39: New chapter

24 1 0
                                    

DEIN'S POV

Naghahanda na ako ngayon para sa pasukan. Tapos na ang bakasyon at ngayon ay second year college na kami.

Hindi kami magkaklase ni Ken. Class A military parin sya samantalang ako ay napunta sa class B military. Nakakalungkot man, pero ayos na rin iyon.

Nasa average lang kasi ang average ko at dito sa school na ito, hindi pwede ang average sa Class A. Sa dami ba naman ng nag-aaral dito eh mas maraming karapat dapat sa class A.

Pero at least hindi ako nag-iisa doon... kasama ko naman ang dati kong mga kaklase at ang mga kaibigan kong sina Coleen, Kim, Lara, Tyler, Jin, Corbyn, Lei at Lester.

Nanatili naman si Ken, Ivan, Dianne, Jack, Neil, Kaila at Jirou sa Class A.

Nagpaalam na ako kay mom na aalis na at sumakay na ako sa kotse namin. Pagkarating sa school ay pumunta ako sa fountain. Sinabi ni Ken na dito kami magkita.

Umupo ako sa gilid ng fountain at hinintay si Ken. Ilang minuto lang ang tinagal ko doon nung biglang may rose na tumambad sa mukha ko.

Agad akong napatingin sa kung sinong may hawak non tapos ay tumalon ang puso ko sa saya nung makita si Ken.

Ilang linggo rin kaming hindi nagkita matapos kaming magbakasyon sa Paris.

"Ken!" Masayang sigaw ko at tumayo upang yakapin sya.

Naramdaman ko naman ang kamay nya na yumakap pabalik sa akin. Napangiti ako. We're almost 10 months but the spark is still there... Walang nagbago, sya parin talaga....

Malapit na kaming mag anniversary, August 15 naging kami. 2 months na lang ay 1 year na kami...

Humiwalay na ako sa pagkakayakap at tinanggap ang rose na bigay nya.

"May pa-rose rose ka pa talagang nalalaman..." Sabi ko at napangiti

Inamoy ko ang rose na iyon at mas lalo akong napangiti sa bango niyon.

Inakbayan ako ni Ken kaya nagulat pa ako. Nagsimula na syang maglakad kaya naglakad na rin ako para masabayan sya.

Nandito na kami sa bago naming dorm. Kasama ko si Kim at Colleen, magkatabi kami sa mahabang sofa. Nakikita ko namang magkasama na ngayon si Lara at si Tyler. Magkaibigan talaga sila, at sa pagkakaibigan kahit ang pinakamasakit na kasalanan ay napapatawad.

"Anong nangyari sa bakasyon nyo? Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Kim sa akin

Agad na nag flashback sa isip ko ang intimate moment namin ni Ken kaya namula ako

"A-ayos naman" Sabi ko

"Sabihin mo nga, gaano ba ka-sweet si Ken? Paano sya sa romance?" Tanong nya kaya agad akong napangiti

"Sweet naman sya minsan... Pero minsan din ay straight forward sya at sinasabi nya lahat ng nararamdaman nya na nagpapakilig sa akin... May pagka romantic din naman sya" Sabi ko habang kinukwento si Ken sa kanila

"Ahh... Hindi naman pala panget magmahal itong si Ken... May ibubuga rin naman pala, si Jin naman napaka sweet at romantic! Hindi sya nagfa-fail na magpakilig sa akin..." Sabi nya at napatingin sya kay Colleen na nakangiti lang sa amin

"Eh ikaw Colleen? Kumusta kayo ni Niel" nagulat si Colleen sa tinanong ni Kim

"A-ano... Ayos naman, sweet syang-" naputol ang sinasabi ni Colleen

"Sweet syang ano?!" Excited na tanong ni Kim

"Kuya..." May disappointment sa mukha ni Kim nung marinig iyon

Pati ako ay na-disappoint rin, gusto ko pa naman silang dalawa...

"Hanggang ngayon ba naman ay kuya parin ang turing mo sa kanya? Kailan ba kayo uusad-" natigil si Kim sa pagsasalita nung may tumugtog na gitara

Agad naming inilibot ang paningin ngunit wala namang nagpapatugtog ng gitara dito...

Agad na lumabas si Kim para tignan kung ano iyon at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha... Napatingin sya sa akin habang nakanganga

"Dein!!!!" Tili nya habang tumatalon talon pa sa tuwa

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nung marinig ang boses ni Ken.

"Dein tara dali!!" Mas halata pa ang kilig sa mukha ni Kim kaysa sa akin

Agad naman akong hinila ni Colleen patayo habang sya ay nakangiti rin.

And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one

Pagdating ko sa pinto ay nakita ko si Ken na tumutugtog ng gitara habang kumakanta.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nung magtama ang paningin namin

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

It's okay
It's okay
It's okay.....

Madami nang mga kaklase ko ang nakisilip na rin. Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Ken. Tinapos na nya ang pag strum ng gitara pagkatapos ay nginitian ako.

Kasama nya si Neil na iniabot ang dala nitong rose sa kanya.

Naglakad palapit sa akin si Ken kaya nakarinig ako ng mga hiyawan.

"Anong pakulo na naman 'to?" Tanong ko sa kanya at tinanggap ang binigay nyang rose

"I want to make you happy... And make sure that no one will court you here..." Natawa ako sa sinabi nya

"You're being too possessive Ken..." Sabi ko

Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko

"Because you're mine... You're my brand" Sabi nya

"Yes I am yours... Wala nang ibang aangkin sakin kundi ikaw lang" Sabi ko

Nagkatitigan kami at ilang sandali lang ay lumapit ang mukha nya sa akin. Nilapit ko rin ang mukha ko at hinalikan namin ang isa't isa...

Nakarinig pa ako ng mga hiyawan ng mga taong nakapalibot sa amin.

A/N: the song title is 'your guardian angel' by red jumpsuit apparatus.... If your feeling down or sad, just listen to this song.. promise makakatulong ito, para kang hinehele kapag napakinggan mo ito☺️

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon