22: Ikaw

102 2 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng building namin...

Nagiisip kung pano ko ba susulusyunan ang panibagong problema sa buhay ko...

Pano kung sinabi talaga ni jam yun?

Malaman ni babe ko...

'Ayaw mo nun? Malalaman nya yung tunay na nangyari, na hindi mo ginusto yun' salita nang konsensya ko...

Akalain mo yun?

May konsensya pala ako? Hehehe....

'Oo and yan ang trabaho ko, konsensyahin ka...'

Kung ganun, anong gagawin ko konsensya?

'Gawin mo ang tama'

Eh ano nga ang tama? Sa dinami dami na nangyari sakin, di ko na alam kung ano ba ang tama at ano ang mali....

'Madali, sundin mo lang ang puso mo'

Ano ba ang sinsabi ng puso ko?

*BOOGSHHHH*

Aray!

Haishhh ano ba ito!?

'Ayan di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo'

Heh! Tumigil ka nga muna konsensya...

"Sorry" sabi ko lang nang hindi tumitingin sa nabangga ko..

Ayoko ngang tumingin, baka mamaya monster pala ito....

Ano kaya teacher, mapagalitan pa ako...

Paalis na sana ako nang makarinig ako nang isang malamig na boses.......

"We need to talk"

Alam ko yung boses na yun....

Yan yung boses na sobra sobra ko nang miss...

Boses nang isang gwapo...

Isang gwapong iniwan ko....

Ayokong lumingon...

Ayoko syang makita dahil babalik nanaman sakin yung kagagahang ginawa ko sakanya...

"Nga...yon na ba? Pwe...de ma..ma...ya na?" Nauutal na sabi ko...

Aabante na sana ako nang magsalita ulit sya na nagpatigil sa paglakad ko at sa pagtibok nang puso ko....

"Come back to me........ babe"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya...

Lumingon ako sa kanya...

"Ano?" Tanong ko...

Baka kasi mali lang ako nang pagkakarinig...

"Come back to me babe" sabi nya ulit nang nakatingin nang napakalalim sa mata ko....

"Hahaha! Baliw ka ba? Matapos nang ginawa ko sayo may balak ka pa ring pabalikin ako sayo?"

"Yes" simple pero tagos sa pusong sabi nya....

Lumapit sya sakin...

At habang lumalapit sya sakin....

Lalong bumibilis yung tibok nang puso ko...

"Alam ko na lahat, sinabi sakin ni jamy, my cousin"

So sinabi talaga ni jam sa pinsan nya....

"Naniwala ka naman?"

"Oo, bakit naman hindi?"

"Kasi malay mo nagbibiro lang yun sayo, malay mo nagbibiro lang ako nung sinabi ko yun sa kanya"

"Nagbibiro?........ nang umiiyak? Ano ka baliw?"

"Oo nagprapractice kasi ako nun....... ano.....para sa ano........sa...... acting!......tama sa acting! Sasali kasi ako sa audition para sa role ni sisa..."

What da?

'Saan naman galing yun aber?' Sabi nang konsensya ko...

Hayaan mo na, malay mo makalusot...

'Eh kung sabihin mo na lang sa kanya yung totoo?'

Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap...

"I don't care if that's only a joke for you, pero para sakin totoo yun, umaasa pa rin ako na hindi mo magagawa sakin yun nang walang dahilan..."

Umiyak na ako dahil sa sinabi nya...

"Pano mo nasasabi yan? Nasaktan kita diba? Dapat galit sakin, dapat ayaw mo na akong makita, kasi yung iba------"

"Yung iba yun ok? Ako, nung una aaminin ko galit ako, iniisip ko kung bakit mo ginawa yun sakin, kung may nagawa ba akong mali? Pero nung sinabi lahat sakin ni jamy yun, nawala lahat nang galit ko sayo"

Lalo nyang hinigpitan yung yakap nya sakin....

"Nung time na yun, wala na akong pakialam kung pano nya nalaman yun basta ang alam ko gustong gusto na kita makita.."

"Pano si nicole? Pano kung sabihin nya?" Nagaalala kong sabi...

Syempre, kung alam na nya, alam na rin nung nicolelinta na yun...

"Wag ka nang magalala... wala na syang masasabi sa family ko"

"Bakit?"

"Kasi ako na mismo ang nagsabi sa kanila na bakla ako"

O.O

Sinabi na nya?

"Eh!? Anong sabi?"

"Wala, tanggap nila ako" masaya nang sabi nya...

Ang gandang makita na ngumiti ulit sya saki nang ganyan....

"Talaga? Ano bang sabi mo?"

"Sabi ko 'Dad, kuya, wag po sana kayong magagalit sa sasabihin ko, pero po bakla po ako' tapos yun syempre nagulat"

"Tapos?"

"Tapos sinabi ko na 'pero ngayon hindi na'"

"Ha? Hindi ko gets"

"Sabi ko 'pero ngayon hindi na dahil may babae nang nagpabago sakin at sya ang nagpapatibok ng puso ko...'"

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya...

Ako kaya yun?

O ibang babae?

"S..sino?" Kinakabahang tanong ko...

Xyriel! Wag ka nga kabahan!

Para kang baliw!

"Hindi mo pa kilala?" Nangingiting sabi nito...

Tsk! Inaasar pa ako eh!

Gustong gusto ko na nga malaman eh!

"Tatanungin ko ba, kung kilala ko?" Asar na banggit ko...

"Malay ko ba?"

"Bahala ka nga dyan!"

Inis!

Tumalikod na ulit ako sa kanya at paalis na sana nang magsalita sya.....

"Ikaw"

#cuttiekey

Gaythrob???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon