DEIN'S POV
Nandito kami ni Ken sa bench namin... Nag-uusap lang kami dito, malayo pa naman ang curfew... Dalawang oras pa kaya nagpasya kaming magkita rito.
Nakita na nga pala ang President naming si Gedy. Pagkatapos ng klase namin kanina ay nakita namin syang naroon lang sa dorm, ngunit hindi mabuti ang lagay nya... Takot na takot sya at nagkukulong lang sya sa kwarto... Ang sabi nung kaibigan nyang si Joanna ay iyak lang ito ng iyak, buong araw syang naroon at ang sabi pa ay ayaw na raw nitong manatili rito, gusto na nyang umalis at lumipat ng school.
"Ken... Yung babaeng sinasabi ko sayo kanina, yung president namin... Nakita na sya" Sabi ko na agad na nagpalingon kay Ken
"Anong lagay nya?" Tanong nya
"Hindi mabuti... Takot sya at gusto na nyang umalis rito... Nagtataka ako Ken, diba wala na ang black magicians? Pero bakit may ganon paring nangyayari dito?" Tanong ko
Bakit may gulo parin? Bakit may kakaiba parin? Bakit may biktima parin? Nawala nga ba talaga ang black magicians? Ang sabi nila ay hindi sila ang gumawa noon, pero sino pa ba ang posibleng gumawa non?
"Hindi ko rin alam... Basta, ipangako mo sa akin na palagi kang mag-iingat.... Huwag kang lalabas ng gabi kung wala kang kasama... Sumunod ka sa curfew at palagi mong tignan sa mata yung mga makakasalubong mo para malaman mo kung sino ang kahina hinala" seryosong sabi nya kaya napangiti ako
"Oo..." Sabi ko
Salamat sa pag-aalala... Ramdam na ramdam kong mahal mo talaga ako...
"Tara na... Ihahatid na kita" Sabi nya at tumayo na
Napatitig ako sa kanya, pero ayoko pa... Gusto ko pa syang makasama...
"Idiot brat come on... Magpahinga ka na" agad na tumalim ang tingin ko sa kanya
Tumayo na ako "okay, immature brat" Sabi ko at nauna nang maglakad
KEN'S POV
Nandito na kami sa hide out namin.
"We better hurry, may isa't kalahating oras na lang tayo bago mag curfew" Sabi ni Gio, biology ang course nya, in short... Future doctor sya..
Kailangan namin sya sa grupo dahil ang magic nya ay healing... Parang si mom. Kailangan namin ng gagaling sa amin kapag nasa kaguluhan na kami...
Sya lang ang bukod tanging matino sa grupo. Kung lahat ng narito sa grupo ay basagulero at handa sa gulo, sya hindi... Sumali lang sya sa isiping maaaring may masaktan sa amin, nag-aalala sya dahil nga isa syang future doctor, ayaw nya nung may nasasaktan. Kaya sumali sya upang mapagaling kami kung sakaling masaktan kami sa laban.
"Who fucking cares? Wala akong pakialam sa curfew, kanya kanyang diskarte na lang ito kung paano makakauwi" Sabi ko
Napatungo naman sya at nagtawanan ang narito. Kung curious kayo sa appearance nya, well, maputi sya, matangos ang ilong at mapula ang labi, natural. Ang istilo ng buhok nya ay may bangs na hanggang kilay, oo... Parang sa mga koreano. Gwapo sya, mabait at selfless.... Madalas syang nasasabihang talunan at bakla pero ang totoo ay mabait lang talaga sya kaya hindi sya gumaganti sa mga nambu-bully sa kanya... May tagapag tanggol naman sya at yun ay ang best friend nya na babae... Pam, a girl that you can't mess with...
Sa katunayan sya ang inimbitahan kong sumali sa amin, ngunit si Gio ang nakatanggap ng sulat kaya naman sya ang sumali... At hindi alam ni Pam ang tungkol dito...
BINABASA MO ANG
Massaki University Series#1: school for magic
Randomang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa hinaharap. ngunit, sa kabila ng maaliwalas na paligid nito, ay may isang madilim na sikreto ang natat...