Chapter 10

280 9 0
                                    


Chapter 10

MALUNGKOT na natakanaw sa puntod ng nag-iisang anak niya si Seliste. Matagal ng panahon na rin nakahimlay ang anak, hanggang ngayon ay hindi pa niya natupad ang una at huling hiling nito sa kanya bago nalagutan ng hininga. Kasalanan niya ang lahat kung bakit hindi naging masaya ang buhay may asawa nito noon. Napatingala siya sa langit at muling nanariwa ang kahapon sa kanyang ala-ala kung bakit hindi nito nakasama ang tunay na minamahal.

"Layuan mo ang aking anak!" Inabutan niya ng tseke ang babaing minamahal ng kanyang anak. Nakasulat doon ang kalahating milyon na halaga. "Siguro naman ay sapat na iyan upang lumayo ka sa kanya?"

"Mahal ko po si Marcus at buntis po ako!" Umiiyak na sagot ng dalaga habang nakayuko.

"Ambisyosa ka! Magkano ang kailangan mo, name the price and get lost! Hinding-hindi kita matatanggap sa pamilya ko lalo na iyang anak mo!" Singhal niya sa babaing lumuluha. Walang puwang sa kanya ang awa para dito dahil ang tingin niya dito ay pera lamang ang habol sa kanyang anak. Naniwla siya sa mga kwento ni Amanda na maruming babae ito and gold digger.

Si Amanda ang gusto niya dahil kilala na niya ang pamilya nito, maging sa antas ng buhay ay nababagay sa kanyang nag-iisang anak.

Gusto niyang humanga nang tinanggihan nito ang pera na inalok niya. Pinanindigan na walang katumbas na halaga ang pagmamahal sa kanyang anak. Mula noon ay hindi na nga nagpakita sa kanyang anak ang babae. Maging sa eskwelahan na pinapasukan ay wala at hindi niya alam kung nakapagtapos ito ng pag-aaral.

Naging malungkutin ang anak mula noon sa paniniwala na nakipagtanan sa ibang lalaki ang mahal na babae. Si Amanda ang gumawa ng ganoong kuwento. Napilitan magpakasal ang anak kay Amanda dahil nagalaw umano nito ang huli nang minsan maglasing. Nang maaksidinte ang anak ay matagal itong naratay at naging lumpo. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon ito ng malala na sakit, nasa ibang bansa siya nang mga panahon na iyon.

"Ma, hanapin mo po si Joan!" Pakiusap sa kanya ni Marcus nang dalawin niya ito sa Hospital.

"Anak magpagaling ka muna, tsaka na natin pag usapan ang tungkol diyan!" Naaawa na tugon ng ginang, biglang naalala na may apo nga pala siya sa babaing iyon.

"Ramdam ko po na hindi na ako magtatagal Mom! Parang awa mo na, hanapin mo siya at ang aking anak," tumulo ang luha ni Marcus. Nagulat pa ang ginang na alam nito ang pagkaroon ng anak sa babae.

"Bago po ako naaksidinte ay nalaman ko ang katotohanan na buntis siya Ma, at ako ang ama. Isa sa dati naming kaibigan ang nakapagsabi sa akin ngunit walang nakakaalam kung nasaan sila ngayon maging ng kanyang pamilya."

Napaluha na rin ang ginang at dala nang kunsensya ay ipinagtapat ang katotohanan sa ginawang pagsuhol sana sa babae.

"Pinapatawad na po kita Ma, sa ginawa mo. Ang hiling ko lang ay hanapin mo sila at kilalaning apo rin ang anak ko sa kanya. Hindi ko na sila mahintay, pakisabi po na mahal na mahal ko sila at siya lang ang babaing minahal ko hanggang ngayon!" Mahigpit na hinawakan ang kamay ng ina at hinahapo na pumikit.

Isang linggo lang ang lumipas ay pumanaw si Marcus. Nang malaman nila Amanda at anak nito ang pag-iwan ng anak ng kayaman sa anak nito kay Joan ay tumutol ang mga ito at nakipagtalo sa kanya. Doon niya nakita ang hindi magandang ugali ng manugang. Alam niya na inaalam din nito kung nasaan na ngayon si Joan.

"Patay na ang babaing iyan, gusto ko na alamin mo kung nasaan ang anak niya." Kausap ngayon ni Amanda ang isang tao na kilala niyang halang ang bituka sa paggawa ng krimen.

"Kailangan ko ng sapat na halaga upang mahanap siya, alam mo naman siguro na mainit sa mata ng mga pulis ang isang tulad ko."

Ang lapad ng ngiti ni Dino nang mahawakan ang makapal na sobre na naglalaman ng pera. Mapalad pa rin siya dahil nakatakas siya ng mabuwag ang unang grupo ng sindikato na sinalihan.

LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon