47: cold

24 0 0
                                    

KEN'S POV

Gabi na at narito kami sa hide out upang magplano...

Nasa lamesa ang blue print ng Massaki University at nakapalibot kaming lahat dito...

"Sinasabi mo na tuwing 10 ng gabi kung kailan curfew na ay nagsasarado na ang office ng Dean. May dalawang nagbabantay doon at mayroon silang walkie talkie..." Sabi ko kay Noah

"Ibig sabihin lang non... Kapag umatake tayo malamang na hihingi agad sila ng back up" Sabi ni Neil

"Liam.... Ikaw ang kailangan namin dito... I-brainwash mo silang dalawa at Jack... Hawakan mo sila upang mamatay..." Sabi ko

Hindi mahahalata kung pormal silang haharap sa dalawang bantay na iyon...

Agad silang tumango sa akin.

Tinignan ko ko si Noah... "Pagkatapos non ay papasok ka sa office ng Dean at tignan mo kung clear ba bago kami pumasok..." Sabi ko kaya agad syang tumango

"Pagkatapos non papasok na tayo dala ang mga armas natin..." Sabi ko

Pagkatapos ng pagpa-plano namin ay bumaba na kami. Kailangan pa namin ng plan B at marami pang alternative plans kung may pumalpak man...

Pumunta ako sa bench dahil magkikita kami ni Dein...

Agad akong napangiti nung makita syang nakaupo sa bench

"Hey" bati ko at umupo sa tabi nya

Agad na napakunot ang noo ko nung hindi nya ako pansinin.

"May problema ba?" Tanong ko at agad naman syang bumaling sa akin

"May tinatago ka ba sakin?" Tanong nya kaya napatahimik ako

Alam na kaya nya?

"Why? Is there something wrong?" Tanong ko

Napatitig sya sa mata ko kaya agad akong umiwas... Hindi nya pwedeng malaman...

"That's the problem... Bakit hindi ka na tumitingin sa mata ko?" Tanong nya

Shit!

"Aren't you tired? Gusto mo–"

"Huwag mo ngang ibahin ang usapan!" Napataas na ang boses nya kaya kinabahan ako

"Bakit hindi ka umuuwi sa inyo? Ang buong akala ko may date day kayo ng mama mo tuwing linggo" Sabi nya

Pinuntahan nya ba ako sa bahay?

"Tell me... Saan ka pumupunta tuwing sabado't linggo? Sabi mo umuuwi ka pero wala ka naman doon" Sabi nya

Napalunok ako

"Nag s-stay ako rito sa school" Sabi ko

"Bakit? Busy ka ba?" Tanong nya kaya tumango ako

"Sorry na... I didn't mean to lie to you" Sabi ko

"Kung busy ka bakit narito ka pa?" Tanong nya

"Because I want to see you" Sabi ko

"Umalis ka na... Ayokong makaistorbo sayo" Sabi nya

Niyakap ko sya pero kinalas nya lang ang kamay ko

"Kahit sino hindi matutuwang malamang na may nagsisinungaling sa kanya" Sabi nya at naglakad na palayo

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon