32: Never

86 0 0
                                    

Naglakad lang kami sa buhangin....

Ang ganda ng dagat.....

Buti pa ang dagat, walang hanggan,

Yung pagmamahalan kaya namin ni babe ko?

Walang hanggan din?

"Hey anong iniisip mo?" Tinapik ako ni babe ko....

Magkatabi kasi kami ngayon sa paglalakad...

Pero hindi magkahawak kamay...

Kainiz.....

"Kung anong pag uusapan natin." Honest pa na sagot ko sa kanya....

Napangisi sya sa narinig. "Pwede wag mo muna isipin yun? Iappreciate mo muna yung view" nakangiti pang sabi nya...

"Ano ka ba kanina ko pa nga naappreciate itong view, ang ganda kaya...." sabi ko naman sabay tingin sa dagat....

Kahit mainit na dahil tanghaling tapat ngayon ok lang, kasi may sumbrelo naman kami ni babe ko, and nag sunblock din kami, hindi kami mangingitim....

"Oo nga ang ganda"

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sakin?

Hindi sa dagat ha!

Sakin!

So ibig sabihin?

Ako yung maganda?

'Ayan ka nanaman xyriel, nagiging assuming ka nanaman'

Biglang may bumulong sa isip ko....

Hindi naman eh....

Naisip ko lang....

Tumigil sya sa isang bahay na hindi ganun kalaki at hindi rin ganun kaliit, katamtam lang....

Bigla nya akong hinila papasok nito...

Teka?

Ano gagawin namin dito?

Nang kami lang dalawa?

Pagpasok namin sa pinto nito napagkaalaman ko na isang kwarto ito....

Pero wala itong kama...

Ang marami dito painting.....

Painting ng mga iba't ibang lalaki?

Ang gaganda nito....

Halatang professional yung nagpainting nito....

Pero ang pumukaw ng aking mga mata ay ang napakagandang painting ng isang lalaking kilalang kilala ko.....

Nilapitan ko iyon....

At alam kong sumunod sya sakin...

"Tama ang nakikita mo." Sabi nya...

"Bakit sya may painting dito?" Sabi ko nang nakatingin pa rin sa painting...

"Actually ako yung nagpainting nang lahat ng ito, pati yan"

Sabay turo nya sa painting sa harap ko...

"Ang galing mo pa lang magpainting noh? Hehe" sabi ko ng maluha luha na yung mata. "Kuhang kuha mo yung mukha ni kuya, buti pa si kuya napaint mo bago kayo nagkalayo, ako kaya? Kelan mo kaya ako mapapaint? Paglumayo na rin ako?" dagdag ko pa nang umiiyak na....

"Shhhh..." yumakap sya sa likod ko. "Hindi ko ito pinapakita sayo para pasamain yung loob mo." Sabi nya at humigpit yung yakap nya sakin. "Pinapakita ko sayo ito para malaman mo na ang totoo, ayoko na kasi nang naglilihim sayo, ayoko na ulit mangyari yung ginawa sayo ni mommy, kaya ngayon sasabihin ko na sayo ang dapat na dati ko pa sinabi."

Nanatili kaming nakatayo at nakayakap pa rin sya sakin sa likod...

Ito na...

Ito na ang pinakaiintay ko....

Aaminin na nya sakin....

Hinila nya muna ako sa pinaka malapit na upuan at dun ay pinaupo nya ako at umupo naman sya sa tapat ko....

Hinawakan nya yung kamay kong nakapatong sa mesa...

"Bata pa lang ako, bakla na talaga ako. Ayaw na ayaw nina mama lalo na si papa ang mga bakla, kaya hindi ko ito sinabi sakanila. Nagteenager na ako at ganun pa rin ang nagiging sistema ko. Pagmalayo ako sa mga magulang ko, isa akong bakla, at kapag malapit lalaki ako katulad nang gusto nila.."

Kawawa naman pala ang babe ko...

Nagpapanggap sya sa sarili nyang mga magulang...

Bakit kaya ganun?

Yung ibang mga magulang ang aarte pagdating sa mga anak. Gusto nila ganyan, gusto nila ganito. Gusto nila perfect ka. Ang hirap ng ganyang mga magulang, buti na lang ako, maswerte ako sa mga magulang ko, mababait.

"May nakilala akong lalaki isang gabi sa bar. Yung kuya mo. Mabait sya sakin. Tanggap nya ako. Naging kami. Nagdadate kami sa malayo. Kapag nanghihingi sya ng pera binibigyan ko sya. Sabi nya kasi para yun sa kapatid nyang may sakit. Napakilala ko sya kina mama bilang isang kaibigan. Nalaman ni mama ang totoo. Nagalit sya. Itinaboy nya ako. Sabi nya wala syang anak na bakla. Lumayo ako. Sa paglayo ko dun ko nalaman na pinerahan lang ako ng kuya mo" dagdag nya pa....

Nagsimulang may tumulo sa mata nya...

"Ang sakit...... ang sakit sakit........" lalong lumakas yung iyak nya...

Naiiyak na rin ako....

Hinimas ko yung kamay nyang nakahawak sa isa kong kamay....

"Akala ko, akala ko tanggap nya ako... yun pala isa lang din sya sa mga taong hindi ako pinagkakatiwalaan. Bumalik ako samin at dun ko napag alamang hindi pala sinabi ni mama kay papa ang totoo. Kaya lahat ng gusto ni mama ginagawa ko na. Pero nang nakilala kita. Sinuway ko nanaman sya."

Umiiyak pa rin kaming dalawa...

Nagpatuloy sya sa pagkukwento. "Nung umpisa pa lang alam ko na. Alam ko na, na kapatid ka nya. Sa mata, sa bibig, at sa apelyido. Nung una nagalit ako. Bakit ka nandito? Gagamitin ka ba nya para makapaghuthut nanaman sakin ng pera? Hindi ko alam eh.. nung sinabi ko sayong bakla ako, sabi mo wala kang pakialam... dun ko naisip nanaman na sabi lang yung ng kuya mo na sabihin sakin. Ayokong maniwala sayo. Pero wala eh, shit! Naniwala nanaman ako! Nung sinabi mong gagawin mo akong lalaki, dun ko napatunayan na magkaiba kayo."

Humarap sya sakin at hinawakan yung pisngi ko...

"Wag mong isipin na dahil magkapatid kayo, ginusto kita. Wag mo ding isiping naghihiganti ako sa pamamagitan mo, dahil hindi ko yun kaya. Hindi ko yun kaya dahil, mahal kita. Mahal na mahal kita ok? I love you and hindi ko kayang mawala ka sakin" sabi nya at pinagdikit yung noo namin.... "kaya don't you dare. Don't you dare na umalis sa tabi ko dahil, kahit saan ka pa pumunta hahanapin at hahanapin pa rin kita."

Hindi pa rin ako makapag salita hanggang ngayon....

"Hey, say something. Please say something" sabi nyang nagmamakaawa....

Tumingin ako sa mga mata nya at sinabi ang mga salitang nagpangiti sa kanya...

"I love you too and i will never leave you. Never."

#cuttiekey

Gaythrob???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon