COLLEEN'S POV
Narito kami sa airport ngayon, nandito si Neil, Ken, Dein... Simula nung mangyari ang reunion kahapon, hindi na sila mapaghiwalay... Nandito rin si Jin at Kim, engaged na sila, hindi na talaga sila mapaghihiwalay...
Nandito sila para ihatid ako, pupunta ako ng California for my next project...
"Mag ingat ka doon ha! Tumawag ka!" Tuwing may project ako sa ibang bansa palaging naiiyak si Kim sa pag-alis ko, she's too emotional...
Natawa ako sa kanya "oo, at hindi ko kakalimutan ang pasalubong mo" Sabi ko
"Good luck Colleen... I will miss you" niyakap ako ni Dein, ganon rin si Kim
Niyakap ko sila pabalik...
Nung naghiwalay kami ay napako ang tingin ko kay Neil... He's staring at me...
Lumapit naman ako sa kanya ngayon...
"Bakit kasi ngayon pa..." Sabi nya
Sundalo na rin si Neil ngayon kagaya ni Ken... Kaya sayang talaga dahil 2 weeks leave nya ngayon pero hindi kami magkakasama... Matagal tagal ako sa California since hotel ang dine-design ko.
"Hayaan mo na... May next time pa naman" Sabi ko
Gustuhin ko mang manatili hindi pwede... Malaking project iyon kaya hindi ko dapat palagpasin...
Bumuntong hininga sya...
"Hihintayin kita..." Sabi nya at niyakap ako
Nangingilid na ang luha ko... I want to say I love him pero wala ako sa posisyon para sabihin iyon... I'm not his girlfriend, I love him pero walang kami...
Naghiwalay na kami sa pagkakayakap... Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko.... I looked away para hindi nya makitang naiiyak ako...
"Aalis na ako.... Bye" Sabi ko sa kanila
For the last time... I stared at him... And waved my goodbye...
Tumalikod na ako sa kanila... Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko...
Naglakad na ako palayo... Ang bigat ng paa ko... Ngayon ko na nga lang ulit nakita si Neil tapos ganito pa....
Gusto kong lumingon ulit pero alam kong mahihirapan akong makaalis kapag nakita ko na naman sya...
Pero... Kapag hindi ko ito sinulit... Baka pagsisihan ko...
Bahala na nga!
1
2
3
Pagkabilang ko ng tatlo ay lumingon ako....
Biglang bumagal ang ikot ng mundo ko nung makita sya, right in front of me....
He grabbed my waist and pulled me closer to him... And then, he planted a damn sweet kiss on my lips...
Bumilis ang tibok ng puso ko... Hindi ko inaakalang ganito ang mangyayari....
Naghiwalay na ang labi namin... Napatitig ako sa mata nya...
"I love you Colleen... Noon pa man mahal na kita... Sorry sa pagiging torpe ko... I don't know if you feel the same but..."
Napatakip ako sa bibig ko nung lumuhod sya sa harap ko....
No way....
Naglabas sya ng black velvet case na may ribbon... He opened it in front of me and there I saw it...
BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
Randomang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...