Chapter 8

286 12 0
                                    


UNTI+unting naningkit ang mga mata ni Sasha na tumingin sa binatang naka upo sa kama. Mabilis ang kilos na inilang hakbang ang pantalon na nakasampay sa sofa.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Simpatikong tanong ni Dexter dito at itinaas ang hawak na baril mula sa ilalim ng unan niya. Sinadya niya na itago ang baril ng dalaga dahil alam niya na magwawala ito pagkagising.

"Gago ka, akin na iyan! Dinambahan nito ang binata at nakipag agawan ng baril. Galit ang nangibabaw sa kanya ngayon sa kaalaman na hinubaran siya ng binata nang hindi niya alam at pati ang pang loob ay inalis pa.

"Ouch! Daing ni Dexter nang kagatin ng huli ang kanyang braso kung kaya nabitiwan niya ang baril at nakuha nito. Napangisi siya ng itutok sa kanya ng dalaga ang baril dahil inalis din niya ang bala niyon. Ngunit kailangan pa rin niya mag ingat dahil ipukpok sa kanya ang pulo na baril.

"Hayop ka! Nasaan ang panty ko?" Itinapon niya ang baril nang malaman na wala iyon bala at pinagsusuntok ang binata.

"Huminahon ka nga muna!" Panay ilag na wika ng binata at nang makalayo dito ay bumaba siya ng kama, naiwan ang dalaga na nakatayo doon. Kung hindi lang nag ala tigre ang dalaga ngayon ay baka nasunggaban na niya ito at na angkin muli. Ang sexy nito sa suot na t-shirt lamang. Sa kaalaman na wala itong suot na panloob ay nabubuhay muli ang kanyang dugo.

"Manyak ka! Ano tinitingin-tingin mo sa legs ko, ha?" Salubong ang mga kilay ng dalaga sa inis, tuluyan ng nawala ang naramdamang hiya. "A-aray!" Daing nito nang biglang sumakit ang ibabang parte ng kanyang pagkababae dahil naging marahas ang kanyang pagbaba sa kama.

"Wala kang maalala sa nangyari sa atin kagabi?" Kunot noo na tanong ni Dexter habang inalalayan ang dalaga na makaupo sa sofa.

Marahas na napatingin si Sasha sa binata, "nangyari? Ano ang ibig mong sabihin?" Nanlaki ang mga mata na tanong sa kaharap.

Napailing ang binata, " sandali lang huwag ka muna gumalaw." Bilin nito at lumabas ng pinto. Pagbalik nito ay dala na ang kanyang underwear.

"Isuot mo muna ito bago natin pag usapan ang namagitan sa ating dalawa, nilabhan ko iyan kaya hindi ko naisuot sa iyo kagabi."

Muling nakaramdam ng hiya ang dalaga sa kaalaman na nahawak ito ng lalaki. Pero nang maalala na nahawakan na rin naman niya ang brief nito ay pahaklit na kinuha mula dito ang maliit na saplot at inirapan bago pumasok ng banyo.

Habang naghihilamos ay unti-unting pumasok sa utak ng dalaga ang nangyari kagabi na akala niya ay panaginip lamang. Napasabunot sa sariling buhok at nagpapadyak ng paa sa inis sa sarili.

"Bwesit! Kasalanan ito ng matapobre niyang ina!" Kausap nito sa kanyang sarili. Kumatok si Dexter ngunit hindi siya sumagot, hinamig ang sarili at nag iisip kung ano ang dapat gawin. Ayaw niyang matulad sa kanyang ina, hindi niya pinangarap na makapag asawa ng mayaman.

"Ok ka na?" Agad na tanong ni Dexter nang lumabas ang dalaga sa banyo. Halos isang oras din ito namalagi sa loob.

"Kalimutan na natin ang nangyari kagabi!"

Nagulat si Dexter sa sinagot ng dalaga, tinitigan niya ito sa mga mata at alam niya na hindi ito nagbibiro.

"Ganoon na lang sa iyo ang pag pasya? Alam natin pareho na ako ang naka una, paano kung mag bunga ang.."

"Hindi mangyari iyan dahil safe ako kagabi," sansala ng dalaga sa iba pang sasabihin ng kaharap. Kahit papano ay may alam siya sa pregnancy method. Kakatapos lang ng kanyang monthly period kung kaya umaasa siya na hindi magbunga ang nangyari sa kanila kagabi.

Nasagi ang ego ng binata sa pinahayag ng dalaga, " ayaw kong lumabas na mapagsamantala sa nangyari sa atin kagabi. Ayaw ko rin naman na magpakasal ng walang pagmamahal na involve."

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon