KEN'S POV
Miyerkules na ngayon at naglalakad na ako sa hallway papunta sa room namin ngayon.
Naiintindihan ko si Dein. Alam kong natatakot lang sya na mapahamak kami. Pero, military student kami, sooner ay makaka-graduate kami at magiging sundalo. At sigurado akong ganito rin ang gagawin namin kapag naging sundalo na kami. Sundalo ako, at trabaho ko ang lumaban at iligtas ang mga tao sa kapahamakan. Kaya hindi ako magdadalawang isip na gawin itong ginagawa ko ngayon.
Walang sundalo ang mananahimik at magbubulag bulagan matapos malaman na sila ay nasa kapahamakan. Alam ko na may nangyayaring mali, kaya kailangan kong kumilos. Ako ang mata ng mga nagbubulag bulagan. Ako ang lakas ng mga naduduwag, at ako ang pag-asa ng mga taong nananahimik at naghihintay na may maglakas ng loob na lumaban....
Hindi ko na nabibigyan ng pansin ang mga nilalakaran ko dahil sa pag-iisip kaya naman nagulat na lang ako nung biglang may humila sa akin paliko sa isa pang hallway. Walang tao dito sa hallway na ito. Agad nilang tinakpan ang bibig ko. Tapos ay may itinurok sila sa akin na hindi ko alam kung ano... Agad akong nakaramdam ng antok kaya alam kong pampatulog ang itinurok nila sa akin
DEIN'S POV
Nandito ulit kami sa training area at nag-eensayong gumamit ng baril. Wala si Ken ngayon. Nakakapagtaka nga kasi Hindi naman sya umabsent kahit kailan sa klase, ngayon lang. Pati si Neil ay walang alam kung bakit sya absent.
May hinala na akong baka nag-iimbestiga na naman sya... Pero, imposibleng mas unahin nya pa iyon sa pag-aaral nya... He always have time for study, kilala ko sya... Kaya alam kong hindi sya aabsent kahit gaano pa kahalaga ang pupuntahan nya..
Pero ano naman kayang ang dahilan ng pag-absent nya ngayon? Is it something more important than study? Ano naman kayang iyon?
Suddenly bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Biglaan at hindi ko alam ang dahilan. Nanghihina rin yung katawan ko.
Ken.....
Tapos na ang klase ngayon kaya nagmamadali akong pumunta sa dorm namin. Pagpasok ko palang ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Ken. Agad ko itong binuksan ng hindi nag-aalinlangan at nanlumo ako nung makitang wala sya dito....
Nasan ka Ken?!
Inikot ko ang buong dorm ngunit walang bakas ni Ken akong nakita.
"Nasaan kaya si Ken?" Tanong ni Kim na nasa Sala.
Nakatayo ako dito sa dining area namin at nagnga-ngatngat ng kuko... Alam kong nakakatawa pero ganito ang ginagawa ko kapag nag-iisip o kaya ay nag-aalala.
"Siguro nandyan lang 'yan, baka tinamad lang kaya naglibot libot muna" Sabi ni Colleen
"O baka naman may girlfriend! Pinagpalit na si....." Sabi ni Lei at dahan dahang tumingin sa akin
"Ano ka ba? At bakit naman nya ipagpapalit 'yang si Dein? Napaka jackpot na nga nya eh! Tanga na sya kung ipagpapalit nya pa yan" Sabi naman ni Corbyn
Tinignan ko ko si Neil na tahimik rin sa sulok at halatang malalim ang iniisip
Hindi maganda 'to... Alam kong may nangyayaring masama sa kanya ngayon... May ginawa syang nagpahamak sa kanya...
Agad akong napatingin kay Ivan na tahimik lang rin.
Yung kagabi! Yung truth or dare.... Yung tanong ni Ken kay Ivan tungkol sa black magicians!
Ibig sabihin....
Dahan dahan akong napatingin kay Ivan...
Ang lahat ng nandito ay normal lang ang ikinikilos kagaya nila Corbyn, Lei, Kim, Jin, Colleen, Lara, Jirou, at Lester...
![](https://img.wattpad.com/cover/208954811-288-k655252.jpg)
BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
Randomang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...