56: Reunion

24 0 0
                                    

*8 years later*

DEIN'S POV

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair habang nagtitipa sa harap ng laptop. Sumimsim ako sa kape na nasa tabi ng lamesa. Gabi na ngayon ngunit marami pa akong tinatapos. Mukhang mapupuyat na naman ako.

Bumukas ang pinto at napatingin ako dito. Pumasok ang secretary ko. Naka ponytail sya at may salamin dahil malabo na ang mata nya.

"Ito na po ang sales ng hotel ngayong buwan" Sabi nya at may inilapag na folder sa lamesa ko

"Thank you. You may go" Sabi ko kaya naman umalis na sya

Tumigil muna ako sa pagtipa at nag-unat unat...

"Haay... Ang sakit na ng leeg ko" Sabi ko habang pinapaikot ikot ang ulo upang marelax ang leeg ko

It's been 8 years... At ngayon ay may ari na ako ng isang five star hotel. 5 years na ang hotel na ito at nakakatuwang habang tumatagal ay mas lalo itong tumatatag at lumago, branches are everywhere...

Nandito na ako sa bansa kung saan ako lumaki... Bumalik na ako rito matapos akong makapagtapos ng pag-aaral. Pagbalik ko ay pinatayo ko itong  hotel upang magamit ang kaalaman na pinag-aralan ko. At mabuting nagtagumpay ako sa larangang ito, ang akala ko ay hindi ko kakayanin ngunit nagawa ko, at nagawa ko pang palaguin.

Kinuha ko ang folder kung saan nakatala ang sales ng hotel ngayong buwan. Malaki ang itinaas ng sales, expected ko na ito since summer ngayon kaya marami kaming guests.

May natanggap akong text message kaya binuksan ko iyon.

It's from Kim... It's been 8 years pero yung friendship namin kasing tatag parin ng dati...

Are you free tomorrow? Let's meet... May sasabihin ako sayo

Sabi nya... Ano naman kaya iyon?

I called my secretary and she came in right away...

"I need my schedule for tomorrow" Sabi nya

Dinikta nya sa akin ang schedule ko at nalaman kong libre ako sa hapon....

"Okay thank you" I said, lumabas na sya

Libre ako ng 5 PM... let's meet at a coffee shop...

Kim is now a vet... Kagaya ko, lumipat rin sya ng course... At may sarili syang clinic kung saan ko pinapa-check up si Kacchan, yung aso ko. Si Colleen naman ay interior designer... Lumipat rin sya ng course, bagay naman sa kanya ang napili nya dahil creative sya.

*Kinabukasan*

Natapos na kaming mag-usap ni Kim at nandon din pala si Colleen... Sinabi nya sa akin na magkakaroon daw kami ng reunion at napili nyang idaos iyon sa hotel... Pumayag naman ako, although hindi ko gusto ang isiping magkakaroon kami ng reunion...

Okay lang yan Dein... Malamang naman na hindi sya aattend...

Si Colleen na daw ang bahala sa organizations at syempre si Kim ang emcee. Nakapag plano na sila ni Jin ng mga mangyayari sa event na iyon...

Napangiti na lang ako nung maisip sila... They're engaged now, ang swerte nila sa isa't isa...

At dahil may oras pa naman ako ay pumayag akong makipagkita sa suitor kong si Drake... Narito kami sa isang restaurant at kumakain...

"Gusto mong sumama sa reunion?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami

Okay lang naman daw magsama ng iba...

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon