Prologue

148 17 5
                                    

"Help! Help!"

Sinira ng mga sigaw ang katahimikan ng  kalye. May isang babae ang nakahandusay sa semento at duguan. Hindi ito gumagalaw at hinahabol ang paghinga.

"Please, don't close your eyes! Look at me!"

Sa kabilang banda, sa ospital na di kalayuan sa kanila, may babaeng hirap na hirap sa pagsilang ng isang sanggol.

"Push, push!"

Parehas na nag-aagawan sa paghinga ang dalawa. Malakas ang ginagawang ingay ng kamay ng orasan. Bawat paggalaw nito ay mahalaga. Tiktok. Tiktok.

Sa loob lamang ng isang minuto, nagkaroon ng malakas na ingay sa kalsada at sa loob ng hospital room.

May mga luha at sigaw ng lungkot.
May mga luha at hiyaw ng saya.

Ang unti-unting pagpikit ng babaeng nakahandusay sa semento, ay ang paghinga ng sanggol sa paglabas sa sinapupunan ng nanay nito.

Remembering SundayWhere stories live. Discover now