DEIN'S POV
"Pagod ka na ba?"
Natigilan ako sa sinabi nya... Hindi ako madaling magalit pero napuno ako sa sinabi nya...
Agad ko syang hinarap... "Anong klaseng tanong yan?! Hindi ba dapat inaayos natin 'to imbis na tinatanong mo ako ng ganyan?! Isantabi mo muna ang pagiging childish mo! Kasi kung ganyan ka walang mangyayari!" Sigaw ko
Nanatili syang nakatungo...
"I'm asking you Dein.... Pagod ka na ba?" Kalmado lang ang boses nya
What the fuck is wrong with him?! Bakit nya ba tinatanong sakin yan?!
I gritted my teeth "pagod? Tinatanong mo kung pagod na ako?" Sabi ko
Ikinuyom ko ang kamao sa galit...
"Oo pagod na ako!!! Pagod na akong maghintay sa eksplanasyon mo kung bakit nawawalan ka na ng oras sa akin! Hindi naman tayo ganito dati ah? Kaya alam kong may problema! Pagod na rin akong magtanong dahil kahit anong sabihin ko wala akong nakukuhang sagot mula sayo!!" Sigaw ko
Kumakabog ang dibdib ko sa galit at sakit na nararamdaman...
Natahimik sya... Nanatili akong nakatingin sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko
"Naiintindihan kita.... Alam kong pagod ka na sakin...." Sabi nya
Hindi parin nya ako tinitignan...
"Kaya mas mabuti pang tapusin na natin 'to" Sabi nya na ikinatigil ko
"What?! Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin?! What is wrong with you?! Bakit ba napaka childsih mo ha?! Mahirap bang makipag ayos?! Mahirap bang magsabi ng totoo?!" Sigaw ko
"Nahihirapan ka na.... Kaya dapat na nating itigil ito... Nasasaktan ka na..." Sabi nya
"Ganon na lang yon? Walang explanation, tatapusin mo na lang agad? Yun na lang ba ang solusyon ha?" Tanong ko sa kanya, puno ng sakit ang boses ko
"Hindi ko gustong nasasaktan ka... Alam kong nahihirapan ka na kaya itigil na natin 'to..." Sabi nya
"Hindi mo gusto, o sadyang ayaw mo na? Tell me... May iba ka na ba? Kaya ba nagbago ka na ha?" Tanong ko sa kanya
Hindi sya nagsalita kaya napatawa ako ng mapait...
"Kung ganon totoo nga? May iba ka na?" Sabi ko
Hindi parin sya nagsasalita kaya nawalan na ako ng pasensya..
Kung gusto nyang tapusin... Edi tapusin natin...
"Kung yan ang gusto mo... Edi tapusin natin... Kapag nakalabas na ako rito... Tapos na rin ang relasyon natin.." Sabi ko
I tried to save this... Pero kung ayaw nya wala akong magagawa...
Tumalikod na ako sa kanya.... Huminga ako ng malalim at nagsimula nang humakbang palapit sa pinto...
Kapag lumabas na ako sa pintong iyan... Tapos na kami...
Isa isang tumutulo ang luha ko habang humahakbang ako palapit sa pinto...
![](https://img.wattpad.com/cover/208954811-288-k655252.jpg)
BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
Randomang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...