21: forget the memories, forget the person

42 1 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito ako sa school ngayon. Nagdidiscuss si sir sa unahan...

Tapos na ang suspension ni Ivan at ni..... Ken...

Matagal tagal na rin simula nung magpasya kaming hindi na magpansinan ni Ken... Medyo mahirap kasi kailangan ko nang umiwas sa kanya.

Miyerkules na ngayon at bukas ay exam na... Ang bilis ng panahon...

"Class dismiss" sabi ni sir kaya inayos ko na ang gamit ko

Break na namin ngayon.

"Bilisan mo Dein. May pag-uusapan tayo" Sabi ni Kim sa akin.

Saglit akong natigilan pero alam ko na kung tungkol saan iyon..

Nandito na kami sa cafeteria. Hindi ko na kailangang magtago sa staffs kasi limot na nila yung nangyaring gulo. Ako nga nilimot ko na, sila pa kaya?

"Pansin ko lang, bakit hindi na kayo nagpapansinan ni Ken? Huwag mong sabihing break na kayo!" Sabi ni Kim

Pinanlakihan ko sya ng mata kasi baka may makarinig sa kanya...

"Break na ba kayo Dein?" Tanong ni Colleen

Napabuntong hininga ako, ang kulit nila... Sabing hindi nga naging kami eh... Pero alam kong kahit anong explain ko papaniwalaan parin nila ang sarili nila ..

"Parang ganon na nga..." Sabi ko na lang


Ibang subject na kami ngayon at nagtuturo na ang babae sa unahan namin... Medyo bata pa sya, maitim ang buhok at mahaba... Masungit at hindi sya mabibiro...

"Yung apat na leaders sumunod kayo sakin. Class dismiss" Sabi nya

Nagulat ako, bakit naman kaya?

Leader kasi ako... At... Leader din si Ken... Paano na? Kailangan na naman naming tiisin yung atmosphere...

Tumayo na ako at sinundan ko na si ma'am. Hindi ko na hinintay ang iba.

Nandito na kaming apat sa faculty kasama si ma'am.

Si Jin, si Ivan, ako at si Ken ang mga leaders ng subject ni ma'am.

Si Ivan ang katabi ko at si Jin kaya medyo komportable na ako.

Lumingon ako sa pwesto ni Jin at– ay pusang gala!!!!

Shit! Bakit si Ken 'to?! Si Jin ang katabi ko kanina ah... Shit naman oh, shit, talaga shit!!!

Okay Dein, inhale.... Exhale....

"That's all you may go" Sabi ni ma'am kaya nataranta ako...

Hala! Hindi ko narinig yung sinabi ni ma'am!!!

Nagsi-alisan na silang tatlo at ako ang nahuli. Sumunod na lang ako sa kanila kasi baka mapagalitan pa ako ni ma'am kung itatanong ko sa kanya ulit yung sinabi nya..

"Ahh... Ivan" tawag ko kay Ivan.

Sabay silang naglalakad ni Jin at nasa unahan naman si Ken... Tumigil si Ivan at pinauna na nya si Jin. Tinignan ko si Ken at nakita kong hindi man lang nya ako nilingon...

I wonder kung nahihirapan din ba sya katulad ko...

"What is it?" Tanong ni Ivan

Napakamot ako sa ulo ko

"Ahh.... Ano nga ba ulit yung sinabi ni ma'am kanina?" Tanong ko

Napatawa sya

"Seryoso? Apat lang tayo doon pero hindi mo narinig?" Natatawang tanong nya

Napangiwi na lang ako

"Okay.... Sabi ni ma'am i-ready na daw natin yung mga records natin including yung records ng mga members natin... Kaya niya tayo pinasunod para hindi marinig ng members natin at hindi nila tayo mauto na taasan yung record nila if ever" Sabi niya kaya napatango ako

"Yun lang pala" natatawang kong sabi

"Uh, by the way.... Malapit na pala ang exam... Pwede bang ituro mo sakin yung mga lessons nung wala ako?" Sabi nya

Ah.... Yung nasuspend sila....

"Sure" Sabi ko kaya napangiti sya

Sabay na kaming naglakad...

Naalala ko yung pinayungan nya ako nung basang basa na ako sa ulan.

Nalaman kong malapit lang pala roon ang bahay nya kaya madali nya akong nakita. Tapos, tinanong nya kung anong nangyari... Ang sabi ko na lang, hindi ako okay tapos hindi na sya nagtanong pa, pinapasok nya ako sa bahay nila at pinagpalit ng damit. Nalaman kong may ate pala sya at pinahiram pa ako nito ng damit. Mabait ang pamilya ni Ivan at welcome na welcome ako sa kanila, pinakain pa nila ako ng merienda kaya nakapag-usap kami ni Ivan at sinabi nyang nandito lang sya at matatakbuhan ko sya kapag may problema ako.

Nandito kami sa Sala at tinuturo ko kay Ivan lahat ng lessons. May batayan naman ako sa pagtuturo sa kanya dahil palagi akong may lecture.

Habang tinuturuan sya ay naalala ko si Ken... Suspended din sya at malamang hindi nya rin alam yung previous lessons, kaya baka bumaba ang scrore nya sa exam... Hindi naman sya makakapagpaturo sa iba dahil sigurado akong hihindian sya ng mga ito... Sa ugali ba naman nya, yung ibang boys naman, umaasa lang sa swerte nila at hindi rin pinagbubutihan ang pag-aaral... May 'stock knowledge' naman daw sila...

Binilisan ko ang pagtuturo kay Ivan. Fast learner naman sya eh... Kaya hindi ako nahirapan sa pagtuturo, binigyan ko na rin sya ng copy ng lecture ko. Nagpa-photo copy kasi kami kanina.. kaming dalawa na lang ang nandito sa sala dahil gabi na rin.

Pagkatapos ko syang turuan ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung isa pang copy ng lecture ko. Sinilip ko si Ivan at sinigurong nasa kwarto na nya sya bago ako lumabas. Dahan dahan ang yapak ko hanggang sa nasa tapat na ako ng kwarto ni Ken.

Ano man ang sabihin nya wala na akong pakialam... ang gusto ko lang ay makapasa ang lahat, yun lang...

Inilusot ko na ang copy ng lecture ko sa ilalim ng pinto ni Ken. Alam kong matalino sya, kaya mapa-pag aralan nya yan mag-isa...

Sana lang huwag syang magalit... After all, wala naman syang clue na ako ang nagbigay nito sa kanya... Kaya wala na akong dapat ikabahala...

Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko at dahan dahang sinara ang pinto ko... Sumandal ako sa pinto at huminga ng malalim...

Kahit anong pilit ko talagang hindi ko sya makalimutan... Syempre paano ako makakalimot kung araw araw kong nakikita ang pagmumukha nya? At kung yung puso ko patuloy na nag-aalala para sa kanya....

Haaaayyy!!! Bahala na... I'll just go with the flow...

KEN'S POV

Gabing Gabi na pero hindi parin ako makatulog. Inaalala ko yung exam bukas...

Tapos, si Dein... Kahit anong gawin ko hindi ko magawang dedmahin sya...

Ang hirap palang kalimutan na lang bigla yung tao lalo na kung yung taong iyon ay nagkaroon na ng espasyo sa puso mo...

Napatingin ako sa pinto nung makitang may lumusot na papel doon... Agad akong bumangon sa kama ko at kinuha yung papel. Nakita kong copy ito ng lecture, yung mga lessons na hindi ko napag-aralan...

Binuksan ko yung pinto at tinignan ang posibleng nagbigay nito sa akin pero wala akong nakitang tao... Napatingin ako sa kwarto ni Dein ng ilang segundo at nakita kong biglang namatay ang ilaw nya na kanina lamang ay nakabukas... Kung ganon gising pa sya at matutulog pa lang...

Posible kayang sya ang nagbigay nito?

Napatingin ako sa papel na hawak ko....

'whoever you are, I thank you for this'

Pumasok na ako sa kwarto ko at binuksan ang ilaw at nagsimulang pag-aralan ang lecture na nasa akin ngayon...

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon