me, ako na ang bahala sumingil sa boyfriend niya."

Agad naman inabot ng kawawang lalaki ang slip sa kanyang amo. Parang wala lang nangyari na tumunog muli ang musika at nag ingay ulit ang paligid sa loob.

"May problema ba siya sa pamilya niya?" Tanong ni Dexter kay James nang magpang-abot sila sa sasakyan niya. Buhat pa rin niya ang dalaga na parang tuko maka kapit sa kanyang batok.

Sinilip ni James ang mukha ng kaibigan na nakasandal sa dibdib ni Dexter, napailing siya sa hitsura nito na mukhang sinasamantala ang sitwasyon. Kahit lasing at mukhang miserable ang mukha eh bakas pa rin dito ang pagiging pasaway.

"I don't know the whole story of her family background, ikaw na muna ang bahala sa kanya at kailangan ko tutokan ang kaso na hawak ko ngayon.

"Doon ko muna siya dalhin sa Condominium ko," paalam ni Dexter sa kaibigan ng dalaga.

"May tiwala ako sa iyo," makahulogang bilin ni James sa kausap bago ito iniwan.

Si Micko na ang nag-drive sa sasakyan ni Dexter dahil hindi nito magawa magmaneho. Nakangiti lang ito na sinusulyapan si Dexter na mukhang malaki ang problema dahil sa dalaga. Hindi na niya ito sinamahan pag akyat ng pad ng huli na buhat pa rin si Sasha na masarap na ang tulog.

"Mama huwag niyo po ako iwan!"

Napatigil si Dexter sa pagtalikod ng magsalita ang dalaga habang nakapikit. Binalikan niya ito na naka higa na ngayon sa kama at sinalat ang noo.

"Mama ano po ang gagawin ko upang hindi na kayo dumaing sa sakit?" Kahit sa panaginip ay impit na umiiyak si Sasha.

"Hey, wake up!" Marahan na tinapik ni Dexter ang pisngi ng dalaga na ngayon ay basa na ng sariling luha nito.

"Tulungan mo mama ko!" Parang bata na hinawakan ni Sasha ang kamay ng binata habang umiiyak.

"Shhh stop crying, ano ba ang problema? Maya sakit ba ang Nanay mo? Gusto mo dalhin natin siya ngayon sa Hospital?" Sunod sunod-sunod na tanong ng binata at niyakap ang dalaga upang pakalmahin.

"Sinungaling! Nangako ka na ipapagamot si Mama basta umalis lang kami at hindi na bumalik, sinungaling ka!" Lalong lumakas ang iyak ni Sasha at pinagtutulakan ang yumayakap sa kanya.

Napagtanto ni Dexter na nanaginip pa rin ang dalaga dahil sa dami ng nainum nito ay hindi na alam kung ano ang lumalabas sa bibig na mga salita.

"Wala kayong mga puso!" Pinagsusuntok na ni Sasha ang kaharap habang nakapikit.

"Enough!" Hinuli ni Dexter ang dalawang kamay ng dalaga at inipit sa pagitan nila at niyakap ito ng mahigpit. Patuloy na nanlalaban ang dalaga kung kaya kinabig niya ang batok nito at hinalikan ng mariin sa labi.

Epiktibo ang ginawa ng binata dahil tumigil na ito sa pagwawala. Nang maalala si James ay agad niya pinakawalan ang labi ni Sasha na bahagya ng nakabuka ngayon. Nakatingin sa kanya ang namumungay na mga mata nito dala marahil ng kalasingan.

"Ok ka na?" Seryosong tanong ni Dexter sa dalaga na tulalang nakatingin sa kanya.

"Bakit ang pogi mo?" Ipinilig pa nito ang ulo at hinila ang matangos na ilong ng binata.

"Tsk! Huwag ka na ulit uminom ha at para kang bata pag nalasing." Iniiwas ng binata ang mukha dito dahil gusto hulihin muli ang kanyang ilong.

"Bata pa naman talaga ako ah!" Naka nguso na turan ni Sasha.

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon