NEIL'S POV
Tuluyan nang bumukas ang elevator at nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari....
Umalingawngaw ang malakas ng tunog ng baril na galing sa kalaban... At nakatutok iyon kay Ken
Hindi pwede.... Hindi pwedeng mamatay ang kaibigan ko!
"Ken!!" Sigaw ko at tinulak si Ken...
Agad akong pumadyak upang matigil ang lahat at nagtagumpay naman ako....
Napatumba ako habang nakahawak sa dibdib ko....
Ako ang natamaan ng bala....
Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na nagawang abutan ang bala na tumigil bago pa man ito tumama sa kung sino man...
Kahit nanghihina na ako ay pinindot ko ang button upang sumara ang elevator... Pagkatapos ay pinitik ko ang kamay ko at nagsimulang gumalaw ang mga kasama ko...
"Neil!!" Sigaw ni Ken at agad akong inalalayan, nakaupo ako at nakasandal sa gilid ng elevator
"Fuck!!" Sigaw nya habang nakatingin sa akin
"I-iligtas mo s-si Dein.... P-pinangako ko kay Colleen na maililigtas si Dein kaya iligtas mo sya para sa akin..." Sabi ko
Ang lahat ay tahimik lang na nakatingin sa amin.
"Fuck Neil–"
"H-hindi ako mamamatay.... N-nangako akong mabubuhay ako... Kaya lalaban ako..."
"Iligtas nyo na si Dein... Iligtas nyo ang mga studyante ng Massaki" Sabi ko at pinindot ang button na nagbukas sa elevator
Hindi pa tuluyang nagbubukas ang elevator ay isang malakas na pagsabog na ang narinig ko...
And then... Everything went black...
DEIN'S POV
"Huwag!!! Bitawan mo ko!!!" Sigaw ko habang pilit na nilalabanan ang manyakis na owner ng Massaki
Itinali nila ako dito sa kama na narito sa kwarto.... Malaki ang silid na ito at may kwarto ito sa loob...
Pilit nyang hinahalikan ang leeg ko, ang paa ko naman ay patuloy sa pagsipa kahit na nakatali ito...
Tumulo na ang luha sa gilid ng mata ko....
"Please huwag" sambit ko
Isang putok ng baril ang nagpatigil sa kanya... Pati na rin sa akin...
Nandito na ang mga estudyante.... Lumakas ang tibok ng puso ko sa isiping iyon...
Iba ang pakiramdam ko sa mga estudyanteng iyon...
Patuloy nya akong hinalik halikan at patuloy naman ako sa panlalaban... Hanggang sa isang malakas na pagsabog ang tuluyang nagpatigil sa kanya.
Nanlaki ang mata ko...
Ang pagsabog na iyon...
Ken....
KEN'S POV
Isang malakas na pagsabog ang ginawa ko na naging sanhi ng pagbagsak ng kalahati sa kanila...
Ngunit hindi parin iyon sapat... Sa sobrang dami nila hindi ko sila matatalo sa isang pagsabog lang...
Lumabas na ako ng elevator kasama ang iba... Iba't ibang klase ng tunog ang naririnig ko, putok ng baril, pagsabog, at marami pang iba....
BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
Разноеang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...