13: Jealous

129 3 0
                                    

Andito na kami ngayon sa room na sinasabi ni peter. Nakaayos na lahat ng mga kailangan.

Yung mga upuan, camera, yung mga lights at iba pa.

"Punta na kayo dun sa dressing room tutulungan kayong magbihis ng mga pinsan ko dun." Sabi ni peter..... teka? Pinsan?

"Pinsan? Bakit nandito mga pinsan mo?" Tanong ni babe ko.

"Di mo ba narinig? Kakasabi ko lang ah, sabi ko tutulungan kayo magbihis." Ulit ni peter na halatang naiinis na.

Kung sabagay late na nga kami tapos ang dami nya pang ginagawa, ang kulit pa ni babe ko.

"Nan--" di ko na pinatapos si babe ko sa pagsasalita. Baka kasi magalit na si peter eh.

"Ah ok peter magbibihis lang kami" sabay hila kay babe ko papuntang dressing room na sinabi ni peter.

"Hey! Ano ba may sasabihin pa ako!" Sigaw ni babe ko sakin

"Wag ka na ngang makulit! Hindi mo ba nakita na naiinis na si peter sa pag tanong tanong mo!? Andami na nga nyang ginagawa ang kulit mo pa"

"Hindi mo kasi naiintindihan" sabi nya ng medyo kalmado na.

Nandito na kami sa harap ng dressing room.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng pigilan ako ni babe ko.

"Teka bakit ba ha?" Tanong ko.

Para kasi syang tense na tense eh.

"Kasi... yung nasa loob"

"Anong meron sa loob?"

Ano kayang meron sa loob? Moomoo? Maligno? Engkanto? Halimaw? O baka alien?

"Si---" hindi na nya natapos yung sasabihin nya ng biglang bumukas yung pinto ng dressing room at niluwa nito ang napakagandang babae, sexy, maputi, matangkad, mahaba ang buhok na may pagkabrown, and makinis.

Nahiya naman daw ako bigla.

Bakit may dyosa sa loob nito?

Teka di kaya....?

"Ced! I miss you very much!" Sabay yakap kay babe ko.

Wait! That's mine! Wag mong mayakap yakap yan!

"Ah.. eh.... hehe.... hi nicole" sabi ni babe ko na halatang napipilitan lang.

"Wait, why are you so nude to me? Didn't you miss me?" Maarteng sambit nito.

Pigilan nyo ko masasabunutan ko to.

"Ahhh hehehehe" yan lang ang naisagot ni babe ko sakanya.

Hah! Halata namang di sya gusto ng babe ko....

"Uhmm excuse me but babe?" Maarte ko ring sabi sabay sabit ng kamay sa balikat ni babe ko.

"Who is she?" Sabay tingin sa dyosang ito mula ulo hanggang paa.

Maganda talaga sya.

Nakakainggit.....

Nakakabwisit din....

"Wait! Babe!?" Aba't talagang nakakagigil na ha!

Anong nakakagulat dun!?

Hindi ba talaga kami bagay ni babe ko?

At talagang nagulat pa sya ha!

"Yes, nicole meet my babe xyriel my girlfriend, babe this is nicole my childhood friend she is the cousin of peter."

Ahh! Kaya pala kanina ayaw nyang pumasok dito dahil ayaw nyang makita si nicole......

Teka! Bakit?

Gaythrob???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon