Twenty-ninth

56.6K 1.1K 484
                                    

"Oh my gosh! You're messing up big time!" Sandra said when I read to her Wesley's message just a few minutes ago.

Nagsimula na rin akong kabahan at magpanic sa loob ko. Wesley wants me to attend his mom's birthday celebration tonight. That alone is enough to make my knees grow weak. Pero ang talagang nakapagpakaba sa akin ay ang sumunod nitong sinabi.

Wesley:

We'll announce your pregnancy. That's my gift to mom. :)

"Anong gagawin ko, Sandra?" takot na takot na tanong ko.

Araw araw na kasama ko si Wesley sa apartment ay pabigat ng bigat ang nararamdaman kong konsensya. Ilang beses kong tinangka na umamin sa kanya pero sa tuwing makikita ko kung gaano sya mag alaga sa akin at kung gaano sya ka-excited sa bata ay umaatras ang tapang ko. Hindi ko kaya.

"I already told you to confess it while it's early. Ayan, hinayaan mo pang dumating sa punto na ito." She said before she took a bite on her clubhouse sandwich.

We're in a restaurant for a quick afternoon snack. Nasa meeting si Louie kaya hindi sya sumama. Mabuti na lang din para ma-solo ko si Sandra.

"Alam ko. Sinubukan ko naman, 'di ba? Kaya lang mali lang talaga iyong timing."

"You don't wait for the right timing. You create it." She rolled her eyes at me.

Easy for other people to say because they're not in my position. Gusto kong magprotesta kay Sandra pero mas pinili ko na lang na manahimik. Kahit saang anggulo kasi tingnan, alam kong ako ang may kasalanan. There's really no sense arguing.

"Hindi na ako makikipagtalo. Tulungan mo na lang akong mag isip ng ireregalo kay Mrs Francisco." I said and her eyes twinkled.

She's really fond of giving people advices, be it lovelife or gift consultations like this. I'm beyond blessed for having her because I don't need to pay for her advices. She gives it willingly and without ado. Sometimes I wanted to get offended. But I always think straightforward advices are better than sugarcoated ones.

We were searching for a good quality bags when Sandra spoke.

"Sigurado bang break na si Sir Wesley at ang impaktang Alliah?"

"That's what he told me. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman. Naisip ko lang kung bakit hindi kasing ingay ng dati ang break up nila ngayon."

Saglit akong napahinto at napaisip. Tama sya. Bakit nga ba hindi maingay ang naging break up nila ngayong kung totoong break na nga sila?

Sabagay, mapapansin naman na hindi na pumupunta dito sa office si Alliah. Sa akin na rin ulit nakikitulog si Wesley. May mga pagkakataon na sya ang nagluluto ng hapunan namin at pinagtitimpla nya ako ng gatas bago matulog. Pero may ilang umaga pa rin na gigising akong wala sya sa tabi ko. Ibig sabihin ay umalis sya ng gabi.

"Hindi naman na natin nakikita sa building si Alliah. Maybe that's a sign." I said and she shrugged.

"I hope so. Ayaw naman natin na dalawa kayo sa birthday ni Mrs Francisco mamaya, hindi ba?"

I was bothered by Sandra's remark the whole afternoon. What if Alliah's there, too? Will I be welcomed? Or how will Wesley introduce me to his family? Pagkatapos ng kontrobersyal na pakikipagbalikan nya kay Alliah ay iba ang ipapakilala nitong babae sa pamilya? Isn't that weird? I don't even know if his family knew of his most recent break up with Alliah.

Wesley called me at around six in the evening. Nagulat akong naghihintay na sya sa elevator nang lumabas ako. I was expecting for him to wait in our usual spot outside the restaurant few blocks away from FGC building.

Chasing Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon