My head is throbbing painfully and my eyes swollen from all the crying I did last night. I wasn't even sure if I slept at least an hour. The whole night I was awake, I was tempted to call or message Wesley. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero alam kong hindi na dapat.
Hinayaan nya ako. Hinayaan nya akong lumayo. Kung pinigilan nya siguro ako ay malamang mapagbibigyan ko pa ang sarili kong manatili pa rin sa kanya. Pero hindi nya ginawa. What do I expect? I was just like a disposable cup for him. You'll use maybe twice or thrice, but will eventually end up being dumped.
I didn't want to go to work. My heart felt heavy. Baka kapag may nagbanggit ng pangalan ni Wesley sa opisina kahit casual lang ay hindi ko mapigilang lumuha. Wala pa rin akong balak na ikwento pa sa mas nakakarami ang sitwasyon ko.
I got up late. Halos malapit nang mag alas otso nang lumabas ako para maghintay ng taxi. The sun was already high and the city dust would make even the person with the longest patience annoyed.
I tried booking a grab car but there were no available as of the moment. Napairap ako sa hangin at napabuga ng hangin. I still need to be patient. Ayokong puro kamalasan na lang ang maranasan ko buong araw.
Mabuti na lang at matapos ang ilang minuto ay may humintong taxi. Sumakay ako. Hindi naman ako maarte pero siguro dala na rin ng puyat kaya parang ang dali kong mairita nang malamang sira ang aircon ng sasakyan.
"Kuya, wala na po bang ibibilis ito?" Hindi ko na napigilan ang sarili nang mapansing mas mabilis pa yata kung nilakad ko na lang.
"Medyo luma na ho kasi, Ma'am." Napakamot ang driver, marahil ay nahimigan ang pagkairita sa boses ko.
Tumingin na lang ako sa labas para humupa ang inis. Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na nahuhuli ako sa trabaho. Hindi naman siguro iisipin ni Wesley na sya ang dahilan ng pagkahuli ko ngayon. O baka nga hindi man lang ako sumasagi sa isip nya.
Few meters ago and the car suddenly went into a harsh stop. Napatili ako.
"Ano pong nangyari?!" I asked, totally shocked and scared. Kitang kita ko ang pag usok ng bumper.
"Hindi na ho yata kinaya. Papunta po talaga ako sa mekaniko bago ninyo ako pinara, Ma'am eh."sagot ng driver bago sya bumaba.
I wanted to scream in frustration but held myself. I got off the car and gave a reasonable amount of money to the driver before walking a little far to him. Maraming dumadaan na sasakyan pero hindi ko alam kung may humihinto bang taxi. I tried booking grab car again but still, there were no available.
Private cars were slowing a bit to stare at me. Malamang ay pinagtatawanan ang estado ko. Tumingin ako sa paligid. May humihinto kayang taxi dito?
Bwisit! May imamalas pa ba ang araw na ito? Muli pa akong naglakad nang kaunti. Napakainit. I would never wear terno blazers and high heels ever again!
I simultaneously waited for a taxi to pass and tried to book a grab car. But it was already past eight and here I was, standing pitifully on the sidewalk.
Nanliit ang mata ko nang may humintong kulay pulang Montero. The shotgun window rolled down and revealed Architect Louie Romano. He immediately went down of the car.
"Alison?" Kunot noong tawag nya nang makalapit sa akin. "What are you doing here?"
"Nasiraan yung taxi na sinasakyan ko."
"Ganun ba. Tara, sumabay ka na sa akin."
I smiled gratefully at him. Kahit paano ay may suwerte pa ring dumating sa araw na ito. Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng sasakyan nya bago sya umikot para sumakay sa driver seat.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (Completed)
RomanceFor her it was always him. For him, it was never her. - - - - Might be the most stressful story you'll ever read. You've been warned.