"At kanino naman daw iyan galing ha?" Reese asked the next morning when she saw the vase of red roses.
Ginamit ko ang lahat ng natutunan ko sa flower farm tungkol sa pag aayos ng bulaklak. Wala pang alas ocho ng umaga but I was sure my day's already complete.
"Pinadala ng mga Ate ko na may Flower Farm." I lied smoothly without looking at her, patuloy na inaayos at sinisiguradong balanse ang posisyon ng bawat piraso ng bulaklak.
Dumating si Kevin at sa pwesto ko rin agad sya dumiretso. Malamang ay nakita rin nya ang bulaklak na inaayos ko.
"Kanino galing yan?" Kunot noo nitong tanong.
"Naunahan ka na yata, Kev. Mukhang may pumoporma na dito sa friend natin."
"What? Sino yan Alison? Sino ang nagbigay nyan?"
"I told you Reese, it's from my Ate's who have a flower farm. It's their gift for me for getting this job." Sagot ko.
Hindi pa rin mawala ang pagkakunot ng noo ni Kevin. Si Reese naman ay ilang beses umiling, halatang ayaw akong paniwalaan. Ganoon ba kahalatang nagsisinungaling ako?
"I don't buy your excuses, Alison. Hindi ka ngingiti nang ganyan kung hindi lalaki ang dahilan. Nagdaan din naman ako sa kerengkeng stage."
It was my turn to frown.
"Lalaki na lang ba ang makakapagpangiti sa akin, Reese? Eh nabuhay nga ako ng 22 years na walang boyfriend man lang?"
"Well, ask Kevin. Alam din nyan kung kailan lalaki ang dahilan ng pagngiti ng isang babae." She said.
I looked at Kevin and he was still looking intently at me. It was as if he was reading me and my expression. But I was determined to hide this. And so I raised my brow at him.
"I think she's telling the truth Reese. Besides, wala namang ibang nakakasama si Alison aside from us." Hindi nya pa rin inaalis ang tingin nya nang sabihin nya iyon.
Kung hindi lang tumunog ang signal bell ko ay hindi pa aalis ang dalawa. At mas dadami ang mag iinterrogate kung nagkataon dahil pagkadating ni Sandra ay nakataas din ang kilay nya sa bulaklak sa table ko.
The whole week was hella busy. Sir Adriel, being the COO for all the food related operations, he did a surprise visit to plants and farms. Well, kasama kasi sa group of companies ng mga Francisco ang isa sa pinakamalaking Poultry Farm at Dressing Plant sa Pilipinas.
Kaya nang mag-farm visit si Sir ay kasama ako, to make sure everything he needs will be met and every detail he wants to include in his report will be taken down.
Malalayo at liblib na lugar ang kinatatayuan ng mga poultry farms dahil isa sa mga requirements nito ay dapat secluded at malayo sa tao. That's for biosecurity purposes. Nakakahanga dahil ibang iba ang mga nakita kong farms sa ordinaryong manukan. Machine automated at inakala ko ngang de-aircon pa ang ventilation ng mga ito.
Travelling and standing in awe of the facilities occupied my week. I did not even noticed that a week has already passed. Ganoon ka-busy. And for a while, nawala sa isip ko si Wesley.
I just remembered him when I heard that he was on a leave that same week. Mas naawa ako sa kanya dahil may mga rumors na hiwalay na raw silang dalawa. And that there were also sightings of Alliah and the man who was caught she's kissing.
"Sobrang lungkot nya siguro talaga, Ate." I told Ate Flora one night when she called me and was asking how my work was going.
Syempre, as usual, puro Wesley, Wesley at Wesley pa rin ang maririnig nya sa akin. Hindi pa naman sya nagrereklamo.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (Completed)
RomanceFor her it was always him. For him, it was never her. - - - - Might be the most stressful story you'll ever read. You've been warned.