29: Secret investigation

34 1 0
                                    

KEN'S POV

Lunes ngayon ng gabi. Nandito ako sa kwarto ko habang pinapakiramdaman ang mga tao sa labas. Wala na akong naririnig na ingay kaya malamang ay nasa kani-kanilang kwarto na sila.

Dahan dahan akong tumayo sa kama at lumabas. Tama nga ang hinala ko, tahimik na ang lahat at parang tulog na sila sa kani-kanilang kwarto. Madilim na ngayon dahil patay lahat ng ilaw pero nagawa ko pa ring makalabas ng dahan dahan.

It's been a long time simula nung mag-imbestiga kami ni Dein tungkol dito... Ayaw na nyang ituloy ang pag-iimbestiga, matagal na iyon at hindi ko na nga maalala kung ano ang dahilan nya.

Hindi ko na nga rin maalala kung bakit ko tinigil ang imbestigasyon... Siguro dahil nagmahal ako, nabulag sa pag-ibig at naging tanga...

Pero ngayon hindi na ako magbubulag bulagan at magiging tanga... Aalamin ko kung anong binabalak ng black magicians na 'yan... Hindi sila pwedeng magtagumpay... Walang karapatang magtagumpay ang mga taong may masamang balak...

Papunta na ako ngayon sa faculty ng mga military teachers nung may marinig akong dalawang lalaking nag-uusap.

Napatigil ako, naririnig ko yung mga boses sa likod ng mga halaman.... Nagtatago sila, kaya malamang na importante iyon at hindi maaaring malaman ng iba...

Lumapit ako doon sa halamanan para mas marinig ng maayos yung mga nag-uusap

"Nahanap na sya? Salamat naman" boses ng lalaki ang nag sasalita

"Pero, simula nung makabalik sya, nag-iba na sya... Hindi na sya maka-usap... Palagi syang tulala at umiiyak" Sabi nung lalaking kausap nya

"Anong problema?"

Dalawa lang silang nag-uusap base sa boses na naririnig ko

"Kinausap sya nung best friend nya, at ang sabi, ni-rape daw sya... talagang walang puso ang gumawa non sa kanya!"

"N-ni-rape?! At sinong gago–"

"At ang sabi, huwag daw ipagkakalat kung hindi papatayin sya... Kaya sya takot na takot ngayon at nagbabalak syang lumipat ng school"

"Sa totoo lang, hindi lang sya ang babaeng na-kidnap dito sa school. Marami ding iba dyan na ganon din ang problema... Kinidnap din sila at pinagsamantalahan, pero ni-isa sa kanila walang nagsalita... Siguro nga totoong mapapatay sila kapag nagsalita sila"

Hindi ko alam na may ganoon palang nangyayari dito... Maraming babae ang nare-rape pero walang alam ang lahat...

Posible kayang.... May kinalaman dito ang black magicians?

May nakita akong guard na nagf-flashlight kaya agad akong nagtago sa kung saan. Malamang na nagpapatrol yung guard at naghahanap ng mga taong kagaya ko....

"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan?!" Nahuli nung guard yung dalawang lalaking nag-uusap



Nandito na ako sa kwarto ko. Nakabalik na ako ng hindi nahuhuli.

May nasagap na naman akong impormasyon. Posible kayang yung mga black magicians ang may pakana ng kidnapping at pangre-rape?

Kung ganon, yung ang kasamaang ginagawa nila? Nangki-kidnap, nagre-rape, at nang ba-blackmail...

Wala silang puso! Kung sino man ang mga black magicians na 'yan, I'll make sure they'll regret choosing the path they take!

Hindi ko hahayaang dumami pa ang mabiktima nila! Sisimulan ko nang huntingin ang mga gagong kasapi ng black magicians!! Papatatin ko na sila isa isa bago pa nila mapahamak ang iba! Bago pa nila mapahamak si Dein!

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon