Thirteenth

27.2K 650 342
                                    

I was walking behind him and we were both walking under the rain. Sinubukan nyang payungan ako pero lumayo ako kaya sa huli ay sinarado nya ang payong at dalawa kaming naglakad sa ilalim ng ulan. Mabagal at nakayuko sya habang naglalakad.

We reached his car and he still opened his car's door for me. The ride home was very quiet. He did not even turn on the radio.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto. Lumabas ako ng sasakyan nya at naglakad papasok sa apartment. Sa kwarto ako dumiretso para kumuha ng damit at magbihis sa CR.

He's waiting for his turn when I went out of the bathroom. Nakayuko pa rin sya at hindi ako tinitignan nang dumaan sya sa gilid ko. I sighed.

It's very weird. Pakiramdam ko ay nalimutan ko na agad kung bakit ako naiinis sa kanya ngayong nakikita ko sya. I really am very selfless when I love.

Nahiga ako pagkatapos kong iblow dry ang buhok ko. Nasa dulo ako ng kama at nakapwestong patalikod sa kanya. Bukas na lang siguro kami mag uusap. Pumikit ako para makapahinga na ang katawan at ang isip ko.

I heard the bathroom door opened and I heard his footsteps going to and fro my room. Naramdaman kong bumaba ang kama ko at hindi ko alam kung gaano sya kalapit sa akin dahil amoy na amoy ko ang aftershave nya. Mas dumiin ang pagpikit ko.

Do I need an explanation from him? The answer is no. Alam ko simula't sapul na panakip butas ako. Taga puno sa kulang ng iba. Kaya siguro ako nasaktan sa nangyari kanina kasi I got the taste of my own medicine.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Madilim pa nang magising ako kinabukasan. My digital clock says it's still five in the morning. Hindi man lang nabago ang posisyon ko pero nagulat akong nakayakap si Wesley sa akin.

I could feel his breathing on my nape and I could feel his warm body behind me. I sighed. Torture para sa akin ang iwasan sya at hindi kausapin. Because no matter how angry I am with him, I would still choose to forgive him.

Marahan kong inalis ang braso nya sa pagkakayakap sa akin at bumangon. I was very careful not to wake him up. Naghilamos at nagtali ako ng buhok bago lumabas sa kwarto.

Iyong mga bulaklak na bigay nya kagabi ang una kong nakita pagkabukas ko ng ilaw sa sala. Pareho pa rin ng ayos, nasa ibabaw ng center table kung saan ko ibinaba bago may mangyari sa amin ni Wesley.

I slowly took it and checked if there were any notes saying that these were really for me. Hindi na ako nagulat na wala. Ilang bulaklak na rin ang nakita kong itinapon nya na para naman sana kay Alliah at hindi na ako magtatakang para sa kanya talaga ito. Nanghinayang lang syang itapon kaya sa akin nya ibinigay.

Ako naman si tanga, ang bilis kinilig.

Kahit ang ganda ng bulaklak ay nagdesisyon akong itapon na lang sa basurahan sa labas ng apartment ko. There were beautiful things you need to let go simply because they were not for you.

Nagpiprito ako ng ham nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Of course, I knew already who that was. Kaming dalawa lang naman ang nandito sa apartment ko.

"Good morning." He whispered against my neck. Iniwas ko ang ulo ko.

"Sir, I'm cooking."

Mas hinigpitan pa nya ang hawak sa akin.

"Aren't we talking?" He asked and I sighed.

"Later. After eating."

Alam kong gusto nyang magprotesta pero tahimik na lang syang tumango. Nauna syang maligo. Sabay kaming kumain pagkatapos nya pero hindi rin kami nakapag usap dahil ako naman ang naligo.

Chasing Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon