33: Marry???

79 2 0
                                    

Alam ko na

Ngayong alam ko na ang lahat

Malinaw na sakin....

Na hinding hindi ako susuko....

Hindi ako susuko samin ni babe ko....

Kahit na sino pa o ano pa ang pumigil samin...

Hindi ako titigil sa pagmamahal ko kay babe ko...

"What are you thinking?" Napapitlag ako nang biglang magsalita si babe ko na nasa tabi ko...

Nandito pa rin kami ngayon sa bahay na puno nang paintings. Nakaupo habang tinititigan ko pa rin yung ginawa niyang painting para kay kuya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ha?" Tanong niya pa ulit. "Ako ba yan?" Biro niya pa sakin.

Humarap ako sa kanya at binatawan ko yung painting at hinawakan ko yung mukha niya.

"Marunong ka pa rin bang magpainting?" Seryosong tanong ko sakanya na mukhang kinagulat niya.

"Ha?, bakit mo naman natanong?" Naguguluhang tanong niya pa sakin.

"Oo o hindi lang ang isasagot mo sakin babe ko." Strikto pang sabi ko sakanya habang nakatingin ako sakanya ng deretso sa mata.

"Oo, pero medyo matagal tagal na rin kasi ako tumigil eh. Bakit ba?"

"I want you to,

Teach me how to paint"

"Phew!! Akala ko naman kung ano na! Nakakaloka ka!!"

"Bakit? Ano akala mo?, ipapaint mo ako? Ano yan? Titanic lang ang peg?" Natatawa ko pang sabi sakanya at tumayo na.

"Uhmmm, parang ganun na nga." Sabi niya at tumayo na rin.

"Ah, so lumalabas na ang manly side mo? Naaakit ka na ba sakin? Ha!?" Lumapit pa ako sakanya at hinawakan pa ang mukha nito.

Ngumisi siya sakin. "Pano kung sabihin kong oo?" Lalo pang lumaki ang ngisi niya at hinapit niya pa ako papunta sakanya. "Anong gagawin mo?" Dagdag niya pa habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing sasabayan niya ang biro ko.

Lumapit pa lalo ang mukha niya sakin.

"Tell me, what will you gonna do if i will kiss you now?"

Lumipat naman ang mga titig niya sa labi ko at doon na nanatili.

Napitingin na rin ako sa labi niya na sobrang kissable lips.

Napalunok ako nang konti na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa.

Ayan na....

Konti na lang.....

Mukhang mahahalikan ko nanaman ang babe ko!!!

"Ay!!! Sori po sir nandito po pala kayo hindi ko po kasi alam sige po ipagpatuloy niyo na po yan nakita ko lang po kasi na nakabukas yung ilaw dito sa loob akala ko po may magnanakaw na sori po talaga sige po alis na po ako."

Napatingin kami sa babaeng tuloy tuloy na nagsalita na sa tingin ko ay katiwala dito.

Sayang! Malapit na yun eh!

"Sino yun?" Tanong ko sabay lakad papuntang pinto at sinilip ang babaeng kanina lang ay nang istorbo sa kanila.

"Katiwala ko yun dito, siya ang naglilinis dito at nagbabantay."

Napalingon ako nang makarinig ako ng kaluskos at nakita kong parang may nilalabas si babe ko sa isang kahon.

Lumapit ako at nakita ko ang napakaraming pintura, iba't ibang kulay, pati na rin iba't ibang klase ng paint brush.

Gaythrob???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon