Hirap na hirap akong huminga habang naglalakad paakyat sa kwarto ko. Muntik nang malaglag ang hawak na baso kaya basta ko na lang iniwan ito nang makakita ng mesa.
I locked myself in the room and cried my hearts out. What are you expecting, Alison? That Wesley would choose you over Alliah? Ilang beses na ba nyang pinatunayan na pipiliin at pipiliin nya ito kahit anuman ang mangyari.
I don't know what to give anymore. I don't know what to do anymore for him to stay. I don't know how to keep him anymore. Ang imposible talaga ng sinabi ni Sandra na paibigin ko si Wesley to the point na mas matimbang na ang pag ibig kaysa galit.
Napagdesisyunan kong maligo dahil walang magagawa ang pag iyak. Nasa gitna kami ng napakagandang isla at sayang naman kung uubusin ko ang oras sa pagluha lang.
Isinuot ko ang asul na midi dress, sunglasses at ang sun hat ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Madel.
"Lalabas ka ho, Ma'am?" Tanong nito.
"Oo. Bababa lang ako sa dalampasigan para magpahangin."
"Sasabihan ko ho ba si Sir Wesley?"
Umiling ako. Busy naman iyon sa pangungumbinsi ng lola nya na balikan si Alliah. Makakaistorbo lang ako.
"Hindi na. Marami pa syang ginagawa, eh. Kapag nagtanong na lang sya at saka mo sabihin."
Malaya akong nakalabas ng mansyon. Malakas ang hangin at ang tunog ng paghampas ng alon ang maririnig sa paligid. Mataas ang sikat ng araw.
Tinanaw ko ang Casa Oeste at maraming mga tao ang lumalangoy sa dalampasigan malapit doon. May kasunduan siguro na ang bahaging ito ng isla ay pribado at hindi dapat puntahan ng mga turista.
Naupo ako sa buhanginan. May lilim dahil sa matataas na bato. At sa medyo mababaw na parte ng dagat ay may bangka.
Kinuha ko ang mga kabibi na nahahalo at natatago sa puting buhangin. I love collecting seashells when I was younger but stopped when I've learned that doing so would cause great damage to the ecosystem.
Kinuha ko na lang ang maliit na putol na sanga malapit sa akin at nagsulat sa buhangin.
Weston
I wrote the name that I want for my child and smiled. Kung darating man sa puntong magkakaanak kami ni Wesley ng lalaki, gusto kong isunod sa kanya. Syempre sa akin galing iyong on.
Sigurado akong magiging kamukha nya ang anak namin, gwapo o maganda. Gustong gusto ko ang mukha ni Wesley. Kahit pa ako ang magdala ng siyam na buwan, kung kamukha naman ng Daddy nila ay waging wagi na ako.
Umihip ang hangin at umalon, naabot ang sinulat ko at sa isang iglap ay nabura. Tinangay patungo sa kawalan. Mapait akong natawa. Mukhang kahit ang dagat ay hindi sang ayon sa mga pangarap ko.
"You didn't tell me you want to go here."
Napaangat ako ng tingin. Nakatayo si Wesley sa gilid ko at seryosong nakatingin sa akin.
Nag iwas ako ng tingin. "Gusto ko lang sanang magpahangin. You're working. I didn't want to disturb you."
"Who said you'll disturb me?" He asked before he sat beside me.
I looked at him. He's wearing the shirt and shorts we bought him yesterday. He was looking straight to the sea.
"I don't want to meddle with the things you love doing before I came."
Nakuha ko ang atensyon nya. He turned to look at me with a small smile reflecting from his eyes. He took a deep breath.
"Come here." He motioned me to sit in between his legs.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (Completed)
RomanceFor her it was always him. For him, it was never her. - - - - Might be the most stressful story you'll ever read. You've been warned.