Eighteenth

30.5K 703 266
                                    

Nanginginig ako nang bumalik sa cubicle. It was just a simple message but it's enough to freak me out.

May nagawa na naman ba ako? Hindi ko na nga sya nilalapitan at ginugulo. Sa mga tingin nya kanina ay para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Sinubukan kong alisin sa utak ko ang mensahe nya at magpokus sa trabaho. Pero sadyang makapangyarihan ang pwersa nya hindi lang sa puso ko kundi pati sa utak ko para sya pa rin ang isipin.

My phone rang and I answered when I saw that it was Ate Flora.

"Hi, Alison." She said over the phone.

"Hi Ate, bakit ka po tumawag?"

"I'm on my way to your apartment. Did you change your keys?"

I sighed. Tuloy na tuloy na talaga sya. Kagabi ay alam kong nastress ko sya nang husto. Sana mamaya ay kalmado na sya. Kung magagalit man sya ay sa akin dapat. Not on Wesley.

"No, Ate."

"Okay, I'll see you later. Bye."

"See you later, Ate. Bye." Matamlay ang boses ko.

Three in the afternoon and the meeting was still on. Sir Drie texted me to deliver food in the meeting. Iba na ang nagsasalita at nagpepresent nang dumating ako. Nagpunta ako sa sulok ng board room para ilapag ang mga pagkain.

Ramdam ko ulit ang mga tingin ni Wesley. Kahit nakatalikod ako ay alam kong nakatingin sya. My body always knows.

"Alison..." I heard someone whispered as he called and I turned to find Architect Louie behind me.

"Architect? Ano po yun?" Tanong ko.

Humakbang sya at inilapit ang labi sa tainga ko para bumulong. I saw Wesley clenching his jaw on my view behind Architect Louie's shoulder. His hawklike eyes bore into the Architect's back.

"Where's the CR in this floor?" He asked and my focus went back to him.

"Tapusin ko lang ito. Sasamahan na kita sa labas." I smiled at him.

He helped me arranged the food and we both went out of the board room. Nahagip ng mata ko ang mata ni Wesley na nakasunod pa rin sa amin pero hindi ko na tinangka pang salubungin ang titig nya.

I was relieved when I got out of the board room. Itinuro ko kay Architect Louie ang restroom at bumalik na sa cubicle. Pagod kong ibinagsak ang sarili nang maupo.

Why is Wesley's stare suddenly draining me? It was as if he's sipping the forces left inside my body by just staring.

"Okay ka lang?" Sandra asked and I nodded before I sighed.

"Nakakapagod."

"May kinalaman ba ulit yan kay..." she did not finish her sentence but I know who she was referring to. We both knew.

"Galit pa rin yata sa akin kahit wala naman na akong ginagawa." Problemado kong sabi sa kanya.

"How did you say na galit sya?"

"His eyes won't leave me whenever I enter the board room."

"Baka naman namimiss ka?" She teased.

Kung ordinaryong araw ay malamang ngingiti ako at kikiligin. Hindi ngayon. Alam kong iba ang ibig sabihin ng titig na iyon.

Umiling ako bilang pagtutol.

"Nagtext sya sa akin kanina na para bang gusto nyang sabihin na maghanda ako sa mahabang sermon."

Kinuha ko ang phone ko at ipinakita kay Sandra ang text message ni Wesley sa akin. Kumunot saglit ang noo nya bago unti unting lumiwanag ang mukha.

Chasing Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon