"HINDI pa rin ba siya umuuwi?" Tanong ni Dexter kay James nang tawagan niya ito sa cellphone. Pinasundan niya ito sa kaibigan kanina at nag aalala din siya kung ano ba ang problema ng kanyang pasaway na Guardian Angel."Narito ako ngayon sa bahay at hindi pa siya naka uwi mula kaninang umaga. Bakas din sa boses ni James ang pag alala. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpadala sa galit si Sasha nang hindi niya alam kung ano ang dahilan.
Dito pa rin tumutuloy ang kaibigan sa bahay na kinuha niya noon para sa dalawang dalaga. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay nabili na niya iyon kung kaya walang problema sa bayarin buwan-buwan.
"Wala ka ba ibang alam kung saan pa siya maaring pumunta?" Tanong muli ni Dexter habang nililigpit ang mga gamit sa lamesa, at naghanda sa pag alis upang tumulong sa paghanap sa dalaga.
"Tatawagan na lang kita mamaya kung matagpuan ko na siya, pupunta ako ngayon kina Yazed baka naroon siya." Paalam ni James dito bago pinutol na ang pag uusap nila.
"Saan ang lakad mo? Nagmamadali ka yata?" Tanong ni Micko kay Dexter nang mabungaran ito sa pintuan.
"Tutulungan ko si James sa paghahanap kay Sasha." Hindi tumitingin na sagot nito sa kaibigan.
"Ah, ang pasaway mong Guardian Angel? Narito lang siya kaninang umaga, nawawala na agad?" Amuse na kumento ni Micko.
"Nasaan sina Ashton?" Sa halip ay tanong ni Dexter sa kaharap.
"Nasa Bar, yayain nga sana kita pumaroon at nagkayayaan ang tropa pati si James kung narito."
"Pass muna ako, kailangan ko mahanap ang babaeng iyon at baka may mabaril na inosinte."
Hindi napigilan ni Micko ang tumawa, sobrang seryoso kasi ng mukha ng kaibigan at mukhang nangungunsomisyon kay Sasha.
"Samahan na kita at baka sa iyo tumama ang bala." Nakangisi si Micko at sumabay sa paglakad ng kaibigan.
...
"YAZED, my mobile!" Tinutulak ni Kailani ang mukha ng asawa na nakadikit sa kanyang leeg. Kanina pa tumutunog ang kanyang cellphone ngunit hindi niya masagot dahil ayaw mag paawat ng asawa sa paghalik sa kanya. Kahit malaki na ang tiyan ay ang hilig pa rin ni Yazed makipag lampongan sa kanya.
"Tsk, istorbo!" Palatak na ani Yazed at inabot ang cellphone ng asawa. Ngunit tumigil na ang pagtunog kung kaya ibinalik muli sa table na hindi manlang tinignan kung sino ang tumawag.
"Sir, Mam?"
Katok ng isang katulong ang nang istorbo naman ngayon, na nagpatigil sa tangkang paghalik sana ni Yazed sa asawa.
"Pagbuksan mo na at baka importante." Utos ni Kailani dito habang tinutulongan ang lalaki sa pagsuot ng damit na nahubad na nito kanina.
"Ano ang problema?" Kunot noo na tanong ni Yazed sa katulong.
"Nasa labas po si Sir James," nakayuko na pagbigay alam ng katulong sa amo.
"Sabihin mo susunod na kami."
Agad na nag ayos ng sarili si Kailani at lumabas ng silid kasama ang asawa.
"Pasensya na sa istorbo, walang sumasagot ng tawag ko kung kaya sinadya ko na kayo dito," Ani James na naka tingin kay Yazed.
"May problema ba?" Si Yazed na ang nag tanong.
"Hinahanap ko si Sasha, bakasakali na alam ni Kailani kung nasaan siya?"
"Bakit, ano ang nangyari kay Sasha? Kailan pa siya nawawala?" Biglang nakaramdam ng kaba na tanong ni Kailani at napahawak sa umbok na tiyan.
"Huwag masyadong mag alala, hindi naman siya nawawala. May kaunting bagay lang na hindi napagkaunawaan kanina sila ni Dexter, at bigla na lang siya umalis kung kaya hinahanap ko." Pinakalma ni James ang kaibigan na lubos nag alala.
BINABASA MO ANG
LOST WITHOUT YOU (Book 2 Touch Me If You Dare-Complete)
Action"Walang forever" a new motto for her. Sasha Monuz, a naughty girl. Walang siniseryoso maliban sa baril na laging nakasukbit sa kanyang tagiliran at mahilig lumusob sa bakbakan ng walang pasintabi. Dexter Alarcon, sa batang edad ay kilala na sa laran...