KEN'S POV
Maaga akong gumising. Naghilamos agad ako at dumiretso sa kusina...
Ako ang magluluto ng breakfast nilang lahat, especially for Dein...
Nag-aral akong mabuti para marami akong malamang masarap na lutuin para sa umaga... At ang naisip ko ay omelette.
Nagsimula na akong magluto.
"Hhhmmm ang bango– K-ken?! Nag–nagluluto ka?!" Gulat na tanong ng babae sa likod ko
Nilingon ko sya at nakita kong sya si Dianne
"Yeah and you don't fucking care" Sabi ko at nagpatuloy sa pagluluto
DEIN'S POV
Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko at sa bangong naaamoy ko... Ang sarap ng breakfast namin ah... Mukhang mapaparami ang kain ko
May kumatok sa pinto ko at narinig ko ang boses ni Colleen
"Dein bumangon ka na dyan, kakain na tayo" Sabi nya sa labas
"Oo susunod na ako!" Sabi ko naman at narinig kong napahagikhik sya
Ano kayang nangyari don?
Inayos ko na ang kama ko at tumingin sa salamin, maayos naman ang mukha ko kaya lumabas na ako
"Good morning Dein!! Tara kain na, espesyal ang almusal natin ngayon" Sabi ni Kim kaya napangiti ako
"Oo nga eh, mukhang mapaparami ang kain ko" Sabi ko at dumampot ng plato
Magsasandok na sana ako pero may kamay na pumigil sa akin at inagaw ang plato at sandok na hawak ko
Napatingin ako kay Ken na ngayon ay nagsasandok ng pagkain ko
"Ako na" Sabi nya kaya napaikot ang mata ko
"Ayyyiiieee!!!!!" Hagikhikan ng mga kaklase namin
"Mag smile ka naman dyan Dein, gumising yan ng maaga para ipagluto tayo.... at espesyal pa yung ulam mo.." Sabi naman ni Neil na ikinatigil ko
Tinignan ko yung isang platong may omelette tapos may smiley face pang nakadrawing, gamit ang ketchup....
What.... The... Fuck?!!
Gulat akong napatingin kay Ken... Na nakangiti na ngayon at nakatingin din sa akin
"Kain na" Sabi nya at nilapag na ang plato sa harap ko
Napaikot na lang ang mata ko
"Sa labas na lang ako kakain" Sabi ko at saka lumabas
Natahimik silang lahat at nakita ko pang napayuko si Ken, but so what? Kulang pa yon sa lahat ng sakit na pinaramdam nya sa akin...
Dito ako sa cafeteria kumakain... Nakanguso dahil nanghihinayang sa masarap na ulam na nakahain sa hapag kanina.... Kung hindi lang sana sya ang nagluto noon eh!
And why is he doing all of this in a sudden? Pagkatapos nya akong saktan? Susuyuin nya ako?
Edi sana hindi na lang nya ako sinaktan para wala syang susuyuin... Sana ginamit nya yung talino nya para isipin muna yung mga sinasabi nya bago nya ibato sa akin...
KEN'S POV
"Ganyan talaga tol, hindi yan magiging madali, sinaktan mo eh" Sabi ni Neil sa akin habang tinatapik ang balikat ko
Kinuha ko yung cleaning materials at hindi na ako kumain. Pumasok ako sa kwarto ni Dein at narinig ko pa ang boses ni Neil bago ko tuluyang isara ang pinto
"Yan ang gusto ko sayo boy!" Sabi nya
Napailing iling na lang ako at sinara na ang pinto. Sinimulan kong linisin ang kwarto nya. Hindi naman sya makalat sa kwarto pero lilinisin ko parin.
Nagsimula ako sa bintana, tapos tinanggalan ko ng alikabok yung mga gamit nya na medyo maalikabok, tapos ay nagwalis na ako.
Sanay na ako sa ganito dahil palagi ko itong ginagawa sa bahay... Minsan inaagawan ko ng trabaho yung maids namin dahil mas satisfied ako sa paglilinis ko kesa sa paglilinis nila... Kahit magaling naman talaga silang maglinis
DEIN'S POV
Bumalik na ako sa dorm namin, nakikita ko yung iba na naglilinis na, kasali doon si Colleen
"Kumusta? Nabusog ka ba?" Tanong ni Kim na naghuhugas sa kusina
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso sa kwarto ko. Nanlaki ang mata ko nung makita si Ken na nagwawalis doon
"Good morning" bati nya
Agad na kumunot ang noo ko
"Anong ginagawa mo dito?! Labas!!" Sigaw ko at tinulak sya palabas ng kwarto ko
Padabog kong sinara ang pinto at inis na naupo sa kama ko
Napasabunot na lang ako sa sarili ko
"Aaaarrrrggghhh!!!!" Inis na sigaw ko
Days had passed, at paulit ulit na lang ang nangyayari, sa cafeteria ako kakain ng breakfast at babalewalain ang pagkaing madadatnan ko paggising, tapos ibabasura yung mga sticky notes na magkakalat sa kwarto ko pagkabalik ko... At kung ano ano pa
Minulat ko ang mata ko, kakagising ko lang... Agad kong iginala ang paningin at nakita kong walang breakfast..
"Tss... Susuko rin pala eh... Mahina!" Sabi ko at tumayo na
Nagulat ako nung bumukas ang pinto at niluwa nito si Ken na may dalang breakfast
"Good morning" bati nya
"Laaabbbaaasss!!!!" Sigaw ko kaya dali dali syang lumabas dala ang pagkain
Napatingin ako sa sahig malapit sa pinto nung may makita akong papel. Napaikot na lang ang mata ko
"Heto na naman" Sabi ko at pinulot yung papel
"I won't give up... If I have to do things all over again I'll do it... Even if it takes forever" basa ko sa letter
Napaikot na naman ang mata ko at dumiretso sa basurahan
"Tss... Corny" Sabi ko at hinagis na ito sa basurahan
Hanggang kailan pa ba ito? Kailan ba sya titigil? Kailan ba nya ako susukuan? Nakakainis na! Unti unti nang nawawala ang galit ko sa kanya at baka mamaya ay mapatawad ko sya.... Ayoko na! Ayoko nang maging malapit ulit sa kanya tapos sa dulo ako yung luhaan....

BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
De Todoang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...