20:

86 2 0
                                    


Si Nathan Silver nga po pala yung picture...

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Tsk!

Ano nang gagawin ko?

Alam na nang nicolelinta na yun ang totoo...

Pano na si babe ko?

Anong gagawin k-------

"Aray!" Biglang may bumatok sakin....

"Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman umiimik" pagtatampong sabi ni babe ko...

"Ha!? Ano ba yung sinasabi mo?" Tanong ko sakanya..

Eh sa hindi ko narinig....

"Kita mo na! Hindi ka naman nakikinig eh!" Aalis na sana sya pero pinigilan ko.....

"Ito naman tampururut agad" paglalambing ko sakanya...

Mahirap na baka magalit nanaman sakin... "ano nga yung sinasabi mo sakin kanina?" Tanong ko pa ulit....

"Sabi ko were gonna sing All of me later when we are having our talent portion"

Tignan mo ito..... biglang nagenglish....

Babatiin ko na sana yung pageenglish nya pero bigla kong naisip yung sinabi ni nicolelinta kanina....

"Uhmmm..... babe may tanong ako..."

"What is it?" Tanong nya sakin habang kumakain ng chichirya....

"Pano pagnalaman ng daddy at kuya mo yung totoo? Anong gagawin mo?" Nakita kong napahinto sya sa pagkain at tumitig sakin....

"Bakit mo naman naitanong yan?"

"Ah wala! masama bang tanungin?"

"Hindi, nakakapagtaka lang, bigla bigla ka kasing nagtatanong ng ganyan.." sabi nya at kain ulit....

"Ah hehehe naitanong ko lang, so ano? Pano?" Tanong ko ulit...

Gusto ko talagang malaman kung anong mararamdaman nya kung malaman ng daddy nya at kuya nya yung totoo....

Pano kung ayokong pakawalan sya? Tapos sabihin naman nung nicolelinta na yun sa daddy at kuya nya yung totoo tapos itakwil sya, edi kawawa naman ang babe ko....

Ayoko naman ng ganun...

"Edi wala" simple lang na sagot nya...

"Anong wala? Pwede ba yun?"

"Oo pwede, kasi uunahan ko na sila, bago pa nila malaman sinabi ko na sakanila" seryoso pang sabi nya...

"Ha! Eh diba sabi mo magagalit sila pagnalaman nila?"

"Oo nga, pero kapag siguro ako ang nagsabi sakanila ng totoo, maiintindihan nila yun, pero kapag sa iba nila nalaman, sigurado itatakwil na nila ako...."

Ayan na nga bang sinasabi ko eh.....

Yang pagtatakwil na yan eh..

"Kelan mo naman sasabihin sa kanila?"

"I think pagkatapos ng pageant or maybe next week..."

Naku! Hindi pwede! Pano kung maisipan ng nicolelinta na yun na sabihin sa daddy nya ngayon?

Kailangan kong gumawa ng paraan....

Ayokong itakwil ng pamilya nya si babe ko....

Buo na ang desisyon ko.....

Gaythrob???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon