KEN'S POV
Natigilan ako at hindi makagalaw sa sinabi ni Dein... umalis na sya habang umiiyak... Gusto ko syang habulin, gusto ko syang yakapin but... I'm such an asshole to do so... Wala akong ibang ginawa kundi ang paiyakin sya, saktan sya... My love for her only tears her up...
"Daaammnnn!!!" Sigaw ko at sinipa ang paso nila Neil dito sa back yard
Nabasag ito at nagkalat ang lupa na sumama sa Bermuda grass... Naupo ako sa bench at nagkuyom ng kamao...
Paano ko nagawang saktan yung taong walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sakin na mahalaga ako? Paano ko nagawang saktan yung taong mahal ko?
Nasasaktan akong makita syang may kasamang iba pero mas nasasaktan akong makita syang umiiyak ng dahil sa akin... at kung papipiliin ako, mas gusto kong makita syang masaya ng iba ang kasama kesa sa makita syang umiiyak at ako ang dahilan...
This is too much for this day... Hindi ko na kaya, gusto ko nang umuwi...
Tumayo ako habang nakatungo at nakakuyom ang kamao... I'm not for her... Hinding hindi ko na hahayaan ang sarili kong masaktan uli sya... At kung talagang hanggang kaibigan lang kami, I'll accept that...
I'll never wish for us to be more than that... If crossing the lines means hurting each other...
Hindi na ako nagtagal sa kanila at nagpaalam na ako kay Neil. Sinabi ko narin na nabasag ko yung vase nila sa back yard...
Everytime I visit their house, palagi akong may nababasag... And they became used to it... Normal na lang sa kanila ang may mabasag na gamit kapag nandito ako...
Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot ito...
NEIL'S POV
Umalis na si Ken. Kahit hindi nya sabihin alam kong may problema sya, kaya hinayaan ko na sya...
Kapag may problema kasi si Ken, mas gusto nya ang mag-isa, ayaw nya nung pinapayuhan pa sya at kino-comfort... Mas nadadagdagan lang ang problema nya...
At tuwing may problema sya, uuwi sya ng bahay at pagkatapos nun... Okay na sya.. Ewan ko kung anong meron sa bahay nila at kumakalma sya kapag nandoon sya..
Maya maya lang ay nakita ko si Dein... Nag-iba ang itsura nya, wala na yung make-up nya at nakalugay na lang ang buhok nya.. all she has right now is her natural beauty... Damn, kaya na-inlove sa kanya si Ken eh...
Bumaba ang tingin ko sa katawan nya, no doubt na sexy sya, yung hubog ng katawan nya and her bust size.... I wonder if Ken's fantasizing her every night.... Pero parang malabo, since ngayon lang nagkainteres si Ken sa babae...
Napatigil ako sa pag-iisip nung makitang mamumugto ang mata ni Dein. What happened? Kanina si Ken ngayon si– did they just argued again?
Lumapit sa akin si Dein at nagpaalam na uuwi na... I responded with a smile and let her go...
Ano na naman kaya ang nangyari? Hindi ko na maintindihan yang dalawa na 'yan... Away bati! Porket mga first timer... they don't know how to deal with their feelings...
KEN'S POV
Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Naalala ko na naman yung nangyari kanina.... Damn! I hurt her! I hurt her feelings...
"Damn!!!" Sigaw ko at binato ang basong hawak ko. Napuno ng ingay ng pagkabasag nito ang apat na sulok nitong kusina.
Nagulat ang maid na nandito at agad na nagtatatakbo
Umupo ako sa upuan habang nakakuyom ang kamao ko.
Paano ba magmahal ng walang nasasaktan? Paano ba ako magmamahal ng walang nasasaktan? Paano ba ang..... Magmahal?
"What's the problem?" Malumanay na tanong ni mom
Napatingin ako sa kanya habang lumalakad sya palapit sa akin. Humila sya ng upuan at umupo sa tabi ko
"Was it about her?" Tanong nya
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko at napayakap na lang ako sa kanya. Hinimas himas nya ang ulo ko habang pinapatahan ako
Alam kong nakakatawang isipin na sa kabila ng magaspang kong ugali ay si mom lang ang makakapag paamo sa akin.... Pero, ganito na talaga kami, tuwing may problema ako, isasantabi nya ang pagkamasungit nya at yayakapin ako at makikinig sa problema ko... Palagi syang nandyan para sa akin.... And I love her....
"Bakit ganon mom? Bakit hindi ko kayang mahalin si Dein ng kagaya ng pagmamahalan nyo ni dad? Bakit palagi kong nasasaktan si Dein? Bakit palagi kong nasasaktan ang sarili ko? Bakit hindi na lang maging kagaya ng sa inyo.... Walang sakit, walang hirap... Bakit kapag kami na ang nagmamahal, puro sakit na lang?" Sunod sunod kong tanong kay mom
"Alam kong darating ang araw na 'to, ikaw, iiyak sa harap ko at magsusumbong tungkol sa pag-ibig... Alam mo anak, ganyan talaga ang pag-ibig... Masasaktan at masasaktan ka talaga, and that's normal... Ang kailangan mo lang ay matutunan kung paano iha-handle yung sakit..." Sabi nya ng malumanay
"Paano ba 'yon?" Tanong ko
"Alam mo nak, hindi ako ang taong makakapagsabi non sayo, may isang tao talagang darating sa buhay mo at magtuturo sa'yo ng lahat tungkol sa pag-ibig... Isang taong magiging parte ng buhay mo, na sadly... Hindi para sayo... She'll come to your life just to teach you and then leave..." Sabi nya
"Pero bakit sya pa? Bakit sya pa yung taong 'yon?" Tanong ko
"Hindi naman ibig sabihin ng leave eh aalis na talaga sya... Kasi, kung para sayo talaga sya, at kung mahal ka talaga nya, babalik at babalik sya.. no matter what. Basta 'wag ka lang susuko at maghintay ka lang... Kasi, ang pagmamahal kusang dumarating 'yan, sa tamang panahon at sa tamang oras...." Sabi ni mom
"Paano kung.... Paano kung hindi na sya bumalik?" Tanong ko
"Basta, bago ka sumuko, gawin mo muna ang lahat ng makakaya mo... Para wala kang pagsisishan sa huli... At huwag mong pangunahan ang tadhana, hindi pa nga nangyayari iniisip mo na agad... Just go with the flow... Just do your best, but never expect... 'cause the feeling of disappointment is what really sucks deep inside..." Sabi ni mom
Napangiti ako sa sinabi ni mom... She's always giving me a reason to live... She's always there to lift me up when I'm feeling down... She never failed to be a mother to me....
"I love you Mom" Sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kanya
Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangiti rin si mom...
"Sali naman ako dyan" narinig ko ang boses ni dad at naramdaman ko ang yakap nya sa likod ko
"Wait Ken, did you just cried?" Tanong ni dad
"What?! Never!" Sigaw ko at nagtawanan silang dalawa
"Haaaayyy.... You're always be my baby...." Sabi ni mom
"Shut up mom, I'm not a kid anymore" sabi ko
Nagtawanan na naman sila. Lihim akong napangiti... Tama ang lahat ng sinabi ni mom.. maybe hindi pa ngayon ang panahon, pero hindi ako susuko... Hindi ko sya papakawalan!
BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
Rastgeleang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...