16: Picture

65 1 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito kami sa klase at nakikinig kay sir na nagsasalita. Ilang minuto na lang din ay matatapos na ang klase namin.

Hindi parin ako makaget over sa pamilya ni Ken... Sila and pinaka odd family na nakilala ko. Yung style ng bahay nila, maganda nga talaga... Lalo na yung kwarto ni Ken na parang library.

Tapos, ang mom nya ay magician doctor... Tapos yung ugali ni Ken doon nya namana, tapos yung tatay nya, isang business man and because of his magic, he can do everything not just holding a business but something else like architectural design, and everything... At doon naman namana ni Ken ang katalinuhan  nya... No doubt na matalino nga talaga si Ken despite of his attitude.

Ang mom ko, si Yuna, may magic syang super senses. Lahat ng senses nya ay malakas... Kaya mahirap magtago ng sikreto kay mom dahil nararamdaman nya agad kung may tinatago ka... Ang trabaho ni mom ay psychologist, at ang dad ko naman na si Reo ay walang magic, normal na tao lang ang dad ko at isa rin syang  business man kagaya ng tatay ni Ken.

No wonder why I turned out like this... My magic is kinda related to mom, and it ended up there. Hanggang doon na lang ang magic ko... but I never blame them for being this weak. I never blame anyone, except myself. If I'm weak then it's all my fault... No one is at fault, only me... 'cause I let myself to be weak, I didn't try harder and harder to become strong, just like what the others are...

"Class dismiss" Sabi ni sir kaya inayos ko na ang mga gamit ko

Naramdaman kong dumaan na si Ken sa harap ko... Ang lakas ng dating nya... Kahit naglalakad lang sya may hangin na nagsasabing padating na sya...

"What's this?– ahhhhhhhhh!!!!!!!" Nagulat ako nung biglang tumili si Kim

Napatingin kaming lahat sa kanya pero wala lang sa kanya ang mga tingin namin, lumapit kaagad sya sa akin at may ipinakita

"Wala ka nang maidedeny ngayon!!! Kitang kita na sa picture na yan!!!!" Sigaw ni Kim sa akin at halatang kilig na kilig sya

Kinuha ko naman yung picture at tinignan ito

"Uy ano yun?"

"What's that Kim?"

"Anong tinitili mo dyan?"

"Patingin nga"

Agad na nanlaki ang mata ko nung makita ang picture...

It's me and Ken with baby Nathan at the mall!!!!

Ang tagal na nito ah!!! Paano naman nakarating dito ang picture na ito?! At naidevelop pa!!!

Agad kong itinago iyon nung tangkaing tignan ng iba.. I really have no clue about it... Kung meron mang maaring sisihin dito, si Ken lang yon... Pero imposible naman, hinabol nya pa nga yung lalaking nagpicture sa amin dahil sa galit nya ..

"Ang daya ayaw ipatingin"

"Dein ano ba kasi yan?"

"Patingin lang eh, damot"

Nakagat ko na lang ang sarili kong labi at tumakbo palabas ng room.

Sino ba kasing may ari nito? Hindi ko maintindihan, si Ken ba? Pero hindi eh... Sino ba?!!!!

KEN'S POV

Nagmamadali akong tumakbo pabalik sa room namin at nakasunod sa akin si Neil

"Teka Ken!!! Bakit ka ba kasi nagmamadali?!!!" Sigaw na tanong nya pero hindi ko na sya pinansin at ginamit na lang ang magic ko para makatakbo ng mabilis, na parang isang jet...

Nakarating na ako sa room at sinipa ko ang pinto para mabuksan.

Hingal na hingal ako at napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagod.

Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Neil sa balikat.

"Ano– ba kasi–yon?!" Tanong nya sa hinihingal na boses

Hindi ko sya sinagot at hinawi lang ang kamay nya sa balikat ko.

Nilibot ko ang buong classroom pero ni isang bakas wala akong nakita...

Wala na talaga sa akin ang isang napakagandang alaalang iyon...

"I'm looking for the picture...." Sabi ko

"Picture? Anong picture?" Tanong nya

Sa lahat ng kaklase ko, sya lang ang nakakaalam ng tungkol sa tunay kong nararamdaman para kay Dein. Gusto ko si Dein, pero wala akong planong sabihin sa kanya dahil hindi ko rin naman balak na maging girlfriend sya...

"Yung picture namin ni Dein... Nagpakahirap pa ako para kunin yon, tapos mawawala lang ng ganon kabilis..." Dismayadong dismayado ako sa nangyari...

Hinabol ko yung lalaking nagpicture sa amin ni Dein... I act like I am really mad, but it's the other way around... I'm happy, who would have thought that we will have a picture together... On this memorable day?....

Hinabol ko sya ng hinabol hanggang sa macorner ko sya

"A-anong gagawin mo? Wag kang mag-alala idedelete ko na rin ito... nag-aaral lang akong maging isang photographer and the three of you was the perfect–" I cut him off

"Don't you dare delete it! I'm following you 'cause I want you to send that fuckin' picture to me!!!! Why did you ran too fast?!!! I almost lost my lungs 'cause of you idiot!!!" Sigaw ko sa kanya

Binigay nya sa akin ang phone nya kaya ipinasa ko na sa akin yung picture at bumalik na kay Dein at Nathan.

Yung mga yon, alaala na lang.... Wala na yung picture!!! Paano kung makalimutan ko yon?!! Sa dami kong binabasang libro kada araw, paano ko matatandaan ang mga 'yon?!!!

"Bro, in love ka na talaga.... I'm proud of you man" Sabi nya at tinapik ang balikat ko

Hinawi ko yon ng malakas

"You don't care idiot!!! Get the hell out of my sight!!" Inis na Sabi ko sa kanya

"Okay bro! I got to go!!!!" Sigaw nya habang kumakaway at papalabas ng room

Sa inis ko ay sinipa ko yung upuan dito.

"That was my reliever! How come it's gone that early?! And who the fuckin' idiot took it?!" Inis na Sabi ko sa sarili

DEIN'S POV

Nakahiga ako sa kama ko habang tinitignan ang picture naming tatlo.

We look perfect... Nakangiti si Nathan habang buhat ni Ken, tapos ako halata ang saya sa mukha ko habang sinusubuan si Ken ng ice cream, tapos si Ken naman ang cute nyang tignan at ang mga mata nya.... Naka focus sa.... Akin....

Para kaming isang pamilya dito.... May part sa akin na masaya at may part na gusto nang itapon itong picture... Kasi, hindi ko alam ang maaring sunod na mangyari pagkatapos nito, at sa darating pang mga araw... Natatakot ako na baka matibag ang pader na ginawa ko para may haharang sa mga bagay na kinakatakutan ko....

At isa na doon ang ma-in love at masira ang mga pangarap ko....

Ayoko nang ipagpatuloy ang koneksyon ko sa bawat isa yet I want to be with them forever....

Iba yung sayang binibigay sa akin ng mga kaibigan ko, ng mga kaklase ko... At ni Ken...

May kumatok sa pinto kaya agad akong napaupo at tinago ang picture sa likod ko

"Bukas yan..." Sabi ko at dahan dahang bumukas ang pinto...

"Dein may merienda sa labas... Tara kain tayo" masayang sabi ni Colleen kaya tumango ako

"Sige susunod ako" Sabi ko kaya tumango sya at muling sinara ang pinto

Muli kong tinignan ang picture sa huling pagkakataon bago ko ito tinago sa loob ng case ng phone ko

Hindi ko na yon ibabalik sa kung Sino mang may ari.... Nandoon naman ako kaya may karapatan din ako doon...

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon