Magaan ang loob ko nang bumalik sa opisina. Alam kong wala na akong dapat pang alalahanin dahil hindi naman ako ilalaglag ni Sandra. Iniisip ko na lang kung dapat ko bang sabihin kay Wesley na may nakakaalam na sa set up namin.
Wesley's very busy the whole day. He attended meetings from different executives and clients, alike. I managed to steal a moment from his busy schedule to give him snacks. He looked very serious when I handed him the food. He just said his thanks and then his phone rang. Umalis na ako pagkatapos.
It was already seven in the evening and almost everyone in the office have gone home. Kami na lang ni Sandra ang naiwan pero nag aayos na rin sya para umuwi.
"You're waiting for him?" She asked with a malicious smile and I nodded. "Kaya pala palagi ka na lang nagpapaiwan kapag gabi."
"Hindi naman araw araw."
"Ay sus! Kaya ito namang manok ko na si Kevin ang palaging malungkot."
Napasimangot ako. Hindi na nga ako kinausap ni Kevin pagkatapos ng huling pag uusap namin. Iyong pinagsabihan ko sya na huwag na akong susunduin sa apartment ko.
"Kumusta na ba sya?"
"Miss mo?"
"Baliw!" I rolled my eyes at her and she laughed.
"Palagi ka nyang tinatanong. Actually, kinukulit nya ako na isama ka sa night out bukas. Ano sama ka? Tayo tayo lang din namang mga EA's yun."
"I'm not sure. I'll try."
"May lakad ba kayo bukas? Kung wala baka mapagbigyan ka naman ni Sir. Minsan lang naman kamo."
"I'll see. Magpapaalam ako mamaya." I smiled at her and Sandra's face lit up.
"Alright! See you tomorrow!"
"Ingat!"
Pagkaalis nya ay nag isip na ako ng paraan kung paano magpapaalam kay Wesley. It's my life, yes, but still I want to consider his opinions. Pumayag naman sya o hindi ay okay lang sa akin.
Pero naisip ko rin na kaya ko nga yata na hindi makipagkaibigan sa iba basta kasama ko si Wesley. He's worth more than a hundred friends to me.
Mahigit alas siete y media na nang tawagan nya ako para sabihing naghihintay na sya sa baba. Late na kaming umuwi sa dami ng nirereview nyang papeles na kailangan nyang pirmahan. Kaya tuloy ay halos alas nueve na nang kumain kami ng hapunan dahil nagluto pa ako.
Hindi pa rin natapos ang trabaho ni Wesley. Maya't maya ay may tinatawagan sya at hanggang ngayon ay nakatapat pa rin sya sa laptop nya.
Naabutan ko syang nakaupo sa kama ko pagkalabas ko ng CR. Nakatuwid ang binti nya sa ibabaw ng kama at nakasandal ang likod sa headboard. Nakaputing sando sya at naka-asul na boxer shorts na natatakpan ng makapal na puting unan kung saan nakapatong ang laptop nya.
Napangiti ako. Napakasimple nya. Sya ang Chairman ng FGC pero ayos lang sa kanya na mahiga sa isang simpleng kama. Airconditioned naman ang kwarto ko pero ibang iba pa rin syempre sa buhay na alam kong kinasanayan nya.
Lumapit ako at naupo sa tabi nya. Agad nya akong inakbayan at hinalikan sa pisngi.
"Madami pa ba yan? What help can I offer?" I asked wrapping my arms around his waist and resting my head on his chest.
"Just hug me." He said before he resumed typing.
Mabuti na lang at hindi ako nakaharap sa kanya. Malaya akong ngumiti sa sobrang kilig ko sa kanya. Ang bango bango nya talaga. Parang nakadikit na sa balat nya ang mamahaling pabango na ginagamit nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (Completed)
RomanceFor her it was always him. For him, it was never her. - - - - Might be the most stressful story you'll ever read. You've been warned.