"Huy!" Nagulat ako ng biglang may kumalabit sakin sa gilid....
Si jamille pala...
Nakita ko lang sya kanina dito...
Buti nga yun eh para may makausap na ako dito, kanina pa kasi ako walang makausap dito...
Si joan?
Yun hanggang simula lang pala...
Ngayon, ayun umalis, iniwan na ako na nagiisa kanina dito....
Si babe ko?
Ayun, hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon, magsisimula na't lahat yung kasal wala pa sya dito......
nasan na kaya yun?
"Kanina pa ako salita ng salita dito, parang wala ka sa sarili mo" pagtatampo pang sabi ni jamille....
"Sorry, nagaalala lang ako kay babe ko" pag aalala ko...
"Nag aalala? Diba ikaw na ang nagsabi na tinawag sya ni tita"
Tumango lang ako...
"Oh yun naman pala eh, bakit nag aalala? Hindi naman mawawala yun dito dahil kabisado na nya itong lugar na ito dahil dito kami laging naglalaro dati at dito kami laging nagbabakasyon na magpipinsan"
"Hindi naman sa ganun, pano kung hindi pala ako nagustuhan ng mommy nya, pano kung sinabi nya kay babe ko na layuan nya na ako, na makipag break na sya sakin, pano kung sinunod yun ni babe ko? Pano kung-----"
"Hep hep!" Pigil ni jam sakin gamit ang pagtakip sa bibig ko gamit ang kamay nya.... "timepers pwede? Puro ka 'pano kung ganun, pano kung ganito' hindi pwedeng magtiwala ka kay kuya ced? Mahal ka nun, and hindi nya basta basta sinusuko ang taong mahal nya, parang dati........ ooopppppsssss!"
Nagulat ako sa huli nyang sinabi....
Dati?
"Anong dati? Anong ibig mong sabihin dun?" Naguguluhang tanong ko pa dito....
"Ahhh ano kasi........ wala" sabi nito sabay iwas ng tingin sakin....
"Ano nga------"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi may humawak bigla sa balikat ko....
Pagtingala ko......
Si babe ko.....
"Hi! Sorry ngayon lang ako" nakangiting sabi nya sakin....
Narinig kong nakahinga na ng maluwag si jamille....
Sige mamaya ka na, ang importante nandito na si babe ko....
Mukhang wala namang nagbago kay babe ko....
Siguro nga napraning lang ako masyado...
"Hindi ok lang, upo ka na, mukhang napagod ka, ano bang pinagusapan nyo?" Pag uusisa ko....
"Ahh wala tungkol sa business"
"Business? May business kayo?" Takang tanong ko...
Ngayon ko lang kasi nalamang may business pala sila...
"Yup." Maikling sagot nya....
"Ano?"
"Clothing line"
"Ahh, ahm, may problema ba tayo?" Bigla ko na lang naitanong...
Pano kasi iba talaga sya eh....
Ang tipid nya sumagot tapos hindi sya makatingin sakin ng deretso.....
"Ha? Wala" sabi lang nya nang hindi pa rin tumitingin sakin..
"Eh bakit ganyan ka sakin? Hindi ka makatingin sakin ng deretso." Deretso nang sabi ko sakanya...
BINABASA MO ANG
Gaythrob???
RomancePano kung ang kaisa isang lalaking nakita mo na gwapo ay isa palang bakla....... tinawag mo pa syang gaythrob... ngayon pano mo magagawang hearthrob ang isang gaythrob???......... Tunghayan ang kwento nina Xyriel Andrei and Prince Cedrick.... kung p...