10: To Know If Your Inlove Test

130 3 0
                                    

Si Nicole Montenegro po pala yung picture, yung kapatid po ni xyriel...

~•~•~•~•~•~•~•

teh! magkwento ka naman!"

tignan mo itong si max, magang maga nagpapakwento na.

at take note, nasa bahay pa ako.

"pumunta ka pa talaga dito para lang magpakwento, parang di tayo magkikita mamaya ah"

"malay mo iexcuse ka nanaman ni sir, edi di ka nanaman nakapagkwento sakin.." pagmamaktol sakin.

dalawang araw na kasi ang nakakalipas nung naging candidate ako and sa dalawang araw na yun lagi akong ineexcuse ni sir para sa practice...

ok lang naman sakin.....

pabor pa nga sakin yun eh....

kasi lagi kong kasama si 'babe ko'.....

yes! tama kayo ng basa! 'babe ko' na nga ang tawag ko sakanya, para kapag may mga haliparot na babaeng lalandi sa kanya aatras agad ito at di na susubok pa..

"ok nga yun, para maisagawa ko na ang aking tungkulin"

"anong tungkulin?"

"ito naman parang di kita kasama nung mga panahong yon, yung 'turning the gaythrob into a hearthrob' makakalimutin ka na best."

paliwanag ko.

"ay oo nga......... wait lang!....... ibig sabihin ipagpapalit mo na ako sa baklang yun!?"

"hindi naman best grabe ka, ikaw lang naman ang bestfriend ko."

pambawe ko.

"and sya lang ang boyfriend mo?" asar nya sakin.

"baliw! di naman totoo yun eh"

"teka bakit parang nanghihinayang ka? sabihin mo......... nagkakagusto ka na sakanya?"

"ito, late reaction ka talaga... gusto ko naman talaga sya, simula pa nung nasa mall tayo, kaya nga ako nagkaroon ng 'turning the gaythrob into a hearthrob' chu chu eh."

"no, i mean is, what you called love, love mo na ba sya?"

"mga katanungan mo best ah, baka malate tayo nito"

"hindi yan kaya nga inagahan ko dito sa inyo para mahaba haba ang pagkekwentuhan natin, so ano na? is it a love?"

"hindi, ewan ko, maaga pa para masabi yun basta ang alam ko gusto ko sya tapos"

"ganun? walang spark?"

"anong spark ka dyan, ano yan paputok?"

"baliw!, yung spark, yung mararamdaman mo kapag lumapit yung mga mukha nyo, tapos kapag nagkiss kayo sa lips, nag hug kayo, and nagholding hands kayo, ganun!, wala ba?"

"uhm.......... ewan ko"

"aish! sige ganito tatanungin kita, oo o hindi lang ang sagot."

"wow ano yan? test?"

"yah! these is what you called 'to know if your inlove test'."

"ang haba naman ng title ng test na yan"

sabi ko habang nag aayos ng sarili sa harap ng salamin.

"game, first question, lumapit na ba ang mga mukha nyo sa isa't isa?"

napaisip ako dun, uhm..... naglapit na, dalawang beses o tatlo?

"oo"

"nakaramdam ka ba ng pagbilis ng iyong puso?"

Gaythrob???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon